[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...

91K 1.1K 95
                                    

Chapter Four

--Because it's the beginning, it's good.--

 


"100."

          Dahan-dahan akong tumayo at lumapit doon sa pang-isandaang lalaking dumaan. Tumigil pa ako saglit. Tama bang lumapit ako? Tama bang ituloy ko pa 'to?

          "Ano ka ba Midori," bulong ko sa sarili ko. "Nandyan na eh."

          Oo nga. Sinimulan ko 'to. Tatapusin ko. Bahala na si Batman. Bahala na siya talaga.

          "GOTCHA!" pinigilan ko siya sa braso.

          Tumingin siya sa 'kin na parang sinusuring mabuti kung sino ako.

          "Hi! Wala man lang bang 'hello'?"

          Tumingin-tingin muna siya sa paligid niya at saka ulit tumingin sa akin. Pero hindi siya nagsalita. Ano ba naman itong napili ko. Absent yata nung tinuruang magsalita ng teacher nila.

          "Wala ka nang magagawa. Wala ka nang takas. Sa ayaw at sa gusto mo, mag-de-date tayo." Kinindatan ko pa siya at nginitian para man lang baguhin ang atmopshere sa pagitan namin. Pero kumunot lang yung noo niya. Iiwan ko na sana siya dahil hindi naman siya nagsasalita o kumikibo man lang. Nang biglang...

          "Sure. Where's the place?" hinila niya ako palapit sa kanya at inakbayan. Nagulat pa ko lalo nang igiya niya ko sa kung saan. Kung kanina ako ang nagyaya, ngayon naman, nabaligtad ang sitwasyon.

          "A-ahhh... Teka... Dahan-dahan naman." Tumigil ako sa paglalakad at inalis ang pagkakaakbay niya sa 'kin. Wala naman akong alam sa mga ganito pero parang ang bilis naman kasi. Ngayon lang naman kami nagkakilala tapos akbay kaagad?

          "Why? You said you want a date with me, right? Don't worry, I don't bite. I never had sex even with my exes so you don't have to worry. I'm also not a member of a syndicate group. Hindi ko kukunin ang internal organs mo. At lalong hindi ako pimp. Do I look like one?"

          Naningkit ang mga mata ko. Di bale na. Kahit ano pa man itong lalaking ito. Mukha namang magiging masaya ang date namin. At isa pa gwapo naman siya. Makinis ang mukha. Parang mayama. Hindi naman siguro siya gagawa ng masama. At subukan lang niya nang matikman niya ang flying kick ko!

          "Let's go then."

******

          "Wow! Ang galing! Ako naman!"

          Inagaw ko yung gitara sa kanya. Nagpunta kasi kami sa isang amusement park na malapit lang sa Enigma. Nahihiya pa nga ako kanina nung pumasok kami. Tingin kasi nang tingin yung mga tao sa amin. Sabi a lang niya 'wag ko na lang daw pansinin yung mga yun. Siguro daw naiinggit lang sila.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora