14: Hope

394 11 3
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

"Next week, talagang atat na atat ka na matali ako sayo eh ano?" Sarkastikong ani ko kay Vlademir ng makapasok kami sa kwarto.

Natapos ang dinner na tungkol sa business at kasal namin ang topic.Hindi ko maisip na nakatagal ako sa mesang iyon habang kumakain na ang pinaguusapan ay ang pagpapakasal sa demonyong si Vlademir.

Nakakadiri.

Nakakasuka.

"I love you.You can't do anything about it.Susunod ka lang saakin lalo na kapag kasal na tayo ang apelyedo na Ruousuine  na ang gagamitin mo, tanda na pag aari kita at kasapi kana ng pamilya" Mariing ani nito at inumpisahang tanggalin ang butones ng polo niya.

"Ano kayo kulto? Teka, ikakamatay mo ba kapag di ako nagpakasal sayo?" Lakas loob kong sagot rito.

"Bago ako mamatay, papatayin muna kita.Hanggang sa kabilang buhay, magsasama tayo.Ganoon kita kamahal" Napaiwas ako ng tingin matapos niyang sabihin iyon.

Papatayin...

Tama ang hinala ko, kung nakaya niya akong saktan ay ang patayin pa kaya hindi niya kaya? Demonyo siya, ano pa nga ba ang bago sa bagay na yun.

"M-maliligo lang ako" Tipid kong paalam sa kanya at dali-daling pumasok sa banyo.

Matapos kong mai-lock ang banyo, agad kong hinubad ang aking mga saplot sa katawan.Nananatiling bra at panty lang ang suot ko at binuhay ang malamig na shower.

Napakit ako ng maramdaman ko sa balat ko ang malamig na tubig na nanggagaling sa shower.Duon ko binuhos ang lahat ng frustrations ko.

Kahit narinig ko ang katok ni Vlademir sa pinto ng banyo ay hindi ko ito pinansin.I want to have a peaceful shower at hindi ko magagawa iyon kung aalalahanin ko si Vlademir.

Wala sa sariling napayuko ako, tiningnan ko ang pasa na nasa tiyan ko, ubeng ube ito pagkat hindi man gaano na kasakit ngunit naiiyak parin ako kapag naalala ko ang ginawa niyang pananakit saakin.

All of my life, walang kahit na sinong nanakit saakin.Even my parents, my brother's or either Yaya Lucy kahit kailan ni paluin at sabihan ng masasakit na salita ay hindi nila ginawa.Ang mga kapatid ko na lagi kong karamay sa lahat.They never hurt me, instead they are protecting me.

Si Vlademir lang ang nakagawa ng ganitong pananakit saakin.And I will never forgive him, to what he have done.

~

Lumabas ako ng banyo matapos ang ilang minutong pag-iyak at pagiisip ng mga bagay-bagay.

Mainit ang mata ni Vlademir na nakatingin saakin, Hindi na ako magtataka dahil lumabas ako ng banyo na ang tanging nakatapis lang sa hubad kong katawan ay roba na hangang tuhod.

Hindi ko pinansin ang mga titig nito saakin at dumiretso ako sa isang walk in closet dito sa kwarto na minsan ko lang napasukan.Dahil bukod sa parating si Vlademir ang namimili ng isusuot ko ay wala din akong ganang pumasok dito.

Sinaraduhan ko ang pinto ng walk in closet at nagbukas ng isang drawer kung saan naroon ang mga underwears kong ginagamit.Nang makakuha ako ay agad ko iyong sinuot at dumiretso sa isang drawer kung saan naroon ang mga damit na pwede kong suotin pantulog man o pang araw-araw.

Ngunit nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng mapansin ko ang isang parte ng walk in closet.

Hindi gaanong maliwanag sa loob nito pero kahit papaano may maliwanag na ilaw na nagbibigay ng liwanag sa buong walk in closet pero kakaiba ang liwanag sa isang gilid na animo natatabunan ng kung ano dahil may anino dito.

ObsessiveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα