1' 24"

69 11 4
                                    


Tinignan ni Eury ang oras sa kaniyang wristwatch. Hindi pa naman late si Nina dahil napaaga lang siya ng dating sa meeting place nila.

"May hinihintay ba tayo?" Tanong sa kaniya ng walang kaalam-alam na si Drew.

Nginitian niya lang ito at hindi na nakasagot nang may magsalita mula sa likod nila.

"Eury?"

Sabay silang tumalikod ni Drew at nakita ang isang Nina na namumula ang ilong pati ang mga mata.

Agad silang lumapit sa kaibigan dahil sa pag-aalala.

"Oh my, Nina. What happened?" Hindi iyon pinansin ng dalaga dahil kunot noo itong nakatingin sa kanilang dalawa ni Drew.

"What's he doing here?" Tanong ni Nina sa kaniya na hindi nagtagal ang mga mata kay Drew.

"Uhm I-I... I uh..." Hindi makasagot si Eury. Sa isip niya ay nasapo niya na ang noo niya. It wasn't right to just bring someone with her nang hindi nalalaman ng taong nag-aya.

But it's Drew, she thought. Mas close pa nga ata ang dalawang iyon kaysa sa kanila ni Nina kaya akala niya ay ayos lang pero mukhang hindi nagustuhan ng dalaga.

Nag-away ba ang dalawa? Iyon lang ang pumasok sa isip niya.

"Ugh, Eury! He shouldn't be here!" Maluha-luhang sabi ni Nina bago ito tumalikod saka naglakad nang mabilis palayo sa kanila. Naroon lang ang sasakyan ng dalaga kaya nakaalis din ito agad.

Sa gulat sa inasta ni Nina ay hindi na nakagalaw agad sina Eury at Drew. Hindi man lang nila napigilan ang pag-alis ng dalaga.

"Nag-away ba kayo?" Di niya maiwasang itanong iyon kay Drew.

He only turned to her with a confused look on his face. "No... We didn't fight."

Then what was that about? Nag-aalala siya para sa kaibigan. Ngayon niya lang kasi ito nakita na magkaganoon.

"I need to go after her. Baka may nagawa akong masama nang hindi ko alam. Can I leave now, Eury?" Paalam nito sa kaniya. She can't help but admire Drew. He's such a nice guy.

"Yes, sure! Go ahead. Text or call me kapag nakausap mo na siya. I'll talk to her too," sagot naman ni Eury.

"Okay. Go home already, Princess. Ingat ka." Nagpaalam na si Drew saka pumara ng taxi para sundan si Nina. Napangiti rin siya nang tawagin siya nitong Princess. Pakiramdam niya talaga ay espesyal siya. Pero para sa kaniya, mas bagay si Nina kay Drew. Kung siya ay princess, dapat si Nina ang queen.

Napabuntong hininga siya. Sana ay kung ano man ang pinoproblema ni Nina ay maayos na.

Bago makasakay pauwi ay tumunog ang cellphone ni Eury. Nagtaka siya nang makita ang pangalan ng kaniyang Kuya na tumatawag sa kaniya. Agad niya itong sinagot.

"Eury, baby girl."

She unconsciously bit her lip when she heard her brother's voice calling her baby girl.

"Yes, Kuya?" She didn't mean for her voice to come out a bit raspy.

"May lakad ako ngayon. I'm heading out already. Magkikita lang kami ni Ax. I won't be out for too long."

2 Minutes, 23 SecondsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora