12: Escape Plan Gone Wrong

546 10 4
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

Good morning love birds!" Bati ni Auntie Kaleeya ni saamin ni Vhien ng makarating kami sa dining area.

Hindi kagaya kagabi ng kumpleto ang lahat ng miyembro ng pamilya niya.Ngayon ay tanging ama at ina ni Vhien, si Auntie Kaleeya at ang mga matandang namumuno sa pamilya nila; si Grandma Valery at Grandpa Renaldi ang nandito sa hapag.

Ngumiti naman ako ng pilit sa mga ito at hindi na hinintay pa na ipaghila ni Vhien ng bangko, at agad nalang akong umupo sa isang bakanteng upuan na agad tinabihan ni Vhien.

"Alam kong naging maganda ang tulog niyo kagabi.Sino ba naman ang hindi diba?" Natatawa pa nitong sabi saamin ni Vhien na hindi namin inimikan.

Tahimik lamang akong nakamasid sa mga pag kain ng biglang iabot saakin ni Vhien ang kanin kaya napilitan akong sumandok kahit wala akong gana.

Nang mapatingin ako sa pwesto ni Auntie Kaleeya na nakatingin din saamin at may ngiti sa labi.

Kung alam niya lang kung ano ang pinaggagagawa ng pamangkin niya.

"Kailan niyo balak simulan ang preperasyon sa kasal, Vlad?" Biglang tanong ng Grandpa ni Vhien na ikinatigil namin pareho.

Si Vhien na natigil dahil sa balak na preperasyon at ako naman ay sa pangalang binanggit ng Grandpa niya.

Vlad? short ba yun sa pangalan na "Vlademir"

Mukha namang napansin ng lahat ang pagkatigil ko.Seryoso ding tumingin saakin si Tita Allysa kabaligtaran ng asawa niya na ama ni Vhien na nakangiti saakin.

"Vlademir ang totoong pangalan ni Vhien, iha.Incase lang na nagtataka ka.Ikakasal narin naman kayo kaya siguro dapat mo iyon na malaman---" Naputol ang sinasabi ni Grandma Valery ng sumabat si Vhien o sabihin nanating si Vlademir.

"Grandma, sa ibang araw nalang namin pag uusapan iyan.Kumain nalang po muna tayo" Nakangiti man si Vhien ngunit bakas sa kanya na ayaw niyang may malaman ako na tungkol sa kanya.

Hinala ko na malalim ang lahat.Hindi lang ito basta sa pangalan niya.Mas malalim pa ito.Ano bang tinatago niya?

"Finish your food, babe.Marami pa tayong aasikasuhin para sa kasal natin" Nabaling ang atensyon ko kay Vhien slash Vlademir ng bigla itong magsalita.

Gusto kong isuka ang lahat ng kinain ko matapos kong marinig iyon.Nakakadiri.

"Vlad, may pag-uusapan muna tayo nina Papa ngayon sa office.Iwan mo muna si Angelica Claire kay Kaleeya" Biglang ani ng ama ni Vhien/Vlademir sakanya kaya naman naninimbang itong nakatingin saakin.

At kagaya ng paulit-ulit niyang ginagawa binabantaan nito ako sa pamamagitan ng kanyang titig.

"No need to worry, hindi ko pababayaan ang fiancee mo" Nakangiting ani ni Auntie Kaleeya kay Vhien na nakapag papayag sakanya.

Saglit pa nito akong tinitigan ng mariin bago nagpatuloy sa pagsunod sa kanyang ama at lolo.

"I'm sorry, I have to go narin.May kailangan pa akong asikasuhin sa charity sa Bulacan.Maiiwan kona kayo, and again congratulations Angelica Claire sa inyo ng apo ko.Allysa, Kaleeya behave" Nakangiting paalam ni Grandma Valery at hinalikan kami sa pisnge isa-isa.

"Kaya ko yun, Ma.Hindi ko lang alam sa isa diyan" Sarkastikong ani ni Auntie Kaleeya na sa palagay ko ay ang pinasisiringan ay si Tita Allysa.

Hindi naman ito sinagot ni Tita Allysa, sapagkat bilisan na lamang ito pagkatapos humalik pabalik sa pisnge ni Grandma Valery.

ObsessiveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora