1' 26"

82 8 6
                                    


"Let go of me!!!"

Nang marinig iyon nila Eury ay agad silang napatayo para lumabas ng kwarto. Nadatnan nilang pinapaalis ni Stacey ang tatay nito.

"Bakit ba kasi pumunta ka pa dito?!  Why don't you just leave me alone?!" Sigaw pa nito.

Halos matumba naman ang tatay nito sa kakatulak ni Stacey kaya agad na lumapit ang Kuya niya para pigilan ang dalaga.

"Please, anak. Just listen to me. Forgive me. I'll do anything, anak. Please." Paulit-ulit itong nagmamakaawa sa anak nitong walang bahid ng awa sa mukha.

Stacey calmed herself after her father spoke then looked at Van and then at Eury. Saka nito ibinalik ang tingin sa tatay nito. "Anything?" A sly smile was forming on her face.

"Yes, anything. Just talk to me and please, give me a chance to be a father to you again," pagmamakaawa pa nito. Halos lumuhod na ito sa tapat ni Stacey at hindi mapigilan ni Eury ang pagpiga sa puso niya sa nakikita. Naaawa siya sa matanda. Halatang desperado na ito habang si Stacey ay bato pa rin.

Muling tinignan ni Eury si Stacey na mukhang pinag-iisipan ang sinabi ng tatay.

"Umalis ka na muna," mahinahon ngunit matigas na sabi ni Stacey. "We'll talk but not now, not here."

Hindi na namilit pa ang tatay ng dalaga at isang ngiti na lamang ang ibinigay sa anak, ngiti na na punong-puno ng pasasalamat.

Kita ni Eury na gustong lumapit ng tatay ni Stacey sa dalaga ngunit mabilis itong umiwas at umalis patungo sa kwarto ng kaniyang Kuya.

Mahinahong napaalis ng Kuya niya ang unexpected na bisita nila na may dalang bagong pag-asa.

Lalo tuloy na-curious si Eury pero ayaw niyang magtanong. Hindi niya naman kailangang malaman ang buhay ni Stacey eh.

Sumasakit lang ang puso niya kapag naiisip niya ang mga sinabi sa kaniya ng dalaga. Kung angkinin nito ang Kuya niya ay parang ito na talaga ang nagmamay-ari dito gayong hindi naman.

Kahit naman sabihing may gusto ang Kuya niya kay Stacey, hindi ibig sabihin nun ay pag-aari na nito ang Kuya niya.

Napapikit at napailing siya sa naisip. Matagal niya nang gustong malaman kung may gusto ba ang kaniyang kapatid kay Stacey pero natatakot siya. Pakiramdam niya kasi ay kahit sabihin ng Kuya niya na kaibigan lang nito si Stacey, baka may ibang totoong sagot. Natatakot siya na baka ang sagot ay yung bagay na makakasakit sa kaniya ng sobra.

Ngunit ayaw niya rin naman sa ideyang magiging magboyfriend ang Kuya niya at si Stacey. Hindi niya siguro kakayaning masaksihan iyon.

Ano nga ba talaga ang tunay na nararamdaman ng Kuya niya?

"Are you okay?" Mahinahong tanong sa kaniya ng Kuya niya na nasa tapat niya na pala. Masyado siyang naging abala sa pag-iisip na hindi niya na napansin ang paglapit sa kaniya ng kapatid.

"Y-Yes, Kuya."

Saglit silang natahimik at tila parehong nag-iisip. Ang Kuya niya ang unang bumasag ng katahimikan.

"Mamayang gabi nga pala, aalis ako. I need to drop by a friend's house."

Mabilis na napatingin si Eury sa kaniyang Kuya at awtomatikong napa-iling. Ang unang pumasok sa isipan niya ay maiiwan siya sa bahay nila kasama si Stacey.

2 Minutes, 23 SecondsWhere stories live. Discover now