18: Deceitful Plan (Part 2)

365 6 2
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

Abot langit na kaba ang nararamdaman ko ngayon.This is the last day, my chance para makabuo ng plano kung paano ako tatakas kay Vlademir.

Kasalukuyan akong nandito sa walk in closet ko, naghahanap ng pwede kong suotin sa pagpunta namin sa mall mamaya.

Iniisip ko kung paano ko makukumbinsi si Tita Allysa na tulungan ako.

Paano kung tumanggi siya at umayaw, at ang mas masakit nito; Paano kung sabihin niya kay Vlademir ang plano ko?

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng pumasok sa walk in closet ko si Crisilda.

She is smiling but there is something in her smile.

Sarcastic?Maybe.

"The soon to be bride is really beautiful.Hindi na ako magtataka kung bakit siya nabaliw ng tuluyan sayo--oh my bad, baliw na pala talaga siya una palang!" Ani nito at nakakalokong tumawa.

Hindi ko siya magawang maka-usap.Hindi ko alam ang sasabihin ko.There is something in her.She have a pretty face but she looks like a deceiver.

"Wait, he didn't told you yet?" Bigla nitong tanong na ikinakunot ng noo ko.


Anong hindi sinasabi? Nino?

Si Vlademir ba?

"Base on your reaction, looks like you are a certified clueless!" Kunwaring gulat na ani nito at umupo sa isang upuan bago ako tinitigan ng diretso.

"Well, you know you remind me of someone and guess what who it is?" Muli pa nitong tanong saakin.

Nanatili akong walang sagot sa kanya, tinitigan ko lamang siya at inobserbahan.Hinihintay ko ang ilan pang kanyang sasabihin saakin.

"Hey, kanina pa ako nagsasalita.You didn't bother to answer me!" Mukhang naiirita nitong ani saakin.

"Wala kasi akong alam na pwede kong isagot sa mga tanong mo" Sagot ko at tiningnan ang kanyang reaksiyon.Natawa muna ito ng mahina bago nagsalita.

"He didn't told you what he do to your friend aren't he?" Muli nitong tanong saakin.

"Of course, hindi mo malalaman tanga ka kasi" Bahagya akong nainsulto sa sinabi niya akmang magsasalita ako ng muli itong magsalita.

"Madami siyang pinatahimik.Noon, puro paglalaro lang ang gusto niya pero ngayon akalain mo nangangarap siyang magkaroon ng pamilya kasama mo! Pero alam mo, mabuti na iyong delusional family dream niya ang pakaabalahan niya.Hindi na namin kailangang mag overthink para sa buhay namin kasi andiyan kana, may pinagkaka abalahan na siya.Hindi na siya maglalaro ng buhay ng iba" Mahabang lintanya nito na lalong nakapagpagulo saakin.

Ano bang sinasabi niya?

Maglaro ng buhay ng iba? Anong ibig niyang sabihin?

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya na tinawanan lang niya.

"Nakaka-aliw ka talaga, Angelica Claire!" Nangiinsulto nitong ani at lalo pang nilakasan ang kanyang pagtawa.

"BALIW KABA? ANO BANG SINASABI MO?" I can't take it anymore.Masyado niya na akong pinaglalaruan, mas masahol pa siya kay Vlademir na puro pagpapanggap.

"Patience, Angelica Claire makikilala mo din kung sino talaga yung magiging asawa mo.Makikilala mo, ang tunay na Vlademir Armani Ruousuine" Huling ani nito bago ito umalis at iniwan akong maraming tanong sa isipan.

Sa isang buwan at kalahati naming pagsasama sa iisang bubong ni Vlademir masasabi kong unti unti kong nalalaman ang lahat.

Sa bawat araw na dumadaan, ay siyang pagdami ng mga tanong saaking isipan.Kagaya na lamang ng kung sino ba talaga siya? At Anong klaseng sekreto ang tinatago niya.

ObsessiveWhere stories live. Discover now