[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...

87.3K 977 43
                                    

Chapter Seven

Meeting you again is is traced in our destiny.

 

--Midori to Maisen's Shadow--

 

           “Tik... tok... tik… tok…”

          Nakapikit kong pinakikinggan ang tunog ng orasan. Bawat pag-ibo ng mga kamay nito ay pag-usad rin ng buhay ng tao.

           “Tik... tok... tik… tok…”

          Hindi ko alam kung ano ang susunod. Bawat parte natin ang katulong sa pagpapatakbo ng buhay natin. Pero kung tumigil na ang mga ito katulad ng pagkaubos ng enerhiya ng baterya ng orasan… titigil ang lahat.

          “Tik… tok… tik… tok…”

 

          Ang pinagkaiba nga lang… yung baterya ng orasan pwede mong palitan. Pero ang buhay ng tao? Wala. Nag-iisa lang ‘yan.

          “Midori…”

          Napamulat ako sa boses na iyon na tumawag sa ‘kin. “Kuya…”

          Nginitian ako ni Kuya Avril. Pumasok siya sa silid kung nasaan ako at lumapit sa ‘kin. “Easy, okay?”

          Nginitian niya ulit ako at niyakap ko siya. “Kuya… hindi ako natatakot. Kaya dapat maging masaya ka ha. Gagaling din ako.”

          Gagaling din ako, gaano nga ba ako kasigurado? Anong panghahawakan ko gayong binigyan lang ako ng maliit na tsansa upang gumaling?

          “Oo, gagaling ka din. Wala ‘yan. Mas malala pa ang bulutong mo diyan.”

          Humiwalay ako kay Kuya Avril  at hinalikan niya ako sa noo. “Kuya, anong oras uuwi sina Daddy at Mommy? Gusto ko na silang makita. Pati na rin si Lolo.”

          “Malapit na sila. Malapit na malapit na.”

          Niyakap ko pa nang mas mahigpit si Kuya. Naalala ko na naman yung araw na sinabi ko sa kanyang may sakit ako. Hindi siya nagalit. Hindi rin siya nalungkot nang sobra. Hindi rin siya umiyak. Ngumiti pa siya at sinabi niyang wala lang daw iyon. Ginusot pa niya at itinapon sa basurahan yung resulta ng mga tests na isinagawa sa ‘kin na nagpapatunay na may brain cancer nga ako. Sabi niya simple lang naman daw iyon. Gagaling din ako kaya’t ‘wag akong mag-alala.

          Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Kuya Avril nang may nagsalita mula sa bumukas na pinto.

          “Excuse me, Midori. Pinapatawag ka na ni Dr. Arc.”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now