03: Stalker

720 14 6
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

"YAYAAAAA!" Umiiyak kong tawag kay Yaya Lucy na nag aalalang patakbong lumapit saakin.Ilang kasamabahay narin ang nataranta at nagmamadaling lumapit saakin.

Nakita kung paano napatakip si Yaya Lucy at ibang kasamabahay ng kanilang mga kamay ng makita ang duguang mata na laman ng box na nasa sahig na ngayon matapos ko itong mabitawan sa takot.

Nanginginig ang aking mga palad at tuhod na yumakap kay Yaya Lucy.Narinig ko din ang pagtawag nito sa mga guards sa bahay namin para tumawag ng pulis.

Abot langit na kaba ang nararamdaman ko ngayon, Is still about school terrorism threat?Ano bang mapapala nila saakin?

"PIDO! TUMAWAG KA NG PULIS! DALIAN MO!" Muling sigaw ni Yaya Lucy kay mang Pido na matandang driver namin ng makita nito na natulala din sa kawalan.

"Angelica C-claire, iha halika dito lumayo tayo diyan" Nagmamadaling ani ni Yaya Lucy at inakay ako paakyat sa taas, sa kwarto ko.

"Yaya what is that?" Natatakot kong ani ng makarating kami sa aking silid.

Nag aalala naman itong bumaling saakin matapos masaraduhan ang kwarto.

"Hindi ko din alam, iha.Pero inutusan kona sina Pido na tumawag ng pulis.Gusto mo ba ng tubig?Magpapakuha tayo kay Neilya sa baba" Medyo kumalma ng ani ni Yaya Lucy saakin.

"Y-ya, bakit ganoon?N-natatakot p-po a-ako!" Halos mag histerikal kong ani sa kanya.

"Iha, kumalma ka.Parating na yung mga pulis.Huhulihin nila ang may gawa noon" Pagpapagaan ng pakiramdam na ani ni Yaya Lucy saakin at niyakap akong muli.

Ilang minuto ang lumipas ng may biglang kumatok sa pinto.

"Diyan ka muna.Bubuksan ko muna yung pinto" Paalam ni Yaya Lucy at lumapit sa may pinto upang buksan ito.

"Iha, Oh my god.Ang anak ko!" Narinig kong ani ni Mommy na nasa may pintuan at patakbong lumapit saakin.

"MOM!" Niyakap ko ito ng mahigpit ng makalapit ito sa pwesto ko at ganoon din si Daddy na nakasunod sa kanya.

"Shshh..It's okay baby.Nandito na si Daddy at Mommy, stop crying na" Pagpapatahan ni Daddy saakin ng humagugol ako ng iyak.

"D-dad, t-there is s-something i-in a b-box!" Humahagulgol kong saad sa aking ama.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap saakin ng aking ama at ina.Maging si Mommy ay umiiyak na rin, pinapatahan din ito ni Daddy.

Ilang minuto din ako umiyak bago ako tumahan.Nasa baba narin ang nga pulis kausap sila ni Daddy at Kuya Alex na dali-daling umuwi ng malaman ang nangyari.

Nandito parin ako sa kwarto kasama si Mommy at Yaya Lucy na nakamasid lang saamin na alam kong sobra ang pag-aalala saakin.

Walang umiimik saamin siguro ay dahil sa gulat at pakikiramdam.Alam kong ramdam din nila na bigla parin ako sa nangyari kanina.Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bumukas ang pinto ng aking kwarto.Iniluwa nun si Kuya Alex, Dad at ang dalawang pulis na may hawak na plastic wrap na naglalaman ng isang papel; yung letter kanina.

"Angelica Claire!" Pambungad na ani ni Kuya Alex at patakbong lumapit saakin at niyakap ako.

"I'm sorry, wala si kuya nung nangyari yun" Hingi ng paumanhin na sabi nito saakin at kumalas ng yakap.

"Mawalang galang na po, Ms. Cortez.Maari po ba kayong makausap para sa ilang katanungan?" Nawala ang atensyon ko kay kuya ng biglang magsalita ang kanyang kasamang pulis sa kanyang likuran.Madahan naman akong tumango sa sinabi nito.

ObsessiveWhere stories live. Discover now