25: Pregnant

509 10 0
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

Hinang-hina ang aking katawan ng magising ako.Agad kong nabungaran si Vlademir na abala sa kanyang laptop.

Bahagya naman itong natigilan ng maramdamang gising na ako.Agad nitong dinampot ang cellphone at may tinawagan.

"How are you feeling, babe?" Tanong ni Vlademir saakin.

"T-tubig" Nanghihina kong hiling dito na madali nitong sinunod.

"Babe!" Tawag nito saakin at ibinigay ang basong bubog na may lamang tubig.

Inalalayan pa nito ako umupo sa kama upang mainom ang tubig hanggang sa mapatingin ako sa pinto ng bumakas ito.Iniluwa nito si Crisilda at isang singkit na lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay si Arnell kasama rin nila si Auntie Kaleeya na nakangiting nakatingin saakin.

"Thanks God at gising kana, Angelica Claire.Sobra kaming nag alala sayo" Ani nito saakin at bahagya pang lumapit.

Nanghihina ko naman itong mga tiningnan, gustuhin ko mang sagutin si Auntie Kaleeya ngunit hindi ko magawa.Blangko parin ang isip ko hanggang ngayon.

Wala akong lakas at hindi din maganda ang pakiramdam ko.

"Magpahinga ka muna, Angelica Claire.Babalik din ang lakas mo, wag mo lang pwersahin" Napatingin ako kay Arnell na nagsalita at iniwasan ng tingin si Vlademir.

Ngunit muling nabaling ang atensyon ko sa kanya ng magsalita muli ito.

"Ibinilin ko muna kay Arnell, yung aso.Siya muna ang mag-aalaga sa kanya habang mahina kapa" Ani nito saakin kaya naman pinilit kong magsalita kahit nanghihina.

"Gusto kong alagaan ang aso.Ibalik mo siya dito" Mahina ang boses kong ani rito.

Naka-kunot ang noo naman ako nitong tinitigan bago sumagot.

"Magpagaling ka muna, Angelica Claire.Huwag matigas ang ulo" Seryoso nitong ani saakin.

"Paano ako gagaling ng mabilis kung wala akong mapag aabalahan?" Pagkat mahina ang boses, sarkastiko ko itong sinagot.

Hindi naman nakatakas sa mga tingin ko sina Crisilda at Arnell na yari'y natigilan sa sinagot ko.

"You disobey me again, Angelica Claire" Muli nitong ani saakin at sinenyasan sina Crisilda, Arnell at Auntie Kaleeya na lumabas.

Ngunit bago sila lumabas ay nagsalita si Crisilda.

"Vlad, ichi-check namin siya mamaya.May need pang i-test sa kanya" Ani nito na ikinataka ko.

Alam kong mahina pa ang katawan ngunit kailangan pa ba akong i-test?Wala naman akong sakit kaya bakit kailangan pa ng ganoon.

"Yeah" Narinig kong sagot ni Vlademir sa kanya bago ito tuluyan ng lumabas at sumunod kina Auntie Kaleeya at Arnell sa labas ng kwarto.

Naiwan naman kaming dalawa ni Vlademir.

Tahimik lamang itong nakatitig saakin na animo inoobserbahan ako, habang ako naman ay nakahiga lang at walang ibang magawa kundi makipag titigan sa kanya.

Gustuhin ko man itong pakiusapan na hiwalayan na ako, alam ring walang mangyayari.Patuloy lamang itong hihigpit saakin.

Sana nga namatay na lang ako sa pagtatangka kung mag laslas.

Natigil ako sa aking iniisip ng putulin ni Vlademir ang katahimikan dito sa kwarto kung nasaan naroroon kami.

"What do you want to do?" Tanong nito sa akin na mahina ang boses kong sinagot.

ObsessiveWhere stories live. Discover now