06: Fight

517 15 2
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

My life was messed up.Hindi ako pinapayagan lumabas ng bahay or kahit pumasok man lang sa school.Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko  at kahit cellphone ay hindi ako pwedeng gumamit.

Mas nadagdagan ngayon ang mga bantay dito sa bahay, my father hired more security.He also installed a lot of cctv sa buong bahay, sa loob man at labas.Para akong preso ngayon.Walang kalayaan.

This is all because of my freaking psycho stalker.He ruined my life.He took everything.He took the only thing who makes me happy.My freedom.

"Iha, maari ba akong pumasok dito sa kwarto mo?" Narinig kong ani ni Yaya Lucy mula sa labas ng kwarto ko at mahinang kumatok.

"Yes, yaya" Tipid kong sagot at kinuha ang remote ng tv upang patayin ito.

"Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon, iha.Pero gusto lang namin na maging ligtas ka.Mahal na mahal ka namin lalo na ng parents mo.Huwag kana malungkot, gusto mo ipagluto kita ng paborito mong meryenda?"Naka ngiting ani nito saakin na tipid ko lang na nginitian.Napabuntong hininga naman ito sa ginawa ko.At dahan-dahang tumabi saakin sa kama.

"Magsabi ka lang kung ano ang gusto mo.Gagawin ni Yaya, huwag ka lang malungkot" Muli pang ani nito saakin.

Hindi ko naman maiwasan lalong malungkot.Kung pwede lang sana kaso hindi pwede.

"Ya, hangang kailan po ito?" Matamlay kong tanong kay Yaya Lucy at sinubsub ang aking mukha sa balikat nito.

"Sa totoo lang iha, hindi ko din alam.Pero gusto ko na maging matatag ka.Naiintindihan mo ba ako?" Payak ang boses na saad nito saakin na tipid ko muling nginitian.

Yaya Lucy is the type of person na mahilig magpagaan ng loob ng isang tao.This is way, I really love her.Sobrang mahalaga siya saakin.Kung pwede lang sana na pang habang buhay.

Maya-maya pa ay may narinig kaming katok mula sa pinto.Agad naman itong pinagbuksan ni Yaya Lucy.

Si Mommy.

"Darling, how are you feeling? C'mon nagluto si Mommy ng adobo.You wanna try it?" Malambing nitong ani saakin at hinawakan ang pisnge ko.Matamlay naman akong sumagot sa kanya.

"Wala po akong gana.But thanks Mom, I really appreciate it" Nakita ko naman ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito at sinenyasan si Yaya Lucy na lumabas na agad naman nitong sinunod.

"Anak, I know sobrang mahirap.I'm sorry kung kinukulong ka namin dito sa bahay.But we want you to know na sobra ka naming mahal kaya namin to ginagawa.I hope you understand" It was the same thing that Yaya Lucy told me.

"Sobra ka naming mahal kaya namin ito ginagawa"

Is my stalker felf the same way?

Masyado niya ba akong mahal para gawin saakin ito?

"Mom, I want my normal life.Ayoko lumabas ng room kasi feeling ko para akong preso.May cctv na nakakabit paligid ng bahay.Wala ding pinagkaiba sa stalker ko na pinapanood ako.Mom, kwarto ko na lang yung wala.Ayoko na!" Hindi ko na napigilan na ani sa Mommy ko.

I know I am being immature pero masisisi ba nila ako?

"Angelica Claire, listen.Alam namin na ayaw mo nito, pero sino ba ang may gusto anak.We want a normal life for you pero we have no choice kundi protektahan ka kasi may masasamang loob na kagaya ng stalker mo, gustong sirain ang buhay mo.I'm sorry kung nasasakal ka.We just love you, anak" Naluluha narin na paliwanag ng aking ina.

I felt bad for her.

She didn't deserve this.

God, Angelica Claire!

ObsessiveWhere stories live. Discover now