[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...

63.1K 610 29
                                    

Chapter Twenty-One

--Twice the happiness, thrice the suffering.--

         “Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday… Happy birthday to you!”

          “Sige na. Mag-wish ka na Hon.”

          “HON?!” sabay-sabay naming sigaw dahil sa narinig naming pagtawag ni Daddy kay Mommy.

          “Grabe, Tito! Ngayon ko lang narinig na tinawag mo niyan si Tita Meg! Gee…” ani Jane na para bang kinikilabutan.

          “Oo nga, Daddy! Samantalang dati, Meg lang naman!” natatawang pangangantyaw ko.

          “Aba…” pagrereklamo ni Daddy. “Kelan lang ba naman kami umuwi ng Pilipinas para malaman niyo agad? At isa pa matagal ko nang tinatawag ng ganyan si Meg, kapag kami dalawa lang ang magkasama. ‘Di ba, Hon?” nakapanlolokong pabulong na sabi ni Daddy.

          “Itigil niyo na nga ‘yan. Nasa harap kayo ng mga bata. Mag-wish ka na nga kasi, Mom.” Naramdaman ko ang pagtulak ni Kuya Avril kay Mommy palapit sa cake na sinindihan niya kanina.

          “Okay, ang hiling ko lang naman kay Lord ay maging masaya itong mga batang ito na kasama ko ngayon. Gayundin, kaming mag-asawa. At nawa, gumaling si Midori.” Matapos iyon ay narinig ko ang paghihip ni Mommy sa mga kandila.

          “Mommy, dapat yung wish niyo para sa sarili niyo at hindi para sa ‘kin kasi ikaw naman ang may birthday,” napapakamot sa ulong sabi ko.

          “Para sa ‘kin naman yun ah! Dahil ‘pag masaya kayo, masaya na din ako. Itong si Jane at si Dwaine din. Parang mga anak ko na kayo kaya hali nga kayo!”

          Naramdaman ko na lang na pinalibutan na ako ng mga taong magkakayap kaya naman itinaas ko rin ang kamay ko para makiyakap. Nagmwestra siguro ng group hug si Mommy.

          “Abot pa po ba ako sa party?”

          Napakalas kami sa yakap na iyon nang marinig naming lahat ang boses ni Maisen.

          “Sorry po. I’m late. And I can’t promise to stay for so long. But I tried my best to come po.”

          Naramdaman ko na may mga kamay na pumatong sa mga balikat ko, si Maisen siguro yun. “Mommy, busy po kasi talaga si Maisen. Alam niyo naman pong international artist na siya. Mabuti nga po nakadaan pa siya dito.”

          Saglit na katahimikan ang pumalibot sa paligid namin nang magsalita ulit si Dwaine. Ngunit naging malabo ang mga sinabi niya. Kaya naman pianulit ko sa kanya ang sinabi niya.

          “Midori… wala dito si Maisen.”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now