08: Party

435 9 4
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

"Kahit kailan talaga isa kang diyosa!" Tili ng baklang make-up artist na nag aayos saakin.Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.

"Huwag ka mahiya, totoo namang maganda ka" Ani pa nito na lalong nakapagpahiya saakin.Wala sa sarili naman kong tumingin sa aking repleksiyon sa salamin.

Hindi heavy ang make up na nilagay saakin.Light lang na bumagay sa aking maliit na mukha.Isang white gloss na may glitters sa labi at pink blush sa pisnge.

It reminds me some of aesthetic fairy make-up looks.

Bagay na bagay ang aking make-up sa aking damit na isang white fitted gown.Plain ito, walang gaanong design bukod sa kumikinang na beeds sa gitna.

Kulang na lang ay ang wand at pakpak at siguradong mukha na akong costplay fairy.

Habang pinagmamasdan ko ang aking repleksiyon sa salamin hindi ko maiwasang mapatitig saaking sarili.

Tama ang make up artist ko, napaganda ko nga.

Noon pa man, madalas ako magtaka dahil lagi nilang sinasabi saakin na kakaiba ang aking itsura.Hindi sa weird o pangit talagang malayo ito sa itsura ng normal na maganda.

Mayroon akong bilugang kulay hazel nut na mga mata.Hindi gaano makapal ang aking kilay at pilik.Matangos din ang aking ilong.Maninipis at maliit na mga labi.At ang maliit kong mukha na talagang nakakapag pamukhang bata saakin.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking mukha.

This is the face that everyone admired and jealous of.

"Kyahhh! You're so pretty, Angelica Claire!" Napatingin ako sa aking likuran ng may marinig akong pamilyar na tili.

Lhea.

"Ang aga mo naman!" Panimula kong bungad sa kanya na nakapagpataas ng kanyang kilay.

"Excuse me, at least hindi ako late" Nagmamayabang pa nitong tugon saakin.

"Wala pa sina Hekeszia?" Tanong ko sakanya.

"Nako, mamaya pa yun.Si Hekeszia, gumagawa pa ng project sa isa niyang subject pero susunod daw at si Jen naman, nako te! alam mo naman yun masyadong nagmamaganda talagang nagpapa-late" Mahabang paliwanag nito na nasa mga cosmetics products ang atensyon.

"Eh si--I mean s-sina Paolo?" Act fool kong tanong dahil muntik na ako madulas sa name ni Vhien.

"Te, sayo na nanggaling maaga pa.Syempre wala pa si Vhien.Isa pa yun always late!" Ma-issue niyang sagot saakin na ikinahiya ko.

"T-tumigil ka nga!" Kunwari naiinis kong saway sa kanya at pabiro itong inirapan.

"Girl, maiba ako.Totoo ba talagang si Marco yung stalker, grabeng revelations to nakaka stress" Natahimik naman ako sa bigla nitong tinanong saakin.

Matapos mahuli ng mga pulis si Marco.Hindi na ako nakarinig ng kung anong balita sa kanya.Dahil sa bukod sa ayaw nina Kuya na malink pa ako sa kanya, Ayoko din na maalala pa siya.

We used to be friends.Masakit parin saakin na nagawa niya iyon.Until now, hindi parin ako makapaniwala na siya iyon.Talagang napakabilis at napaka imposible ng lahat.Nakakagulat and at the same time nakakalungkot.

Of all people, bakit siya pa?

Bakit yung tao pa na kahit papaano naging kaibigan ko?

Katulad ng apoy kapag may sunog, mabilis kumalat ang balita na si Marco ang stalker ko.Maging ang pagdakip sa kanya ng mga pulis.Mainit-init na chismiss parin yun sa buong Saint Clevier at dahil sa sikat si Marco maging sa mga karatig na eskwelahan, kumalat din ang balitang iyon.

ObsessiveWhere stories live. Discover now