A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

27K 541 43
                                    

The 100th Memory

By: Felipe Nas

PROLOGUE:

 What happened to the 100th guy?

One-hundred… ninety-nine… ninety-eight…”

Iba’t ibang tao, iba’t ibang kapalaran. Walang nakakaalam kung alin ang para kanino, at kung sino ang para sa alin.

“Eighty-seven… eighty-six… eighty-five…”

Maraming taong dadaan sa buhay natin. Yung iba, pwedeng naligaw lang. Yung iba, baka sinadyang dumaan para lang saglit kang masilayan, merong saglit lang hihinto at aalis rin kaagad, at meron rin namang… bigla na lang mawawala.

“Sixty-four… sixty-three… sixty-two… sixty-one… sixty… Hay… Ang tagal naman.”

Sa dami ng tao sa mundo, bakit siya pa ang dapat na dumaan sa buhay mo? At sa dami ng pwede niyang daanan, bakit ikaw pa? Pwede namang yung katabi mo, yung nakatinginan mo, o kahit sino. Pero bakit ikaw pa?

“Forty-four… Haaaay. Thirty-nine, thirty-eight, thirty-seven…”

Sadya nga bang ‘pagkakataon’ lang? ‘Tadhana’? O ‘aksidente’ ang lahat?

“Twenty-three… twenty-two… twenty-one…”

Ang pinakamasaklap sa mga pangyayaring ‘to… ay ang maiwan kang mag-isa.  Ang katotohanang kahit anong gawin mo, yung mga taong dumaan na sa buhay mo at permanente ka nang iniwan… hindi na babalik.

“Fifteen… Fourteen…”

Sa tagal ko nang nabubuhay sa mundo, ngayon ko lang napagtantong hindi ko kayang mabuhay nang wala ‘to. Kaya heto ako, nagbibilang.

“Ten… nine… eight… seven…”

Hindi man maibabalik ng pangarap ko ang buhay niya. Pero susubukan ko. Wala namang mawawala eh. Ay hindi… nawala na pala.

“Five… Four… Three… Two…”

“Maisen!”

Nilingon ko siya. Nakangiti. Hindi ko man lang nabanggit ang huling bilang. Hindi ko man lang nabanggit ang huling salita… mga huling salita. Yung mga salitang matagal kong itinago sa dibdib ko. Mga salitang matagal kong kinpkip sa utak ko. Mga salitang hinawakan ko nang pagkahigpit-higpit sa mga kamay ko.

“Kanina ka pa bang naghihintay?”

Nakangiting tumayo ako nang lumapit siya sa ‘kin. Pa’no kung nagkakilala kami sa ibang pagkakataon? Pa’no kung minahal ko siya sa ibang panahon? Pa’no kung hindi nangyari ang lahat nang yun?

Pa’no kung nandito pa rin siya? May magbabago ba? Anong posibilidad na kami hanggang sa huli? Pagbigyan kaya kami ng ‘tadhana’?

“Sorry ha. Ang traffic talaga eh. Grabe! Alam mo bang may nagkabanggaan pa—”

Hinila ko siya at saka niyakap. Kasabay ang unti-unting pagbuka ng bibig ko. Isang salitang ang hirap bigkasin… pero sa lahat ng salitang alam ko, yun na yata ang totoong nakapagpabago sa buhay ko.

Midori.”

******

Click the external link to read the story.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now