27: Vlademir

456 11 0
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

"Vlademir..." Pagtawag ko kay Vlademir.Nasa unahan ko ito at nagtatakang nakatingin saakin.

"Bakit tumatakbo ka?" Seryoso nitong ani saakin at lumapit.

"W--wala...uhaw na uhaw na kasi ako" Kinakabahan kong sagot sa kanya at iniwas ang aking tingin.

Mabilis ang tibok ng aking puso.Kinakabahan na hindi ko alam ang gagawin.Nanlalamig ang buo kong katawan.Nanginginig ang mga tuhod na wala sa kanya ang tingin.

At bahagyang nanuyo ang laway ko ng bigla nito akong kabigin ng mahigpit.Takot na takot akong tumingin sa kanya.

"Vlademir, wala akong balak na kahit ano!" Medyo napapalakas ang boses na paliwanag ko sakanya ngunit hindi parin nito pinakawalan ang pagkakahawak sa braso ko.Pinaka titigan ako ng mariin at hindi nagsalita.

"Wala akong balak!" Ramdam ko ang mainit na likido sa gusto ng kumawala sa aking mga mata.Pilit ko ring inaagaw ang aking braso ngunit pahigpit lamang ito ng pahigpit.

Hindi parin nagsasalita si Vlademir.Nakatutuk lamang ang mga mata nito saakin.May galit at poot itong nakatingin saakin.

Wala akong magawa.Sobra ang takot na nararamdaman ko, hindi lamang para sa sarili ko kundi sa aking dinadala.

Hindi ko kakayanin kung masasaktan din siya ni Vlademir.

"Vlad!" Narinig kong tawag sa pangalan ni Vlademir saaking likuran.

Si Auntie Kaleeya.

"Vlad, anong ginagawa mo? Buntis si Angelica Claire!" Bahagyang lumuwag ang kapit ni Vlademir sa braso ko.Nawala ang galit sa mga mata nito at napalitan ng blangkong ekspresyon. Nasa tiyan ko ang tingin nito at wala saakin.

Hanggang sa tuluyan nito akong bitawan.

Nanghihina naman akong napatakbo sa kwarto na nilayasan ko kanina.Takot na takot kong isinara ang pinto at nagtalukbong ng comforter sa kama.

Umiyak ako ng umiyak, hanggang sa tuluyan akong makatulog.

~

Mabigat ang pakiramdam ng magising ako sa aking pagkakatulog.Sumasakit din ang aking ulo, siguro ay buhat ng aking pag-iyak kanina.

Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table.Its already 6:15 pm, ilang oras din pala ang aking naitulog.

Nakakaramdam narin ako ng gutom kaya napagpasyahan kong mag-ayos ng sarili at bumaba na para kumain.

Kailangan ko ring uminom ng vitamins.Kaya kahit nahihilo ay sinubukan kong bumangon.Gumalaw galaw pa ang paligid ng bumangon ako.

Umiikot ang paningin at lulang-lula akong pumasok sa banyo.

Bigla ko namang naalala ang nangyari nuong nakaraan dito sa loob ng banyo.Nagwala ako at naglaslas.Napatingin ako sa aking pulsuhan, pagkat hindi na gaanong sugat ngunit may kaunti parin itong bakas ng hiwa.

Matapos kong magsipilyo ay naghilamos ako at tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin.

Namumugto ang mga mata ko at mapula.Halatang galing sa pag-iyak.Napansin ko rin na namumutla ako.Kaya minadali ko ang paghihilamos at dumiretso na sa walk in closet para magpalit ng damit dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit ako sa aking suot.

Nang makapagbihis ako ng panibagong damit ay lumabas ako ng kwarto.At dahil hindi ko alam kung saang banda ang elevator ng bahay ay hindi na ako gumamit nito.

Bukod sa maraming likuan at kanto ang bahay, masyado din itong malawak at nakakalito.Hindi ko din saulo ang buong bahay kahit na ilang buwan na ako rito.Ni hindi naman kasi ako gumagala.

ObsessiveWhere stories live. Discover now