11: Unexpected Visitors

519 9 2
                                    

ANGELICA CLAIRE'S POINT OF VIEW

His Clan with my Family.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, may parte saakin na kinakabahan sa posibleng mangyari at mayroon din akong takot na nararamdaman.

Buong angkan ni Vhien ay nakangiti na nakatingin saamin maging si Tita Allysa, may tipid itong ngiti sa labi.Ang pamilya ko naman ay seryosong nakatingin saamin na hindi ko alam kung bakit.

Gusto kong tumakbo palapit sa mga magulang ko at sabihin ang mga kabaliwan ni Vhien ngunit hindi ko magawa.Mahigpit ang pagkakahawak saakin ni Vhien.

"Behave, Angelica Claire" Pasimpleng bulong ni Vhien sa hangin kaya wala akong magawa kung hindi ang sundin siya.

"The stars of night!" Narinig kong patungkol saamin ni Vhien na ani ng isang babae na hindi pamilyar saakin.

"Maupo na ang lahat ng maumpisahan na" Makahulugang ani ng ama ni Vhien na hindi ko malaman kung ano ang ibigsabihin niya.

Tahimik na umupo ang lahat, maging ang pamilya ko.Nag umpisa kaming kumain.Walang nagsalita hanggang sa tumikhim ang aking ama.

"May balak kapa ba na iuwi saamin ang anak ko?" Seryosong tanong ng aking ama kay Vhien.

"Tito, Angelica Claire and I decided to live in.We love each other.I know po na hindi niyo po yun mamasamain.Besides, graduating na kami pareho.Matatanda na, we can stand in our own" Gusto kong sampalin si Vhien sa mga sinabi niya sa harapan ng mga pamilya namin.

How could him?

Paano niya nasasabi ang lahat ng kasinungalingan na ito sa mga pamilya namin?

Mahal?Kadiri siya.

"Bata pa kayo pareho, how can we sure na hindi mo gagaguhin ang anak namin?" Sabat ng aking ina sa dalawa.

"Angelina, matatanda na sila.Hayaan na lang natin.They are perfect couple kaya.Cortez and Ruousuine" Sagot dito ni Auntie Kaleeya na nakapagpatahimik sa aking mga magulang.

"Speak something, Angelica Claire.Your brother is looking at us" Sa binulong na iyon ni Vhien agad akong napatingin sa aking harapan.

Nakatitig saamin si Kuya Anton na animo naghihinala.

Gusto ko man ipagpatuloy iyon ni Kuya Anton ngunit natatakot ako sa maaring kabaliwan na gawin ni Vhien.Baka saktan pa niya ang pamilya ko.

"M-mom, D-dad m-mahal p-po namin yung i-isat-isa" Nahihirapan kong ani kaya lahat naman ng mga mata ay napunta saakin.

Naramdaman ko ang pag akbay saakin ni Vhien bago nagsalita.

"See, mahal na mahal po namin ang isat-isa at hindi ko po siya pababayaan" Nakangiting ani ni Vhien na halos ikaduwal ko dahil sa nakakadiri ito.

Mahal?May mahal bang kinidnap?

"Live in lang kayo?Paano kung mabuntis mo ang kapatid ko?" Diretsahang ani ni Kuya Alex kaya lahat ng mata na kanina ay nasa akin ay napunta sa kanya.

Gusto ko siyang sawayin ngayon sa sinabi niya.Binigyan lang nito ng idea si Vhien sa kabubuyan nito.

Paano kung mademonyo nanaman ito, siguradong r-rapin ako nito.Sa mga pinapakita niya pa lang ng ilang araw halatang sabik na sabik na ito.

"That's a good question Kuya Alex, Actually the purpose of this dinner is Angelica Claire and I are having a special announcement" Natatawang ani ni Vhien kaya naguguluhan akong napatingin sakanya.

ObsessiveWhere stories live. Discover now