[CHAPTER TWELVE] Almost...

72.2K 811 30
                                    

Chapter 12

--Almost crossing paths.--

          “Excuse me,”

          Pagkadating na pagkadating ko sa ospital ay agad akong nagpunta sa nurses’ station. Nandito ako dahil tumawag sa akin yung investigator at sinabi niyang kapapasok lang daw ni Betty dito sa ospital kasama ang dalawang mas nakatatanda sa kanya. Hindi naging malinaw ang usapan namin dahil bigla syang nawala. Pero nagpunta kaagad ako dito para magbakasakali.

          “Sir Maisen!” impit na sigaw nung nurse na naka-duty doon ngayon. Dati kasi, ginagamitan ko pa sila ng pagiging palikero ko, pero ngayon, wala na kong ganang gawin yun.

          “Pwede bang paki-check kung saang room si… Ah… Betty yung pangalan niya.”

          Nanatili lang nakatitig at nakangiti sa akin yung nurse doon at mamaya pa ay may dumating pang dalawang babaeng nurse at tinitigan rin ako.

          “Excuse me!”

          “Sir!” Biglang natauhan yung nurse nang laksan ko ang boses ko. “Ano nga po ulit yun?”

          “May Betty ba na pasyente? Paki-check naman kung anong room.”

          “May surname po ba, Sir? Mas madali po kasing maghanap kung may surname po Sir.”

          “Hindi ko alam ang surname eh. Paki-check na lang. Pakibilisan din.”

          “Ah, sige po!” Hinarap nung nurse yung monitor at dali-daling nag-type.

          Habang naghihintay ay pinaikot-ikot ko ang cellphone sa kamay ko. Nang matapos na sa paghahanap yung nurse ay iniabot niya sa akin iyong puting papel kung saan naka-print ang mga pasyenteng nandito ngayon na may pangalang Betty at pati na rin ang mga room numbers nila.

          “Salamat,” Dali-dali akong naglakad palayo nang tawagin ulit ako ng nurse.

          “Sir Maisen! Sir!”

          “Yes?” tanong kong nilingon ko siya.

          “Ang hot niyo Sir,” aniyang kinagat pa ang ibabang labi niya. Pero hindi ko na siya pinansin at tinalikuran ko na lang siya.

          May mas importanteng bagay akong kailangang gawin. Yun ay ang hanapin, makita, at makasama muli si Betty.

          Sinimulan kong maghanap. Tatlong tao lang naman iyong nakasulat doon na Betty ang pangalan. Kahit magkakalayo ang mga rooms nila ay isa-isa ko silang pinagtyagaang puntahan. Paano kung isa nga sa kanila ang Betty na hinahanap ko?

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now