[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...

72.7K 803 52
                                    

Chapter Eighteen

--Happiness for the mean time.--

           “Mommy, pwede po bang pakikuha ng gamot ko?”

           Hirap na hirap na tumayo ako mula sa kama ko. Sinubukan kong kapain ang side table pero natabig ko lamang ang lamp shade na nakapatong doon. Itinuon ko ang kanang kamay ko sa kama para kumuha ng suporta pero sa huli, natumba rin ako sa sahig.

           “Oh,” itinayo ako ni Mommy at iniupo sa kama ko habang ako naman ay nakahawak sa sentido ko. “Sobrang nahihilo ka ba? Sigurado ka bang sasama ka pa kay Maisen?”

           Huminga ako nang malalim at pinilit kong maging maayos. Niyaya ko si Maisen sa isang date ngayon. Kaninang umaga, tumawag siya sa ‘kin na naka-plano na raw lahat at dadaanan niya ako dito sa ‘min. Ayokong ma-disappoint siya at hindi matuloy ang gagawin namin dahil lang sa kalagayan ko. Kahapon, kasabay nang totoong pagtanggap ko kay Maisen sa buhay ko ay ang pangakong hindi ko hahayaan ang sakit kong mamagitan sa ‘min. Gusto kong maging normal kapag kasama ko siya. Gusto kong maging masaya sa kanya. “Okay lang po ako Mommy.”

           “Sigurado ka ba dyan? Mukha namang hindi ka okay? Pwede naman sigurong ituloy ‘to sa ibang araw.” Iniabot niya sa ‘kin ang gamot ko at ininom ko iyon, kasunod ang isang basong tubig.

           “Pa’no po kung wala na ko bukas?”

           Hindi nagsalita si Mommy. Hindi ko nakikita ang ekspresyon sa mukha niya pero siguro, nagulat siya sa sinabi ko.

           “Pa’no po kung wala na ko bukas? Pwede pa rin po ba kaming mag-date ni Maisen?”

           “Anak, ano ka ba naman…”

           “Ma, kung hindi ko pa po gagawin ngayon yung mga bagay na makapagpapasaya sa akin, kelan pa po? Kung aasa lang po ako na gagaling ako, paano kung hindi naman pala? Ayoko pong mawala sa mundong ‘to nang may pagsisisi. Wala naman pong masamang umasang gagaling ako, pero Mommy, paano nga po kung hindi?”

           Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ako habang sinusuklay niya ang buhok ko. “Ang pinakanakakalungkot na yatang tanong ay yung ‘paano kung…’ Sa lahat ng pandugsong sa isang magandang pag-asa, yung ‘paano kung’ ang sumisira noon.”

           Humiwalay siya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko.

            “Maging masaya ka ngayon, Midori. Mabuhay ka ngayon nang walang iniisip na ‘paano kung’.”

           “Ma, salamat. Kung wala ka dyan, pa’no na kaya ako?”

           Paano na nga kaya ako kung wala ang pamilya ko? Hindi ko alam. Mas mahirap pa siguro iyon sa pagkakaroon ng cancer. Naaalala ko, yung mga kaklase ko noong high school, ayaw na ayaw nilang pinapupunta ang pamilya nila sa school, inaaway nila ang mga kapatid nila, o kaya naman ikinahihiya nila ang lolo at lola nila. Naisip ko, bakit kaya ganun sila? Samantalang ako, isang araw na mapalayo ako sa pamilya ko, pakiramdam ko hindi ako makakatulog nang maayos.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon