19: Wedding Day

408 8 2
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

This is the day that Vlademir's waiting for.Ang mapasakanya ng tuluyan si Angelica Claire.Ang babaeng kinababaliwan niya.Tawagin man nilang obsessive o selfish ang pagmamahal niya ay wala siyang paki-alam.

Angelica Claire Cortez is the meaning of everything to him.He can't imagine his life without her.His soon to be Mrs. Angelica Claire Cortez-Ruousuine.

Walang mapagsidlan ang ligaya niya sa tuwing iisipin niyang ilang oras nalang ang hihintayin tuluyan ng maitatali sa kanya ang dalaga.Ang dalagang pinapangarap at tinatanaw niya mula noon.

And he still remember their first met.

Four years ago

Pagod na pagod siya nuon na dumiretso sa coffee shop dahil mayroon siyang hinahabol na laruan.Hindi isang bagay, kundi isang walang kwentang tao na gustong gusto niyang balatan ng buhay.

Nakatakas ito at pansamantalang hinahabol ng mga tauhan niya.Habang naghihintay siya ng order niya, hindi niya maiwasang mapalingon sa kanyang bandang gilid, may narinig kasi siyang matamis at malamyos na boses.

Nanggaling iyon sa isang dalagang naka high school uniform na mag kasamang mga kaibigan.Nakikipagtawanan ito at minsan ay nag k-kwento pa.

Hindi niya maiwasang mapatitig sa mukha ng dalaga.

Maliit ang mukha nito, ang mga mata nito ay bilugan at singkit.Manipis ang labi at katamtaman ang tangos ng ilong.

Maganda, inosente ang mukha at mukhang walang kamuwang muwang.

'my little angel'

Mukha namang napansin ng mga kaibigan nito ang pagtitig niya sa dalaga dahil bahagya pa nitong kinulbit ang dalaga at inginuso siya.

Gusto niyang kausapin ang dalaga, tanungin ang pangalan nito ngunit wala na siyang oras.Naibigay na ang order niya, nag text narin ang tauhan niya.

Wala siyang choice kung hindi, memoryahin nalang ang mukha ng dalaga at hanapin ito matapos niyang maayos ang lahat.

BACK TO PRESENT

Napunta ang atensyon ni Vlademir sa ama ng pumasok ito sa kanyang silid.Tinapik pa nito ang balikat ng anak ng makalapit ito sa pwesto nito.

Ngumiti ang binata sa ama at muling pinagmasdan ang sarili sa salamin.Magaan ang pakiramdam na inayos nito ang tie niya ngunit natigilan ng makitang muling bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan niya at pumasok si Kaleeya.

Nagniningning ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at dahan-dahang lumapit.Hindi naman maiwasang sapuhin ng ginang ang pisnge ni Vlademir.

Natutuwa ito na sa wakas ay lalagay na sa tahimik si Vlademir.Magkakapamilya ito at magiging masaya kagaya ng lagi niyang hiniling.

May ngiti sa labing inayos nito ang tie ng binata at inayos ang coat na suot.

Bumaling ito ay sa ginoong si Dhammier at inayos din ang tie nito.Bago ito umalis ay hiangkan muna nito sa pisnge si Vlademir at niyakap na tinanggap naman ng binata na laking tuwa lalo niya.

HABANG sa kabilang banda naman, nanginginig at kinakabahang nakaharap sa salamin si Angelica Claire.Tapos na siyang ayusan, kakatapos niya lang rin suotan ng wedding gown.

Pansamantalang, kinukuhaan siya ng litrato ng photographer.Wala siya sa mood mag pakuha ng litrato.Abala ang isip niya sa plano nila ng ginang na si Allysa.

Natatandaan pa niya kung ano ang plano nila

Flashback

"Bago ka makapunta sa simbahan, may mga tao na akong uutusan na pumwesto sa may pintuan at magpapanggap na tauhan ni Vlademir.Huli kang dadating, ngunit imbes na dumiretso ka sa simbahan, gagawan namin ng paraan na lituhin ang tauhan ni Vlademir para mawala sa isip nila na hindi ikaw ang sakay ng wedding car na dumating sa simbahan" Mahabang paliwanag ni Allysa sa dalaga na siyang ikinataka nito.

ObsessiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon