1' 22"

97 10 3
                                    


"Hindi ko man lang siya natanong kung gusto niyang kumain. Baka nagugutom na yun. Tsaka hindi pa siya nakakapagpahinga." Kausap lang ni Van ang sarili pero nakita niyang inirapan siya ni Stacey.

"Malaki na yun. Kakain yun pag nagutom," sabi nito.

Kung sinabi ng kapatid niya na makikipagkita ito sa kaibigan, kakain naman siguro ang mga ito.

Bumalik siya sa kusina at habang inilalagay ang pritong ulam sa isang plato ay napag-isip-isip niyang baka mali na pinatira niya dito sa bahay nila si Stacey. Nararamdaman niyang aawayin lang nito ang kapatid niya. Ngunit wala na siyang magagawa. Andito na si Stacey, at kailangan niya itong tulungang makalayo sa tatay nito bilang isang kaibigan.

Sana lang ay baitan ni Stacey ang pakikitungo kay Eury.

Inayos niya muna ang mesa saka tinawag ang kaibigan para kumain ng almusal. Mabilis naman itong tumayo at pumunta sa hapag-kainan.

Pagkaupo nilang dalawa ay hindi muna siya kumuha ng pagkain. Inilabas niya ang cellphone at naisipang itext si Eury.

Baby girl, I'm sorry. Mag-usap tayo mamaya, please. Tayo lang dalawa. Hindi kasama si Stacey. Be home early. Take care.

Nang ibaba ang cellphone, saka niya lang napansin na nakatitig pala sa kaniya si Stacey.

Bago pa siya nakapagtanong ay nagsalita na ito. "Wag ka ngang praning. Malaki na yung kapatid mo."

Sa sinabing iyon ni Stacey ay hindi niya na naiwasang mainis. "She's my sister, Stacey. At responsibilidad ko siya."

"Whatever you say," bulong nito saka nagsandok ng kanin.

Pagkalabas ng subdivision ay napili nila Eury at Drew na sumakay na lang jeep kaysa maglakad kahit malapit lang iyong Starbucks.

Wala silang gaanong mapag-usapan dahil tahimik lang si Eury sa buong byahe.

"Okay ka lang ba?"

Napansin ni Drew ang pagiging tahimik ni Eury mula nang ibigay niya dito ang bulaklak na napitas niya lang sa tabi.

Tipid na ngumiti ang dalaga saka yumuko.

Saglit lang ang byahe kaya hindi na nagtanong pa si Drew. Mamaya na lang siguro kapag nakaupo na sila sa loob ng coffee shop.

Pagkapasok roon ay wala pang tao sa loob kaya tahimik ang lugar. Binati sila ng barista at binati rin nila ito pabalik.

Naupo si Eury sa isa sa mga high chairs doon at sumunod lamang siya ngunit hindi muna umupo.

"So, what do you want? Don't hesitate, it's my treat." Malawak ang ngiti niya nang tanungin ang dalaga. Agad naman itong umiling.

"Hindi, wag na. Ako yung nagyaya so let me pay," mariing sagot nito.

"No, I'll pay. Anong gusto mong drink?" Syempre, hindi niya pagbabayarin ang dalaga. Swerte niya na nga dahil ito pa mismo ang nagyaya sa kaniya. Although, hindi siya sigurado kung date na nga talaga ito pero baka pwede na ring tawaging date. Friendly date.

2 Minutes, 23 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon