07: Happy Moments

489 10 3
                                    

THE DAY AFTER THE GIFT INCIDENT (SCHOOL)

"Kinausap namin yung school facilitator na nag-abot sayo ng rosas at pagkain iha.Base sa mga sinabi nito, inabot daw yun sa kanya ng isang studiyante na naka uniform ng pang varsity" Nagulat naman ako sa sinabi ng isang fbi agent na kausap ko ngayon.

Nang mangyari ang insidente kahapon agad akong pinauwi ng school sa bahay namin.Ayoko man sana ngunit para rin iyon sa aking kaligtasan.

At isa din sa mga dahilan kung bakit ako pinauwi ng maaga ay dahil narin sa sikretong pag-iimbestiga ng mga pulis sa nga studiyante sa Saint Clevier.

Lahat ng mga manliligaw, kaibigan, kaklase, kakilala at maging ang mga freshmen's students under surveillance ng mga pulis.Mapa babae man o lalaki.

"Ano pong ibig niyong sabihin" Naguguluhang tanong ni Kuya Anton sa pulis.

"Varsity player, iho na maaring kaklase o kakilala ng kapatid mo.Hindi gaanong matandaan yung pangalan pero pamilyar na pamilyar siya.Dahil lagi din niya itong nakikita o nakakasalubong ang nakakatakot dito iha, lagi ding nakikita nung school facilitator na kasama mo" Para namang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi nito saamin.

Laging kasama?

"H-hindi k-ko po kayo m-maintindihan" Hindi makapaniwalang sabi ko sa pulis at tiningnan ito ng mariin.

"Iha, nagpakita din kami ng ilang litrato sa kanya ng mga studiyante na nakakasalamuha mo at nakakausap.Kahit sa cctv talagang makikitang nakakasama mo siya at nakaka-usap.Mukha ding malapit sayo---" I cut him off.

"S-sino po?" Lakas loob kong tanong sa kanya at tiningnan ito ng diretso sa mga mata.

"Si Marco Arseño, Miss Cortez" Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa pangalang sinabi niya ngunit literal akong nanghina matapos itong prumoseso sa utak ko.

Why?

How come na si Marco nga?

"Kinausap din namin yung ibang studiyante sa campus, iha.Maging kami nuong una hindi namin maintindihan kung siya nga ba talaga o may iba pa at baka nagkakamali kami kaya naman tiningnan namin lahat ng anggulo.Kinausap namin lahat ng kakilala o malapit sa kanya.Inalam namin yung mga ginawa nila nung mga nakaraang linggo pati yung mga patunay nila, inisa isa namin.Pati yung dalawang kaibigan mo iha, lahat sila magkakatugma talagang pagdating kay Mr. Arseño, talagang may mali.Hindi tumutugma yung statements niya at alibi sa mga napansin naming witnesses at ebidensiya" Mahabang salaysay ng pulis na nagiimbestiga na lalong nakapag pagulo saakin.Nagputoy ito sa pagsasalita na nakapagparamdam saakin ng matinding sakit ng ulo.

"Bawat ebidensiya at mga salaysay may kung anong itinuturo saamin.Sa school niyo palang, iha may pagkakataon na siya bukod sa may access siya sa buong campus hindi din siya paghihinalaan dahil narin sa image niya.Mabilis niyang ginagawa yung mga bagay, masasabi din matalino ang batang iyon, maging yung mga parte ng bangkay inimbigtigahan din namin.Lumalabas na posibleng kinukuha niya iyon sa mga tauhan niya.Dahil saktong ding naging kataka-taka ang biglang paglaho ng mga tauhan niya sa bahay nila.Mga nawawalang tauhan niya na lang yung hinahanap namin para kung tama nga siguro ang hinala namin.Doble dobleng malalaking kaso ang isasampa sa kanya sa oras na mapatunayan iyon" Patuloy pa nitong paliwanag saamin na lalong nakapag padagdag ng pagkabigla ko.

"Kung pahihintulutan niyo sana kami.Gusto ho namin na gawan ng patibong si Mr. Arseño.Ngunit kailangan namin si Miss Cortez para duon" Ani nito saamin at bahagya pang lumingon sa aking pwesto.

They want me to be a bait.

"No! Hulihin niyo na siya.Wala kaming paki alam kung anong klaseng ebidensiya ang gusto niyo basta hulihin niyo siya" Naawa naman akong napalingon kay Kuya Anton ng magsalita ito mula sa aking tabi.

ObsessiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon