26: Truth

438 9 0
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

"Angelica Claire is two weeks pregnant!" Masayang balita ni Crisilda sa lahat na ikinasinghap ko sa gulat.

B-buntis ako?

Oh my God!

"W-what?" Hindi ko namalayang umalpas saaking bibig.Gulat na gulat at nanlalaki ang mga matang nakatingin ako kay Crisilda.Wala akong pakialam kung magtaka sila sa reaksiyon ko.

Wala akong pinansin ni isang bumati saakin.Hindi ko sila tinapunan ng tingin, nasa kawalan lamang ang aking titig.

Hindi maproseso ang kanyang inanusyo.Marahan akong napabaling kay Vlademir ng maramdaman ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa na nasa bandang tiyan ko.

Magaan ang kamay niyang hinimas iyon may ngiti ito sa labi.

Bakit parang kabaligtaran saakin?

Tanong ko sa aking isip.

Wala akong maramdaman kundi gulat at pagkabigla.Hindi ko inaasahan na ganito kabilis.Gustuhin ko mang tumayo at umalis ngunit kusang umaayaw ang mga paa ko.

Hindi ko kayang tumayo o umalis.Nanatili lamang akong nakaupo at iniisip at pilit na pinoproseso ang nangyari.

Buntis ako,

At ang ama ng anak ko ay si Vlademir.

~

Maaga ng magising ako sa pagkakatulog, Tirik na ang araw.Agad akong tumakbo sa banyo ng maramdaman kong nasusuka ako.

Mahigpit ang hawak ko sa gilid ng lababo.Nanghihina ang mga tuhod ko.Medyo naliliyo din ako.At nang matapos akong magsuka ay agad akong naglinis ng katawan at dumiretso sa walk in closet para magbihis.

At nang matapos ako magbihis at mag ayos, hindi muna ako lumabas.

Nag ikot-ikot muna ako.

Tiningnan ko at isinukat ang ibang damit na nasa closet.Maging ang ibang alahas.Wala din naman akong ibang gagawin.

Wala si Charlotte, wala akong mapagkakaabalahan.

Nang manawa ako sa pagtitingin at pagsusukat sa mga damit na para saakin at alahas ay tumungo ako sa kabilang side kung nasaan ang mga damit ni Vlademir.

Maging ang mga lagayan ng accecories nito ay tiningnan ko rin.Mula sa relo hanggang sa ties.Hindi ko tinigilan ang pagtitingin sa mga gamit niya.

Hangang sa makarating ako sa dulong bahagi ng walk in closet kung saan may napansin akong lumang cabinet.

Dahil sa pagtataka at kagustuhang malaman kung ano ang mayroon doon ay pinuntahan ko iyon at pinilit buksan.

Ngunit naka lock ito.Kaya kahit anong pilit ko na pagbubukas rito ay hindi ko magawa.Nagtingin tingin ako sa paligid hangang sa maalala ko na may mga susi pala sa bawat cabinet sa may bedside table.In case na aalis kami at iiwanan ang kwarto.

Mabilis akong nagtungo palabas ng walk in closet hanggang sa saktong pag bukas ko ng pinto ng walk in closet ay siya ring pagbukas ng pinto ng kwarto at iniluwa noon si Vlademir na may hawak-hawak na tray ng pagkain.

Maaliwalas ang mukha na ibinaba nito sa kama ang tray ng pagkain bago lumapit saaking pwesto.

"Let's eat breakfast, babe.I'm sure gutom narin si baby" Ani nito at hinila ako paupo sa kama.

"Saan ka galing kanina?" Tanong ko rito ng makabawi sa gulat sa bigla niyang pagsulpot.

"I'm sorry babe kung hindi mo ako nakita kanina nung gumising ka.I prepared you and our baby a breakfast.Gusto kong sabay-sabay tayong tatlo sa pagkain ng umagahan" Nakangiting sagot nito saakin at mabilis akong binigyan ng halik sa labi.

ObsessiveWhere stories live. Discover now