1' 25"

90 10 12
                                    


Isang taon na ang nakalipas mula noong mawala sa aksidente ang parehong magulang nina Van at Eury. Naunang namatay noon ang mommy nila at sumunod naman ang daddy ng mga bata ilang araw lang pagkalibing ng una. Simula noon ay tumira na ang kanilang Tita Mariella at ang buong pamilya nito sa bahay nila para magkaroon sila ng kasama dahil ang bahay ng kanilang Tita ay sa Bicol pa at hindi makalipat pa ang mga bata dahil mas gusto nila sa bahay na iyon. Pilit naman iyong inunawa nina Mariella at ng asawa nito.

Isang araw ay naglalaro ang anim na taong gulang na si Eury sa pambatang bike nito habang si Van ay nanonood naman ng cartoons sa loob ng bahay. Nakangiting pinagmamasdan ng kanilang Tita ang batang babae ngunit si Eury ay halata nitong hindi masaya. Tinawag nito ang pansin ng bata at agad naman itong lumapit.

"What's wrong, Eury?" Tanong nito saka hinagod ang likod ng bata. Kinuha nito ang lampin at pinunasan ang basang likod ni Eury. Inakay nito ang bata papasok ng bahay at pinaupo sa sofa katabi ng kapatid nito.

Inulit ng kanilang Tita ang tanong nito ngunit nakanguso lamang ang batang babae. Si Van naman ay curious na tinignan ang kapatid na nakasimangot.

"Pwede mo pong sabihin kay Tita? What's wrong?"

Tumingin si Eury sa Tita nito saka lumapit para bumulong dito. Napatakip naman ito ng bibig dahil sa narinig. 

Hindi nito inaakala na ganoon pala ang nasa isip ng bata.

"Pano mo nalaman 'yun?" Takang tanong nito sa pamangkin saka tinignan ang walang alam na si Van na para bang nagtatanong rin dito.

"I heard mommy and daddy t-talking about...about it," mahinang sabi ng batang si Eury habang pinaglalaruan ang mga daliri nito.

Hindi maiwasan ni Mariella na ma-amaze sa memorya ng bata ngunit nag-aalala rin siya dahil hindi niya alam na mismong ang bata pala ang may alam sa bagay na ito na hindi man lang nasabi ng mga magulang nila bago ito nawala.

Tumikhim ang kanilang Tita dahil para itong natuyuan ng lalamunan. Hinawi nito ang mga buhok na nakaharang sa mukha ng magandang bata.

"Let Tita tell you all about it."

Habang nagkukwento sa batang si Eury ay tahimik naman na nakikinig si Van na hindi na pinansing muli ang pinapanood na cartoons.

---

"Hmm..." Eury slightly groaned when she felt something heavy lying on her stomach. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at halos lumuwa iyon nang makita ang nasa harap niya. She was breathless and her mouth hung open while her heart instantly reacted to the wonderful view that she was seeing.

It was hard take it all in.

Katabi niya sa kama ang Kuya niya. Nakayakap ito sa kaniya. Napakalapit ng mukha nito sa kaniya. Kaunting galaw niya lang, baka magkapalit na sila ng mukha.

She took her time to stare at every inch of her brother's pale face. Natutuwa talaga siya sa complexion ng Kuya niya. May narinig na nga siya noon na tumawag sa Kuya niya na bakla dahil sa puti nito.

Napangiti siya sa naisip. Hindi naman mukhang bakla ang pogi niyang Kuya eh.

Natigil lang ang pagtitig niya sa natutulog na kapatid nang bumukas ng pagkalakas-lakas ang pinto ng kwarto niya.

2 Minutes, 23 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon