21: Husband and Wife

515 11 1
                                    

Warning: This chapter contains inappropriate words and language.Slight matured scene.

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

Nagising ako na animo hindi ko maramdaman ang sarili kong katawan.Nakahiga lang ako sa kama sa isang hindi pamilyar na kwarto saakin.Nakatitig lang ako sa kawalan.

Kasalukuyan kong katabi sa kama si Vlademir, wala itong pang itaas na damit, naka boxer lang ito habang ako ay naka bestida.

Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip na sapilitan akong ginalaw ni Vlademir.Gustuhin ko mang sumbatan siya ngayon, ngunit maging katawan ko ay hindi sumasangayon.

Umaga na, ngunit wala akong balak bumangon.Nakatitig lang ako sa kawalan at hindi nagsasalita.

Hanggang sa maramdaman kong gumalaw sa tabi ko si Vlademir ay hindi parin lumihis ang tingin ko kahit saglit.

Ramdam ko ang mata niyang nakatitig saakin.Ngunit wala akong balak na sawayin ito.Wala na rin akong pakialam kung patayin niya ako o bugbugin.Ang tanging gusto ko na lang ay ang mawala at hindi na maramdaman ang sakit ng ginawa niyang kahalayan saakin.

"What do you want to eat, babe?" Narinig kong malambing na tanong ni Vlademir saakin bago isinubsub ang mukha niya saaking balikat.

"Let's eat downstairs, I know Auntie Kaleeya cook something for us" Muli pang ani nito ngunit hindi ko parin tinugunan.

"Babe..." Pagtawag nito saakin.Gusto kong masuka.Nandidiri ako sa kanya.Nahihiya ako sa sarili ko at nagsisisi ako na nagtiwala ako minsan sa kanya.

"About our wedding..." Panimula ulit nito at tumigil saglit na animo pinapakiramdaman ako.

"Sa garden natin siya itutuloy...I already talked to Dad and Grandpa hindi sila pumayag na hindi matuloy ang wedding natin since inuna na natin yung honeymoon.I love their idea so pumayag ako na magpakasal tayo sa garden later" Ramdam ko ang saya sa boses niya ngunit kahit na ganoon ay hindi ko maramdaman ang saya saakin.

Nanatiling walang ekspresyon ang mga mata ko.Hindi ako nagsasalita at wala din akong balak.Maging ang di pag-sangayon ay hindi ko magawa.Dahil para saakin, wala ding mangyayari dahil siya at siya din naman ang masusunod.Nag effort lang sa wala.

"So babe...let's go downstairs" Wala na akong nagawa ng hilahin na ako ni Vlademir patayo.Sapilitan nito akong hinawakan sa beywang at iginaya palabas ng kwarto.

~

"Oh my god! Good morning, lovebirds!" Nakangiting bati ni Grandma Valery saamin ni Vlademir ng makarating kami sa kusina.

Nakangiti ito na animo walang nangyaring gulo kahapon.Maging ang Ibang miyembro ng pamilya ay nakangiti din saamin.Maliban kay Tita Allysa na naka-awang ang labi na nakatingin saamin na mukhang hindi makapaniwala sa nakikita.

Umiwas ako ng tingin na humigpit ang hawak ni Vlademir sa beywang ko.Ipinaghila ako ng upuan at duon ako umupo, tumabi naman ito saakin.

"So, how's your first night together?" Halatang excited na tanong ni Grandma Valery saamin na hindi ko muli pinansin.

"Nako, Grandma terrible! Grabe si Vlad e!" Si Ruan ang sumagot na tinawanan ng ibang miyembro ng pamilya.

"Of course, syempre mas masarap kapag kakatapos lang ng tampuhan.Medyo, miss niyo pa ang isa't-isa" Nakangiting sabat ni Auntie Kaleeya sa gilid na ikinatawa pang muli ng miyembro ng pamilya.

Muli lumingon ako kay Tita Allysa na saktong nakatingin din saakin.Bakas sa mga mata nito ang pagtatanong ngunit wala itong magawa kundi tumingin na lang saakin.Katabi niya si Tita Dhammier na abala sa pakikipagtawanan.

ObsessiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon