15: Temptation

467 8 1
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

Limang araw na lang ikakasal na ako kay Vlademir.Ilang-araw naring pinaghahandaan ang kasal ng lahat.Muli abala sina Auntie Kaleeya at Grandma Valery pati narin kami ni Vlademir sa mga pagkain sa kasal.

Dahil may family chef ang mga Rouosuine, ito ang maghahanda ng mga pagkain na lulutuin sa kasal.Hindi na kailangan pang caterer ang mamahala sa pagkain kundi ang chef na at mga tao sa kusina ng mansion na ang bahala.

Kasalukuyan kaming nandito sa dining, may mga nakahain narin na pagkain.Food tasting, sa madaling salita.

"Italian main course dish, am I right?" Tanong ni Auntie Kaleeya sa chef matapos nitong matikman ang isang putahe.

"Yes po Madame" Magalang na sagot ng chef.Napalingon naman ako sa pinggan ko ng lagyan ni Vlademir ito ng isang putahe.

"Russian Roast Meat, taste it babe" Ani nito na agad kong sinunod.

Masasabi kong masarap nga, tama ang lambot ng karne at malinamnam ito.Nanunuot ang lasa nito habang nginunguya.

"Masarap" Tipid kong sagot sakanya at tinikman ang isang dish na hinain ng waiter.

"Masisira ang diet ko, gosh!" Kunwaring naiiyak na ani ni Auntie Kaleeya na tinawanan namin pareho ni Grandma Valery.

"Auntie, okay lang po yan sexy parin naman po kayo" Pangbobola ko kay Auntie Kaleeya.

"Sexy? Binobola mo lang yata ako.By the way, tama ka sexy naman talaga ako" Sagot nito na ikinatawa namin ni Grandma Valery.

Habang si Vlademir naman ay walang imik na nakatitig lang saakin.Ayoko siyang titigan, naiilang ako sa mga mata niya.Sa totoo lang, maganda ang mga mata niya ngunit didilim iyon ay nawawalan ako ng amor na tingnan ito.Dahil nakakakilabot ito at nakakatakot.

"Boss, pinapatawag po kayo ni Señior Renaldi" Napabaling ang tingin namin sa isang tauhan na lumapit kay Vlademir at sinasabing pinapatawag ito ni Grandpa Renaldi.

Hindi sumagot si Vlademir sa kanya sapagkat, tinitigan nito ako ng diretso.

"Hindi ako t-tatakas" Mahina kong ani ngunit mariin lang nito akong tiningnan at walang pasabing hinila paalis dito sa dining area.

~

"Dito ka lang.Magtino ka, Angelica Claire" Bilin nito saakin at mabilis na umalis ngunit bago siya umalis ay sinigurado niya munang naka lock ang pinto ng kwarto.

Wala naman akong nagawa kundi maupo sa kama ngunit agad ding napatayo ng maalala ko ang bintana sa walk in closet.

Ngunit bago ako pumasok rito mabilis kong binuhat ang isang upuan na palaging inuupuan ni Vlademir kapag pinagmamasdan niya ako at ikinalang ito sa pinto.Nang masigurado kong hindi basta basta mabubuksan ang pinto ay mabilis akong pumasok sa walk in closet at nilock din ang pinto bago tumungo sa may bintana.

Nang mahawi ko ang kurtina ay agad akong tumagilid ng saktong may tauhan na nasa labas, nakatigil at may kausap na isang katulong.

Muntik na ako mahuli, anang ng isip ko.

Halos isang minuto rin ang tinagal ng pag-uusap ng katulong at bantay bago ito naglakad paalis ngunit kahit umalis na sila ay hindi ko parin binuksan ang bintana dahil baka biglang may sumulpot na bantay.

Ilang minuto ang lumipas na walang dumadaan kaya naman, dahan-dahan kong binuksan ang bintana at nagpalinga-linga pa sa paligid bago unti-unting hinulog ang mga damit na aking pinag buhol buhol para maging tali pababa.

ObsessiveWhere stories live. Discover now