[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.

71.6K 751 44
                                    

Chapter Fifteen

--Saying the most painful goodbye.--

          How could you just forget someone who changed your life?

          Halos dalawang buwan na rin ang nakalilipas nang huli kong makita si Midori. Kung sino siya, kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon, kung bakit siya biglang tila nawalan ng malay, kung anong nangyari matapos iyon, kung bakit nandoon si Dwaine ng gabing iyon… hindi ko na inalam pa. Nawalan ako ng lakas ng loob. Hindi ko na alam kung paano ko haharapin si Midori matapos ang lahat ng sinabi niya sa akin. Siguro nga ay malaki ang galit niya sa ‘kin.

          Sapat na’ng lahat ng iyon para maintindihan ko kung ano ang kahulugan ng lahat ng ito. Siguro, tinuturuan ako ng magandang aral ni Lord. Effective naman, nagawa kong magbago. Pero hindi ko inaakalang ganito pala talaga kasakit yun. Ang hirap palang magmahal. Siguro nga, naituro Niya sa ‘kin ang magandang leksyong nagpabago sa buhay ko. Pero yung magmahal ulit ng katulad ng pagmamahal ko kay Midori? Kahit ituro Niya yun sa ‘kin, parang hindi ko yun kayang gawin sa iba.

          Nandito ako ngayon sa kasal ni Jan Avril at Flip Armaddi. Hindi na ako naka-attend ng mismong church wedding nila, maiinggit lang ako dun eh. Kaya sa reception na lang ako naka-attend. Masquerade ang theme ng after-wedding party na ito kaya kailangan ang lahat ng guests magsuot ng maskara. I-re-reveal lang ang mga taong may suot ng maskara kapag sumapit na ang twelve o’clok midnight. Doon rin magaganap ang couple’s kiss nina Flip at Avril.

          Tutugtog dapat kami sa gabing ito pero may issue pa kasi kaming kinakaharap kaugnay ng nangyaring concert namin na biglang pinutol dahil sa eksenang ginawa ko. Marami naman ang natuwa pero hindi maiwasang may mga manira sa amin lalo’t higit ang ilang myembro ng media na noong simula pa man ay gusto na kaming pabagsakin.

          At ngayon ay nandito ako sa rooftop ng building. Nag-iinom mag-isa habang nagkakasiyahan sila sa hall. Mas mabuti sigurong mapag-isa ako. Ilang araw ko na din kasing pnipilit na bumalik sa dating energetic na Maisen kahit sa loob ko, alam kong nagpapaka-trying hard lang ako.

          Napalingon ako sa likuran ko nang may marinig akong nagtutunugang mga takong. At nakita ko doon ang isang babaeng naka-long gown. Wala akong ideya kung sino siya dahil sakop ng buong maskara ang buong mukha niya.

          Tinitigan ko lang siya habang papalapit siya sa ‘kin. Kumaway siya sa ‘kin kaya’t kinawayan ko rin siya.

          Tinabihan niya ako at nagsulat siya sa hawak-hawak niyang sketch pad. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya at nagtataka kung sino siya. Hindi naman siguro si Heart ‘to. Hindi naman siguro siya magpapalit pa ng damit para lang pag-tripan ako.

          “Hello! :) ” nakasulat sa sketch pad na niharap niya sa ‘kin.

[A/N: Ang lahat po ng replies nung ‘babae’ dito sa rooftop conversation na ito ay nakasulat sa sketch pad :)]

          Tnanguan ko siya at bahagyang nginitian bilang pagbati.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now