1' 08"

107 10 3
                                    


"Grocery na tayo. Let's go!" Nakangiting tanong ni Stacey. Nakasukbit na sa balikat nito ang bag at handa nang umalis ng bahay. Kunot noo itong tinignan ni Van na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ng kaibigan.

"Wearing that?" Tanong ni Van habang nakaturo sa damit ni Stacey.

Tinignan naman ng dalaga ang suot niya at takang sinabi, "What's wrong with this? Mag-gugrocery lang naman tayo." Sa huling sinabi nito ay palihim pa itong umirap.

"At least wear a shirt please." Saad ni Van. Dinampot niya ang back pack na nasa sofa at kumuha ng isang white shirt doon. Nang iaabot niya na ito kay Stacey ay wala na ito sa may hapag-kainan. "Stacey?"

Bumalik ito nang nakasuot na ng muscle shirt. Mapapanatag na sana siya kaya lang ay nang makita niya ang gilid noon ay bahagyang nalalaglag ang kanyang panga dahil ni wala man lang tube sa ilalim ng suot ni Stacey.

Masama ang tingin sa kanya ng kaibigan nang makita ang itsura niya. "You said shirt. This is a shirt."

He sighed instead then threw her the shirt he was holding. Nasalo naman iyon ni Stacey. Bumagsak kasi sa mukha niya.

"Oh!" Tinignan niya muna ang design noon sa harap before turning to him and giggling. "Last clean shirt?"

Last clean shirt. Iyon ang nakalagay sa statement shirt ni Van na balak niyang ipahiram kay Stacey. "Regalo ni Eury sakin."

"Oh," muli nitong sabi pero sa ibang tono na. Nawala rin ang ngiti nito at sumeryoso ang mukha.

"Suotin mo na yan para makaalis na tayo." Van said with a smile.

Parang hindi iyon narinig ni Stacey dahil dahan-dahan itong pumasok sa kwarto nito para magpalit ng damit. Hindi naman ito nagtagal kaya hindi na nainip si Van. Nang lumabas ito ay magrereklamo pa sana siya dahil hindi nito pinalitan ang suot nitong shorts at dahil shirt niya ang suot nito ay hindi gaanong halata na may suot itong pang-ibaba kaya lang ay inunahan na siya nito sa pagsabit ng kamay nito sa kanya sabay hila palabas ng pinto ng mismong unit.

Habang nila-lock ang pinto ay pinagsabihan siya nito. "I'm fine with my clothes. Kumportable ako sa suot ko and let me friggin' wear what I want to." Mahinahon ang pagkakasabi noon ngunit halatang may bahid ng inis. Ayaw niya lang namang mabastos ang kaibigan.

"Baka kasi maba-" Hindi na siya pinatapos ni Stacey na mataray na humarap sa kanya habang sinisilid ang susi sa bulsa ng maiksi nitong shorts.

"Baka mabastos ako? Pake ko sa kanila. Kahit tumirik pa ang mga mata nila sa kakatitig sakin, wala naman silang makukuha." Umirap na naman ito at nauna nang maglakad. Nagugulahang sumunod si Van sa kaibigan na hindi niya maintindihan dahil bigla bigla na lang naiinis. Hindi niya sigurado kung naiinis ba ito dahil sa pagpapasuot niya ng matinong t-shirt o dahil sa ibang bagay. Is it that time of the month? Napailing siya sa naisip.


Kung kanina ay nauunang maglakad si Stacey, ngayon ay parang tuko naman ito kung makakapit sa braso ni Van. Napakainit kasi sa labas ng mall at napakalamig naman sa loob ng supermarket. Nagkataon pang dumiretso sila sa may Beverages section pagkakuha ng push cart kaya mas malamig kumpara sa ibang bahagi ng supermarket.

"Goddmamit," she cursed under her breath. Medyo nanginginig kasi ito. "Di ka ba nilalamig?" Kunot noo nitong tanong sa kanya. Para itong naiinis dahil ito lang mag-isa ang nilalamig.

"Not my fault that you wore those short shorts," banggit ni Van na pansamantalang tinanggal ang pagkakakapit sa kanya ni Stacey saka kumuha ng dalawang bote ng Minute Maid na tig-iisang litro. Nang mailagay niya iyon sa push cart ay nakita niya ang kaibigan na nakasimangot at mahigpit na yakap ang sarili. "Di ka nga nabastos, nilalamig ka naman.

2 Minutes, 23 SecondsWhere stories live. Discover now