02: Gift

949 18 6
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

PUTOL NA KAMAY NA NABABALUTAN NG DUGO NA NAPAPALIBUTAN NG TALULUT NG ROSAS.

"How are you feeling, Angelica Claire?"Nag aalalang tanong ni Jen saakin at binigyan ako ng isang tasang tsaa.Kasalukuyan kaming nandito sa clinic ng mga kaibigan ko.

Matapos akong mawalan ng malay, binuhat ako ng mga studiyante na nasa lockers room papunta dito sa clinic at agad tumawag ng guards dahil sa nakakadiring laman ng locker ko.

Dahil talagang kagimbal gimbal ito ay tumawag na ng mga pulis ang dean ng school ng makarating ito sa kanya.Nakumpirma din na kamay ito ng tao, at kasalukuyan ding tinutukoy kung sino ang may gawa noon.

Since alam nila ang publicity ko sa school at wala din akong kaaway, Inisip nila na school terrorism threats ito.

Na baka nagbabanta lang sa eskwelahan at naisip na pahdiskitahan ang lockers room at randomly na napili ang locker ko na lagyan ng ganoon.

Tumawag narin ang school sa parents ko but since out of town ang mga ito, Isa sa mga kapatid ko ang tinawagan nila na hindi ko alam kung nasaan na o parating pa ba.

"Angelica Claire, wag mo na isipin yun.Sinabi naman ng mga pulis na huhulihin nila ang may gawa nun" Ani ni Lhea saakin at hinawi ang hibla buhok ko na nakayungyung sa aking mukha.

"Aish, sa lahat talaga ng mapapagtripan nila locker mo pa Angelica Claire.Haist, di manlang inisip na buong Saint Clevier students ang makakalaban nila.Grabe, wala na talagang takot"  Bigla namang pag-imik ni Paolo sa kabilang gilid kaya napatingin kami sakanya.

"Manahimik ka na nga, lalo mo lang tinatakot si Angelica Claire eh" Saway dito ni Marco na nasa tabi ng tahimik na si Vhien.

"Kasi naman, kahit sino kikilabutan dun no.Ikaw kaya lagyan ng putol na kamay sa locker mo tapos may tumutulo pang dugo siguradong kung may sakit ka sa puso, patay ka sa takot" Sagot pa ni Paolo kay Marco kaya naman naiinis nito itong binatukan.

"A-aray! Gago ka, Marco!" Pag daing ni Paolo.

Napa buntong hininga naman ako at wala sa sariling napatingin kay Vhien na nahuli kong nakatitig saakin ng mariin.

"Kung pahihintulutan mo ako, ihahatid kita sa inyo at kung hindi naman sana hayaan mo na nakasunod ang kotse ko sa sundo mo.Gusto ko lang na safe kang maka uwi" Seryosong saad ni Vhien at lumapit saakin.

"A-ayos lang ako.Nahimatay siguro ako sa gulat at takot pero maayos na ako.Hindi na kailangan Vhien" Sagot ko rito at ngumiti ng tipid.Ayoko ng maka abala pa at alam ko ding pagod siya sa training nila.Sapat na yung naabala ko siya sa training dahil sa nangyari saakin kanina sa lockers room.

"No, kung iniisip mo na abala ka.Kahit kailan hindi, Angelica Claire.I want you to be safe, so please let me drive you home" He said and again hold both of my hands.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti.He's so kind and sweet.

"Angelica Claire!" Animo napaso ang aking mga kamay  na napahiwalay sa pagkakahawak ni Vhien ng marinig ko ang pagtawag saakin ni Kuya Anton.

Anton Chester Cortez, my older brother.

Agad naman akong napatayo ng makalapit ito sa pwesto at yakapin ako.Ginantihan ko ito.Nag aalala naman nitong nilagay ang palad sa pisnge ko.

"You okay?Prof De Silva told me what happened.Sinabi nilang pwedeng hindi ka pumasok tomorrow so sa bahay ka muna namin ng Ate Dein mo mag s-stay" Mahaba nitong ani saakin at muli akong niyakap.

ObsessiveWhere stories live. Discover now