24: Revelations (Warning)

531 10 0
                                    

Warning: This chapter contains iappropriate actions such as violence and sex.Mental health breakdown.Please be advised!

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

Madilim ang kwarto, tahimik, walang kahit na sinong tao ang naririto.Patuloy lamang ako sa pag-iyak sa takot.

Hindi maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.Sobrang pangingilabot ang bumabalot saakin.Hindi ko kayang lumabas man lang ng kwarto para kumain.

Maging ang aso na ibinigay saakin ni Vlademir ay hindi ko na malaman kung nasaan.

Gustuhin ko mang hanapin ito ngunit wala akong lakas para lumabas ng kwarto.

Natatakot ako, hindi lang kay Vlademir.Maging sa iba niya pang kapamilya.Natatakot ako sa aking mga iniisip.Sa mga teyoryang negatibo na pumapasok sa utak ko.

Paulit-ulit na mga boses.Mga halakhak at pagmamaka-awa.

At nakaririnding mga daing at mga hiyaw na hindi ko mawari kung saan nanggaling.Unti-unti akong binabaliw.

Na kahit anong gawin kong pagtatabon sa tenga ko ay malakas lamang itong umuulit ulit sa pandinig ko.

Hindi ko din namalayan na nasa banyo na ako at nakaharap sa salamin.

Tumatawa na yari'y nababaliw.

Magulo ang buhok at gusot gusot ang damit na suot.

Puno ng luha ang mga mata habang tumatawa.

Inaalala ang mga bagay na dati kong ginagawa.Mga bagay na nakakapagpasaya saakin.

Mga bagay na animo ay hindi ko kaya kapag nawala saakin.

Paulit-ulit akong tumawa sa harap ng salamin.

Hindi ko na makilala ang sarili ko.Unti-unti na akong nilamon ng takot hanggang sa hindi ko na makontrol ang sarili ko.

At lalo akong nakaramdam ng pangingilabot ng makita ko sa harap ng salamin si Vlademir na tinatanawanan ako.

Humahalakhak ito na wari'y isang demonyo.May hawak itong patalim na nakatutuk saakin.

Sinubukan kong umatras ng umatras ngunit patuloy lamang itong lumalapit.

Ilang pagkalabog narin ang naririnig ko sa labas ng pinto ng banyo.Mga boses na animo nagmamakaawa ngunit wala akong lakas para buksan iyon.

Nakatutuk lamang ang atensyon ko sa lalaking nasa harap ko.

"TAMA NA, TIGILAN MO NA AKO!" Pilit na pinupukpuk ang ulo ko na sigaw sa kanya.

"HINDI KITA TITIGILAN, MAHAL NA MAHAL KITA!" Mga salitang lalong nakakapagbigay ng takot saakin.

"ANGELICA CLAIRE, YOU'RE MINE! I OWN YOU!" Parang sirang plaka na nagpapaulit ulit sa utak ko.

"I ALREADY TASTE YOU, C'MON!" Lalong tumindi ang iyak ko at paghampas sa ulo ko ng marinig ko ang boses niya sa utak ko.

Gulong gulo ako, nagkalat narin ang nga gamit sa sahig ng banyo hanggang sa isang bagay ang naka kuha ng atensyon ko.

Gunting.

Luluha-luha ko itong kinuha at mabilis na ginupit ang aking buhok ngunit hindi pa ako nakuntento duon, bumaling ako sa aking pulsuhan.

Nanlalabo man ang mga mata dahil sa luha ngunit malinaw saakin ang dugong dumadaloy pababa sa malamig na tiles ng banyo.

I cut my fucking wrists.

ObsessiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon