[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...

64K 725 65
                                    

Chapter Twenty Five

--I will live for you--

          “Maisen, ano bang pwede naming gawin?”

          Inihiga ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa at pumikit habang pinapakinggan ang ‘words of wisdom’ ng mga kaibigan ko.

          “Craig, kanta ka na lang. Tutal naman masalimuot ang boses mo. Baka sakaling matawa si Maisen,” pangangantyaw ni Whammy kay Craig.

          “Napakasakit mong magsalita Whammy. ‘Pag ako naging vocalist ng Kyela Marjorene, ipamumukha ko sa’yong mukha kang hito sa pamamagitan ng kantang—”

          “Sssh!” pagputol ni Zerg sa mahabang litanya na naman sana ni Craig. “Maisen, kamusta na nga pala yung girlfriend mo?”

          Agad naman akong napamulat at napabangon sa tanong na iyon ni Zerg. Then, I remembered what Avril had told me on the phone just a while ago. I smiled.

          “Maisen, call this miracle. Call this miracle… but Midori…”

 

          “Woah, Avril. You seem to be happy,” na-e-excite kong sabi dahil ang saya-saya ng boses niya sa kabilang linya. Itinigil ko maging ang ginagawa ko para lang pakinggan nang mabuti ang sasabihin niya.

 

          “The doctor said there were improvements! My God, I’m just so happy!”

 

          “Ha? Tama ba ko ng pagkakarinig?”

 

          “Yes! There were really improvements on Midori. It’s not that huge but if she continues to improve just like that, then everything will really turn out right.”

 

          “Wow! I… I’m speechless… I’d like to go there now.”

 

          “But she’s not available for visiting now. She’s still under observation with those improvements. But you can visit her later. But… today is your wedding isn’t it?”

 

          I almost forgot that. “Yes. But I promise I’ll be there. Make her know that I’m coming. Wait for me.”

 

          Binuksan ni Violet ang nakasaradong pinto para tingnan kung sino ang kumakatok doon.

          “Kailangan mo na daw pumuntang simbahan, Maisen,” sabi niya sa ‘kin matapos kausapin ang taong kumatok. Isinarado niya ulit ang pintuan.

          Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inayos muli ang suot ko nang hawakan ako ni Terrence sa braso.

          “Do you still have to do this?”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now