1' 19"

96 9 11
                                    


Eury's lips parted. It was as if she was running out of breath and it immediately made her face her brother. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga mata ng kaniyang Kuya para hanapin ang ibig sabihin ng sinabi nito.

Maybe it was wrong to hold on to that promise. Isa pa, batang-bata pa sila noong ginawa nila iyon. Maybe her brother already feels trapped inside that pinky promise at dahil sa kaniya ay hindi nito magawang magkaroon ng girlfriend. Thoughts flooded her mind. What if na-in love na pala ang Kuya niya at hindi lang ito nagsasabi sa kaniya dahil sa pagiging childish nila? Baka masyado nilang sineryoso ang promise na iyon. What if he was already in love? Maybe with Stacey...and it's her fault kung bakit hindi pa ito maligawan ng kaniyang Kuya. Oh my gosh.

"K-Kuya. If you want to court Stacey, you could've just told me. That promise was childish, I know. Don't let it hold you back. Go on and let yourself be happy please," walang hinto niyang sabi. Pagkatapos magsalita ay lumingon siya sa tubig. Pakiramdam niya ay mali ang mga sinabi niya pero iyon ang lumabas sa bibig niya at iyon ang pagkakaintindi niya sa sinabi ng kaniyang Kuya. He wants to break off from that promise. That's why he took the consequence of drinking three glasses of water instead of answering. Para siguro makapagpaalam muna ito sa kaniya. Maybe, matagal na nitong gustong magkagirlfriend. Paulit-ulit na ang mga iyon sa isipan niya. Siya ang dahilan kung bakit hindi pa makapanligaw ang Kuya niya. Talagang hihintayin pa nitong mag-eighteen ito. "I'm sorry if that promise held you back."

Maybe, it's also the reason why Stacey had always been around them. Naghihintay lang siguro ang dalawa. Now I see. She agreed to her own thoughts.

Ibinalik niya ang tingin sa kaniyang Kuya at nakitang nakakunot ang noo nito. Confusion was painted all over his face.

"No," he said with a brittle voice. Mas nakikita niya sa mga mata nito ang reflection ng tubig dahil mismong mga mata nito ay nangingintab na. Ngayon niya lang nakita ang ganoong emosyon mula sa kaniyang Kuya. Hindi niya maintindihan.

Tumikhim ito na naging pag-ubo as if he was trying to get rid of something in his throat. Tumingin ito sa mga paa nito saka nagsalita. "Let's not ruin your birthday."

A frown was evident on her face. Tila kasi pinipilit ng kaniyang Kuya na tapusin ang pag-uusap nila gayong hindi pa malinaw ang gusto nitong ipahiwatig. There should be no secrets in this family. Iyon ang sinasabi sa kanila ng kanilang Tita noon pa para palagi silang nagkakaintindihan.

Kahit marami siyang gustong linawin sa kapatid ay hindi niya na lang ginawa. Baka kasi hindi pa ito kumportableng pag-usapan iyon. Para sa kanilang dalawa ay malaking bagay ang simpleng pinky promise na iyon. Mapako na lahat ng pangako nila sa isa't-isa, wag lang iyon. Hindi niya alam kung paano naging ganoon ka-importante pero naging ganoon na lang iyon at wala iyong problema sa kaniya. It is something that binds them.

Yinaya na siya ng kaniyang Kuya na bumalik sa kanilang cottage. Inilahad nito ang kamay nito para tulungan siyang tumayo ngunit nagdalawang-isip siya kung kukunin ba ang kamay o hindi. Hindi niya maintindihan kung bakit nagtatalo pa ang isip niya sa simpleng bagay tulad noon. Siguro ay dahil sa nangyari kanina nang pagdikitin ni Dea ang mga kamay nila ng kaniyang Kuya. Pakiramdam niya ay mali na tanggapin ang kamay ng kapatid niya dahil nakakatakot ang dala nitong kuryente.

She helped herself to stand up instead. Nahagip ng mata niya ang bakas ng lungkot sa mukha ng kaniyang Kuya.

It was a wrong move to try and ruin his sister's birthday pero hindi na napigilan ni Van ang kaniyang sarili kanina.

Sumunod na lamang siya sa kapatid na dahan-dahang naglalakad pabalik sa cottage nila.

"Oh, san kayo galing?" Salubong sa kanila ng kanilang Tita Mariella. Ang kanilang mga pinsan na kumakain ng tsitsirya ay napatingin sa kanila.

2 Minutes, 23 SecondsWhere stories live. Discover now