[CHAPTER THIRTEEN] Finally...

73.2K 888 61
                                    

Chapter Thirteen

--Finally… we meet again--

          “After a week, ngayon ka lang nagpakita sa ‘kin. Sa tingin mo natutuwa ako?”

          “Sorry po talaga Sir,” nakatungong paghingi ng tawad sa ‘kin nung imbestigador. “Siniguro ko lang po na kapag humarap ako sa inyo, maayos na detalye na po ang maihaharap ko.”

          “Explain.”

          “Una ko pong nakita siya ay noong tumawag ako sa inyo. Noong inihatid po siya sa ospital nung isang babae at isang lalaki na para pong mga magulang niya. May dala po silang isang maleta noon kaya naisip kong pasyente niyo po sila.”

          “That’s right. I checked the whole hospital but she’s not there.” Matapos rin ang paghahanap ko noon ay paulit-ulit na bumalik pa rin ako sa ospital namin sa mga sumunod na araw. Pero wala pa ring Betty na na-a-admit doon.

          “Yun na nga po Sir eh. Pagkaalis po kasi nung dalawang kasama niya ay lumabas po ulit siya ng ospital. Sinundan ko po siya. Katulad po niya naglakad din ako para hindi po siya makatakas sa paningin ko. Eh hindi ko naman po namalayan na naiwan ko po ang cellphone ko sa sasakyan, Sir. Pasensya na po. Pero kung babalikan ko naman po yun, baka mawala bigla iyong pinapahanap niyo. Tapos napag-alaman ko po na sa mall pala siya nagpunta. Tapos Sir… Ano po…”

          I knotted my forehead as I leaned my back on the couch. “Ano yun?”

          “Ano po kasi… May… ‘Wag po kayong magagalit, Sir.”

          “Ano nga yun?”

          “May bigla pong lalaking dumating tapos… Tapos… Inakbayan po siya.”

          Muntikan na akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain o iniinom. “Anong sabi mo?”

          “Inakbayan po siya. Mas matangkad po yung lalaki eh. Mga kasintangkad niyo po. Tapos ang saya pa nga po nila. Nagkukulitan po sila habang naglalakad sa mall.”

          Nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay nang pagsingkit ng mga mata ko. Oo, inaamin ko, nagseselos ako! “Aba’t… Baka naman nagkakamali ka ng tingin?!”

          Bahagya siyang napaatras nang itutok ko sa kanya yung flower vase na nadampot ko sa coffee table sa pagitan namin. “H-hindi po Sir! Sigurado po akong siya yun!”

          Ikinawag-kawag ko pa yung flower vase hanggang sa lumapat na iyong bulaklak sa mukha niya. “TAPOS WALA KA MAN LANG GINAWA?!”

          “S-sir! T-teka lang po! Sir! Pinaghiwalay ko naman po sila eh!”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon