[CHAPTER TWENTY] I just want...

65.4K 629 29
                                    

Chapter Twenty

--I just want you to be happy.--

           “Nakalabas ka na pala ng ospital. Hindi man lang kita napuntahan. Sorry.”

          Ngumiti si Midori nang marinig niya ang boses ko. Sinabi sa ‘kin ni Avril na gusto raw akong makita ni Midori kaya’t dinala niya ito sa isang park kung saan naghihintay siya ngayon sa ‘kin. “Maisen, kanina ka pa ba dito?”

          Umupo ako sa tabi niya. “Kadarating ko lang. I’m so sorry. I promised Avril na babalik ako kahapon pero hindi ko naman nagawa. May nangyari kasing emergency—”

          “Hindi ba emergency yung nangyari sa ‘kin?”

          Saglit akong hindi nakaimik sa sinabi niya. Nakangiti naman niyang sinabi yun pero para akong sinabugan ng bomba.

          Pero bigla siyang tumawa. “Biro lang. Alam ko naman yung ‘emergency’ na tinutukoy mo eh. Sabi ni Daddy, kinuha mo raw yung mga gamit nating naiwan dun sa seashore kaya ka biglang nawala. Ikaw talaga. Emergency na ba yun? Sobrang halaga ko ba sa’yo at ganun mo tawagin yun?”

          Nagtatakang natigilan ako sa sinabi niya. Kung alam mo lang kung ano yung ‘emergency’ na pinagpalit ko sa’yo. “Ah… Oo. Gusto mo kumain tayo? Tara, may alam—”

          “Hindi,” pagpigil niya sa sinabi ko. “May gusto lang akong sabihin sa’yo. Mahalagang bagay.”

          “Ano yun? Parang ang seryoso yata niyan?”

          “Ah… Maisen… magpapa-chemo therapy na ko. Hindi na kasi maganda ang lagay ko. Ano… kasi… Malala na ang sakit ko.”

          Nag-aalala ang tono niya kaya naman pinilit kong maging masaya para kahit papaano ay mapawi iyon. “Yun ba ang pinag-aalala mo? Walang malalang sakit. Kakayanin mo ‘yang chemo, Midori. Sasamahan kita. At hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. ‘Wag kang matatakot kasi nandito lang naman kami. Gagaling ka ‘di ba? Ikakasal pa tayo sa future at magkakaanak. Kiss lang katapat niyan. Kaya nga ba’t sagutin mo na--”

          “Maisen, hindi.”

          Unti-unti akong napalingon sa kanya nang punong-puno ng pagtataka. “Ha?”

          “Naisip ko kasi…” ngumiti siya at pinilit na maging masaya kahit naman halatang napipilitan lang siya. “Syempre. Hindi naman ordinaryo ang kalagayan ko. Mamaya niyan bigla na lang akong mangisay diyan. Hehe. Ano kasi… Malala na talaga yung sakit ko. Hindi na normal ang buhay ko. Tapos ikaw, napakarami mo pang pwedeng magawa. Lalo na at sikat ka. Kaya gawin mong normal yung buhay mo. Mas magiging matagumpay ka kung… kung wala ako—”

          Napahawak ako sa dibdib ko nang may maramdaman akong kakaiba doon. “What do you mean?”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now