28: Finally Free?

597 12 1
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

Diyos ko! Gabayan niyo po ako.

Nakatitig saakin si Vlademir ng mariin, kasabay ng pagtitig niya ang unti-unting pag bagsak sa lupa ng lalaking kanyang binaril.

Naka pokus ang paningin niya sa akin, ni hindi pinansin ang mga lalaking bumuhat ng bangkay at naglinis nito sa harapan niya.

Nakatitig ito saakin na animo binabantaan ako.

Unti-unti akong umatras, hanggang sa hindi ko namalayan ang sarili ko na nasa loob na ako ng elevator.Wala sa sariling napapindot ako sa mga numero sa elevator.

Hindi ako babalik sa kwartong tinutuluyan ko ngayon kasama si Vlademir.Babalik ako sa kwarto kung saan una akong ikinulong.

Nang makarating ako sa palapag ng dati kong kwarto ay nagmamadali akong tumungo sa direksiyon ng dati kong kwarto at ng marating ko sa kwarto ay agad ko itong sinarhan.

Tumungo ako sa walk in closet ng kwarto at nagmamadaling hinanap ang mga damit na pinagbuhol-buhol ko para gawing lubid pababa.

Naiiyak sa takot kong hinawi ang kurtina kung nasaan ang lumang bintana.Nang mapansin kong walang bantay ay mabilis kong ibinaba ang lubid at umakyat palabas ng bintana.

Nanginginig ang mga paa at kamay akong unti-unting bumaba gamit ang pinagbuhol-buhol na damit.

Natatakot man para saaking sarili at aking dinadala ay nagpatuloy ako hanggang sa tuluyan akong makababa.

Bahagya pang lumaglag ang luho ko ng maiapak ko sa baba ang aking mga paa.

Luminga-linga ako sa paligid at mabilis na nagtago sa gilid ng may makita akong bantay na papadaan.

May hawak na flashlight ang bantay at bukod duon ay may baril din ito sa gilid ng kanyang beywang.

Halos isang minuto rin itong tumingin-tingin hanggang sa tuluyan itong umalis.Tumunog pa ang radio nito di kalayuan saakin ngunit hindi ko narinig ang sinabi ng nasa linya ng kanyang radio.

Dahan-dahan akong tumakbo, nagtatago kapag may bantay akong madadaanan.

Ilang minuto nalang ng pagtakbo, makararating na ako sa may dingding.Hindi man ako pamilyar sa paligid ngunit kailangan kong umalis at halos tumambol ang puso ko sa kaba ng marinig ko ang pagtunog ng speaker na hindi ko alam kung nasaang banda sa paligid.

Boses iyon ni Vlademir.

"ANGELICA CLAIRE, HUWAG MO AKONG SUBUKANG MAGALIT SAYO NG SOBRA-SOBRA.BUMALIK KANA DITO, MALALIM NA ANG GABI, BABE.MAKAKASAMA SA BABY NATIN ANG PAGLABAS MO.BUMALIK KA DITO NGAYON DIN BAGO PA AKO TULUYANG MAGALIT SAYO!" Bakas sa tono ni Vlademir ang pagbabanta.

Dahil sa boses na iyon ni Vlademir, ay alertong tumakbo sa kung saan ang mga bantay.Hindi ko man matanaw ang mga aso ngunit rinig na rinig ko mula sa malayo ang pagwawala nila.

Kinakabahan at natatakot, mabilis akong tumakbo sementong bakod.Luminga-linga sa paligid at puno ng luha ang mga matang tumakbo sa alambreng bakod malapit sa likod bahay.

Natatakot man, ngunit desperada ko itong pinilit buksan.At dahil sadyang makapal at matibay ang lock nito, wala akong choice kundi akyatin ang alambre.

Pigil ang hiyaw kong tiniis ang pagbaon ng alambre sa palad ko at paa.Luhang-luha akong umakyat.

Inisip ang bagay na maaring mangyari kapag nagtagal pa ako sa puder ni Vlademir.Iniisip ko ang kalagayan ng anak ko, kapag lumaki siya na kasama namin si Vlademir.

ObsessiveWhere stories live. Discover now