23: Baby

471 9 1
                                    

Warning: This chapter contains violence and foul words.Please be advised!

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

"Babe, you should stop kissing her like that.It's gross" Agad akong napairap ng marinig ko ang nakakairitang pagsaway ni Vlademir saakin.Hindi ata ito ang pang limang beses niyang saway dahil mula pa kanina ay sinaway niya ako ng sinaway sa mga ginagawa kong paglalambing sa aso.

Hindi ko ito pinansin at muling nilambing ang aso na siyang ikinakikay nito lalo.Nagsimula itong makipaglaro saakin.Gustong-gusto nito na binubuhat siya at hinimas ang balahibo.

Natutuwa din ako sa tuwing tumatahol ito.Bahagya mahina ngunit nakaka aliw sa pandinig.

Kahapon niya lang binili ito saakin, tandang tanda ko pa ang sinabi nito na alagaan ko ang aso at sunod ay ang magiging anak namin.

Hangang ngayon hindi parin ako makapaniwala na binilhan niya ako ng aso.Suhol siguro sa pang gagago niya saakin.Pero sinong inuto niya, hindi ko malilimutan ang mga ginawa niya.Ngunit kahit papaano mawawala ang pagkaburyo ko dito sa bahay.

"Stop kissing her babe!" Bakas sa boses ni Vlademir ang pagkainis na muli hindi ko pinansin.

"Babe, if you don't stop I will let Arnell adopt that dog" Muling ani nito saakin na ikinalingon ko sa kanya.

"Ano bang problema mo?Maglalaro kami nung aso?Wag mo sabihing naiinggit ka?" Naiirita kong ani sa kanya na agad nitong sinagot.

"Yes, babe I'm jealous so stop kissing that dog.Baka kung ano pang mikrobyo ang makuha mo sa asong iyan" Sagot nito na muling ikinainis ko.

"Tsk, bakit hindi tayo lumabas ng kwarto?Bakit ba kasi nandito tayo, e ang lawak lawak ng bahay niyo, dinaig pa yung palasyo ng presidente.Kung kahit labas tayo, naka kuha pa ng fresh air hindi puro aircon!" Nayayamot kong ani
sakanya at itinuon ang atensyon sa aso.

Ilang segundo ang naging pagtahimik ni Vlademir bago muling nagsalita.

"Fine, but promise me na mag b-behave ka" Ani nito na ikinatango ko nalang.

"I want you to say promise, babe" Muli nitong ani kaya nayayamot kong sinunod.

"Promise! happy?" Sarkastiko kong ani na tinawanan lang nito.

"Yeah, super" Natatawang ani nito at tumayo sa kama na sinundan ko.

~

Habang naglalakad kami paputungo sa sala, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid.May mga portraits sa dingding.Mga taong hindi ko kilala dahil kahit kailan ay hindi ko ito mga nakita.

Madalas ko itong makita nuong mga nakaraang araw ngunit hindi ko gaanong binibigyan ng atensyon, ngayon lamang na pababa kami ni Vlademir.

Buhat-buhat ko rin ang aso na binili saakin ni Vlademir na hanggang ngayon ay walang pangalan.Wala akong maisip kaya "doggy" muna ang itatawag ko sa kanya.

Abala ako sa pagtingin tingin sa paligid habang si doggy naman abala sa pagpiglas dahil gusto nitong bumaba mula sa pagkakabuhat ko.

Mukha namang napansin ni Vlademir ang pagpupumiglas ng aso kaya nagpaalam iyong kukuha ng tali.

"Nalimutan ko iyong tali niyan sa kwarto, mauna kana sa baba.Don't worry hindi ka maliligaw may mga guards na nakatayo sa bawat parte sa second floor.Sa third floor, madalas duon mga maids, siguradong may makakasalubong ka so di ka makakatakas" Muling lintanya ni Vlademir saakin bago ako iniwan at tumalikod pabalik sa kwarto na pinagmulan namin.

ObsessiveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin