[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...

73.4K 859 56
                                    

Chapter Seventeen

--Just like the first time, it’s happy.--

            “Avril… hindi ako nakikipagbiruan sa’yo. Totoo ba ‘yang sinasabi mo?”

           Tumango si Avril dahilan para tila unti-unting gumuho ang mundo ko. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ang mga bagay na ito ngayon pa kung kelan dapat ay masaya ako dahil magkikita na ulit kami ni Midori. “Ayaw ka niyang harapin. Pero alam ko namang hindi talaga yun ang gusto ng kapatid ko. Kaya sige na, Maisen. Puntahan mo na siya.”

           Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay agad-agad akong nagtatakbo paakyat sa bahay nila nang bigla ulit tawagin ni Avril ang atensyon ko.

           “Pangatlong kwarto sa kaliwa, katabi ng music room. Oras na makita mo si Midori, ‘wag na ‘wag mo siyang sasaktan o iiwan.”

           Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Kahit hindi sabihin iyon ni Avril, alam ko na ang dapat kong gawin. Matagal kong hinintay itong pagkakataong ito. At ngayon na nasa akin na, hindi ko na ‘to pakakawalan. Sabi nga ng isang sikat na linya, “Bago ka bumitiw, isipin mo muna kung bakit ka kumapit nang ganyang katagal.” Matagal kong hinintay si Midori kahit pa nakakatawang sabihin kong sinusubukan kong mag-“move on” kahit hindi naman kami. Pero nandito na siya malapit sa ‘kin. Wala nang rason para maduwag pa ako.

           Nang marating ko na ang kwartong tinutukoy ni Avril ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuang iyon. Natagpuan ko siya roon, nakaupo sa kama niya, nakatingin sa akin kahit alam kong wala namang direksyon ang mga tingin niya.

           “Kuya…” pagtawag niya. Akala niya siguro ay ako si Avril. “Kuya, anong sabi niya? Umalis na ba siya?”

           Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at iniangat ang mga kamay ko para hawakan ang mukha niya. At nang magawa ko iyon, bigla na lang may tumulong luha sa mata niya.

           “Kuya naman eh… ‘wag mo nga kong takutin. Bakit ‘di ka sumasagot?”

           Pinalis niya ang kamay ko nang hindi pa rin ako magsalita.

           “Sino ka? Si Kuya Avril ka ba? Alam mo bang natatakot na ako ngayon? Sumagot ka nga! Si Kuya Avril ka ba?”

           “Midori,”

           Nang marinig ang boses na iyon ay bakas ang gulat sa mga mata niya. At lalo pang nagpatuloy ang mga luha sa paglabas doon kahit pa pinipilit niyang pigilan ang mga iyon.

           “Pinag-alala mo ko.”

           “S-sino ka?”

           “Maisen. Kung hindi mo naaalala, ako si Maisen.”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now