EPILOGUE

987 22 8
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

Nawawalan ng pag asa akong pumara ng sasakyan.Tuliro ang isip.Natatakot sa maaring gawin ni Vlademir sa pamilya ko.Wala sa sarili, nanginginig ang mga kamay at paa.Hindi alam ang gagawin.

Naglalakbay isip ko, hinihiling na kasabay ng pagdaan ng hangin sa labas ng sasakyan, ang pag tangay ng takot at kabang aking nararamdaman.

Hindi ko matanggap, kung bakit kailangan silang idamay.

Ang tanging gusto ko lang naman ay maging masaya at malaya.Ngunit bakit parang hindi ako mapagbigyan ng tadhana.

Wala akong ginawang masama.At hindi ko lubos maisip na sa lahat ng tao, ako ang napiling paglaruan ng tadhana.

Bakas ang takot saaking sistema ng bumaba ako ng sasakyan na agad sinalubong ng mga tauhan ni Vlademir.

Mabilis nilang pinaalis ang sasakyan, akmang hahawakan ako ng umiwas ako at nagdirediretso sa paglalakad.

Agad akong sinalubong ng mabigat ng klima ng loob ng mansion.Nakaka sakal, hindi ako makahinga.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sinusundan ako ng mga tauhan.Tahimik ang paligid, tanging tunog ng mga yapak lamang ang maririnig.Halatang inaasahan ang pagdating ko.

Wala pa ako sa mismong harap ng pinto ngunit tanaw na tanaw kona mula sa aking pwesto ang mga naglalakihang maskuladong mga tauhan ni Vlademir sa harap ng pinto ng dulong kwarto sa ika-limang palapag.

Natigil ako bahagya, maging ang mga tauhan sa likod ko ay natigilan din.Ngunit hindi ito mga nagtanong.Bumuntong hininga ako, pilit pinakalma ang takot na takot na sistema sa loob ko.Hinimas ko ang aking tiyan, bago tuluyang tumuloy sa paglalakad at makarating sa harap ng pinto.

Pinagbuksan ako ngunit imbes na si Vlademir ang unang bumungad saakin ay ang pamilya ko ang unang nahagip ng paningin ko.

Walang wala ang takot na nararamdaman ko at sakit noong ginahasa at binugbog ako ni Vlademir sa takot at sakit na nararamdaman ko ngayon na nakikita ko ang pamilya ko sa ganitong kalagayan.

Luhaan ang mga matang pinagmasdan ko ang pamilya kong nasa kalunos-lunos ang sinapit.

Naliligo sa sariling dugo ang aking ina na wala ng malay habang yakap yakap ito ng aking ama na naliligo rin sa sarili niyang dugo.Maputla na ang mga ito at halatang wala ng buhay.Habang ang kapatid kong panganay na si Kuya Anton ay wala ring malay at hindi makilala ang mukha sa labis na pagkakabugbog.At ang isa kong kapatid na si Kuya Alex ay tulala lang sa kawalan, kagaya ni Kuya Anton duguan din ito at basag ang mukha.

Ang kulay puti nitong sando ay nagkulay pula dahil sa dugo.

Hinang-hina akong napa-upo sa malamig na tiles ng lumang kwarto.Patuloy ang pagbuhos ng luha ko silang pinagmasdan.Hindi magawang lapitan.

Umiiyak sa sakit akong tumingin kay Vlademir na blangko ang ekspresyong nakatitig saakin.

"B-bakit mo sila dinamay" Pinaghalong poot at hinanakit na tanong ko kay Vlademir.

Walang nagbago sa ekspresyon niya.Blangko at walang pakiramdam.May hawak itong baril.Pinaglalaruan niya ito habang nakatitig saakin at hindi pinapansin ang aking tanong.

"PUTANGINA! BAKIT MO SINAKTAN ANG PAMILYA KO? BAKIT MO GINAWA ITO SA KANILA!?" Umiiyak kong sigaw sa kanya.

Hindi naman ito muli sumagot pagkat itinutok saakin ang baril.Malugod naman akong tumayo at lumapit sa kanya.

Lumuhod ako at idinikit ang aking noo sa dulo ng baril.Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na kalabitin niya ang gatilyo.

Wala narin akong aasahan.Para narin niya akong pinatay sa ginawa niya sa pamilya ko.Wala naring dahilan pa para magpatuloy ako sa buhay ko.

ObsessiveWhere stories live. Discover now