1' 06"

128 13 2
                                    


Halos madapa si Van na nagmamadaling bumaba ng jeep at tumawid ng kalsada nang hindi tumitingin. Nakarinig siya ng mga busina pero hindi niya iyon pinansin. Alam niya namang hindi siya mababangga ng mga sasakyan dahil binilisan niya ang pagtakbo.

Nang marating ang tapat ng isang apartment ay nakita niyang bukas ang gate noon kaya diretso siyang pumasok sa loob at umakyat sa 2nd floor.

Room 208. Room 208.

Iniiwasan ni Van ang mag-panic dahil hindi ito ang panahon para mataranta.

Kumatok siya ng napakalakas sa pinto na may nakalagay na 208 sa itaas. Bahala na kung may magalit na ibang tenants. Ang importante ay madinig ang pagkatok niya. Sinubukan niya ring pihitin ng ilang beses ang seradura pero talagang naka-lock iyon.

"Stacey, open up! Si Van 'to!" Patuloy pa rin sa pagkatok si Van pero walang sumasagot. "Stacey! Buksan mo 'tong pinto, please!

Nasapo ni Van ang kanyang noo nang may maalala. Ah shit! Ang tanga mo Van! Tinungo niya ang isang malaking paso na nasa may tabi ng bintana ng kwarto ni Stacey. Inangat niya ito ng bahagya at kinuha ang spare key na nasa ilalim noon. Nasabunot niya ang buhok niya sa inis dahil kanina pa siya kumakatok at ngayon niya lang naalala na meron nga palang spare key.

Ipinahid niya sa kanyang pantalon ang pawisang mga kamay. Halos mabitawan niya na kasi ang susi. Madali niyang binuksan ang pinto at ang unang bumungad sa kanya ay kadiliman. Sa pagkakaalam niya ay hindi naman brownout. Kinapa niya ang switch sa tabi at bago isara ang pinto ay dinampot niya ang bag na muntik na niyang maiwan sa labas.

"Stacey?" He scanned the whole room but saw no signs of his friend. "Stacey, asan ka?"

Nang makarinig siya ng paghikbi ay sinundan niya ang tunog na iyon. Dinala siya nito sa kusina. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Stacey na nasa isang sulok, yakap ang mga binti nito at nakatingin sa kawalan. Agad niya itong dinaluhan.

"Stacey! What happened?!" Lumuhod siya sa tabi nito at hinawakan ang pisngi at braso ni Stacey. Pinunasan niya ang mukha nito na basang-basa ng luha. "Shit, Stacey. What did he do to you?"

Hindi sumagot si Stacey na patuloy lang sa paghikbi. Nanginginig ang buong katawan nito na para bang takot na takot. Bakas naman sa mukha ni Van ang pag-aalala sa kaibigan.

Nang hindi mapatahan si Stacey ay kumuha siya ng pitsel sa ref at nilagyan ng tubig ang isang baso. Pagkatapos ay tumungo siya sa may cabinet ni Stacey sa mismong kwarto nito at kumuha ng isang bimpo.

Nang balikan niya ang kaibigan ay ganun pa rin ang itsura nito kaya pinilit niya itong buhatin para paupuin sa sofa nitong pang-isahan.

"Ssh, ssh. Stop crying. Everything's fine. Everything's gonna be fine. Andito na ako," pag-aalo niya kay Stacey while comforting her with a warm hug. Pinainom niya ito ng tubig para kumalma ito saka pinunasan niya ng binasang bimpo.

Nang huminahon na ito ay lumuhod siya sa harap ng kaibigan at tumingin sa mga mata nitong may luhang nagbabadyang tumulo. "Ssh," muli niyang sabi habang hinahagod ang ulo ni Stacey.

Stacey breathed in first before trying to speak. Her lips are trembling with fear. "H-He... He c-called..."

Awang-awa si Van sa kaibigan na hanggang ngayon ay takot na takot. "Anong sinabi niya?" Kalmado ang boses niya nang itanong iyon para kumalma rin si Stacey.

"K-Kamusta d-daw ako..."

"What else?" Kunot noong tanong ni Van. Umiling si Stacey na nagsasabing iyon lang ang nangyari.

2 Minutes, 23 SecondsWhere stories live. Discover now