17: Deceitful Plan

379 9 1
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

Isang araw ang lumipas, dalawang araw na lang ikakasal na kami ni Vlademir.Naipalaganap na ang lahat ng wedding invitation sa mga kakilala pati narin sa mga media.

Usap-usapan iyon ng lahat.Ang mga studiyante ng Saint Clevier lahat sila imbitado.Mga pulitiko at mga artista ay imbitado din.Lahat nga ata ng mga kakilala nila na makapangyarihan at may posisyon ay imbitado.

Maraming natutuwa, halos lahat excited.Maging ang mga magulang ko nagawa pa nitong bumisita dito saakin.

Nasa sala kaming pamilya, kumpleto sana kami kaso wala si Kuya Anton pati ang pamilya niya.Hindi ko alam kung anong rason ngunit nabanggit saakin ni Mommy na may hindi pagkakasunduan sina Kuya Anton at ang asawa niya na si Ate Dein.

Alam kong mahal nila ang isa't-isa, kaya naniniwala ako na maayos nila ang konting problema sa pagsasama nila.

I know my Kuya Anton after all.Babaero man siya noon pero nagbago siya dahil kay Ate Dein.He loves her, he really really do.

"Anak, napadala saamin ni Kaleeya ang ilang brochures sa mga susuotin.I'm so excited na sa wedding niyo.I can't believe that is really happening!" Tili ni Mommy at niyakap ako.

Lahat sila naka ngiti saakin, ako naman hindi ko alam kung anong emosyon ang ipapakita ko sa kanila.

Gusto kong ipakita na masaya ako, gusto kong duon sila maniwala.Ayoko silang madamay, alam kong kapag nakalayo ako hindi na sila madadamay pa sa kabaliwan ni Vlademir.

I love them so much and I will do everything to protect them, even it means being away without them.

"I love you, Mom" Bigla kong ani sa kanya.

Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa labi nito.

'I will miss you Mom'

"Nagtatampo ako, parang si Mommy lang ang gusto mo" Kunwaring nagtatampong ani ng aking ama saakin kaya naman tinawanan ko ito.

"I love you too, Dad and of course sa dalawa kong Kuya baka magtampo pa e!" Nangaasar kong ani kaya naman tumawa silang lahat.

"Ang baby namin, ikakasal na!" Asar ni Kuya Alex na tinawanan namin.

"O, e ano namn?" Kunwaring mataray kong ani.

"Wala!" Sagot nito.

"I love you too, Kuya Alex!" Malakas kong sabi at nginisihan ito.

"I love you, iww" Animo nandidiri na ani nito saakin.

"Basta, kapag may problema kayo ni Vhien pag-usapan niyo.Huwag agad hiwalayan" Natigilan ako ng marinig ko ang payo ni Mommy saakin at napakagat labing nakikinig sa kanya.

"Kausapin mo siya ng madahan.Maging mapagkumbaba ka.Mahal niyo ang isat isa huwag kayo magpadala sa nararamdaman niyo" Ani pa nito saakin kaya tuluyan na akong nailang.

"M-mom, paano po kung hindi niyo mahal at isa lang yung nagmamahal?" Lakas loob kong tanong sakanya.

"Hindi dapat kayo magpakasal dahil masasakal niyo lang ang isat isa" Nakangiti nitong sagot saakin.

Paano ko ba iyon ipapaintindi sayo Vlademir?

At paano mo ba iyon maiintindihan?

~

"How's your talked with your parents?" Bungad ni Vlademir saakin ng makapasok kami sa kwarto.

"Maayos naman, Ikaw?Kamusta yung usap niyo nina Grandpa Renaldi at Tito Dhammier?" Balik kong tanong sa kanya.

ObsessiveWhere stories live. Discover now