[EPILOGUE] To love...

68.1K 1.1K 352
                                    

EPILOGUE

--To love someone the way I love you--

           “Coffee through the day, coffee through the night. How could I live without you on my sight? You keep me warm, oh… You make me feel… Se-e-afe… I wake up in the morning, see you and I smile. If I sleep at the evening, wanna be by your side. Like a coffee, I want you day and night. Like a coffee, you make my heart sigh. Like a coffee, you’re the only who makes me smile.”

 

           “Oh… You complete me. Like a coffee.”

           Napangiti siya sa sabay-sabay na pagsabay ng klase sa huling linya ng kanta. Nagtawanan rin ang mga ito at saglit na napatigil sa ginagawang seatwork.

           “Kaya gustong-gusto ko si Sir eh! May music palagi kapag may seatworks! ‘Di katulad nung ibang prof. Kausap lang yung whiteboard!”

           Nagtawanan ulit ang klase niya dahil sa sinabi ng isa sa mga ito na tila may pinatatamaan.

           “Sir, alam niyo po ‘yang kantang ‘yan?”

           Nakangiting tumango siya sa tanong ng isa niyang babaeng estudyante.

           “Talag Sir? Fan pala kayo ng JPop eh!”

           “Oo nga po. ‘Di ba yung sikat na Japanese singer po ang kumanta niyan?”

           “Oo!” pagsang-ayon pa ng isa sa mga ito at napatuon na ang atensyon ng lahat sa usapan ng tatlong babae kesa sa seatwork. Kapag kasi ang isang ito ang nagsalita, interesadong makinig ang lahat. Numero una chismosa kasi ito ng klase. “Alam niyo ba, Pilipino ang nag-compose niyang kantang ‘yan! Alam niyo ba yun Sir? Hindi niyo yun alam Sir! Ako lang may alam nun!”

           Tahimik na natawa naman siya sa sinabi nito. Nangalumbaba siya at itinuon ang atensyon sa usapang iyon kesa sa paggawa ng summary ng lesson niya.

           “Bakit mo naman alam eh—”

           “Mamaya ka magsalita! Patapusin mo muna ako!” sabi nito sa sumabad na kaklase at saka tumikhim at umayos ng upo. “Yung nag-compose niyan, dito graduate! Member ng isang sikat na banda na mabilis ding nawalan ng ningning. At ang sabi pa, iyang composition na ‘yan daw eh pa-project lang ng isang prof sa music dito rin sa NEU! Pero patay na yung prof—”

           “And may he rest in peace,” pagsingit niya.

           “Yes Sir! That’s right! May he rest in peace.  At ayun nga. Inspired daw ‘yang kantang ‘yan sa girlfriend ng tawagin na lang natin na si Guy A. In love si Guy A kay Girl A pero hindi yata nag-work ang relationship sa hindi ko alam na dahilan. Basta, ang sure ako, eh ‘yang kantang ‘yan ay ‘singko’ ang nakuhang grade sa Music.”

           “Maganda naman ah! Bakit ‘singko’ lang?” pagtutol ng isang lalaking kaklase ng mga ito.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now