1' 52"

112 9 9
                                    


Stacey took the just-lit cigarette from Van's mouth. Of course, it made him angry. Sigarilyo na nga lang, kukunin pa sa kaniya.

"What the fuck, CC?" He huffed, his voice raspy.

Imbis na apakan o itapon ang sigarilyo, ang dalaga na lang ang humithit noon.

"Minura mo 'ko tas tatawagin mo akong CC," sagot nito.

Napahawak na lang si Van sa kaniyang ulo saka itinakip ang unan sa kaniyang mukha.

Walang katapusang bangungot.

Araw-araw, pagbubunganga ni Stacey ang sumasalubong sa kaniya. Kesyo iiwan niya raw ito at babalik siya sa kapatid niyang hindi niya naman tunay na kapatid.

Kung noon ay napagtitiyagaan niya pa ang kadramahan ni Stacey, ngayon ay hindi na. Sobra-sobra na ang pag-iinarte nito. Tama na ngang sakit ng ulo at puso ang paglayo niya kay Eury, dumadagdag pa ang kaartehan ni Stacey. Ano pa bang gusto nito?

Wala na lang siyang ibang magawa kundi lunurin ang sarili sa alak at sigarilyo. Iyon na lang ang ginawa niyang kundisyon kay Stacey para hindi niya ito iwan. Ngunit kahit gaano karaming sigarilyo at alak pa, hindi pa rin noon maiaalis ang sakit na nararamdaman niya. Napakalayo niya na kay Eury at ni wala siyang alam dito maliban lang sa mga pinopost nito sa social media. Maging iyon nga ay patago niya pang ginagawa sa takot na mahuli siya ni Stacey.

Bakit nga ba siya takot na takot?

Hindi niya rin ito magawang puntahan. He's trapped. All this time, nandoon lang siya sa apartment ni Stacey. Anong ginagawa niya? Sinasamahan, pinapakisamahan, binibabysit, inaalagaan si Stacey. Binabayaran ba siya? Hindi, pero may unlimited supply naman siya ng alak at sigarilyo.

Ni hindi na nga niya alam kung ano pa bang punto nitong kalokohang pinasukan niya. Para saan ba lahat ng ginagawa niya? Para pa nga ba kay Eury? Para pa nga ba sa babaeng minahal niya at minamahal pa rin?

Kung pwede lang mamatay sa pagpigil ng hininga, matagal na niyang ginawa.

Something was tickling inside him at hindi niya na napigilang umubo. Tumalikod siya kay Stacey sa kama at inalis ang pagkakatakip ng unan sa mukha niya. Kinuha niya mula sa side table ang luma niyang cellphone.  Nilingon niya muna si Stacey kung nakatingin ito sa kaniya at buti na lang at tumalikod na rin ito ngunit nagsisigarilyo pa rin. Kita na niya ngayon ang makinis na likod ng dalaga. Hindi na lang niya iyon pinansin saka muling tumalikod at umayos ng higa.

Ibinalik niya ang tuon sa hawak na cellphone. Agad niyang inunlock iyon at pumunta sa gallery. Hanggang ngayon ay gumagana pa rin ito dahil iningatan niya ito ng maayos at inilayo kay Stacey.

Pinagmasdan niya mula roon ang mga litrato ni Eury na kinunan niya noong huling araw na nagkasama sila.

Tuwing makikita niya ang mga ngiti ng babaeng pinakamamahal niya, lalong kumikirot ang puso niya. Sa bawat araw na hindi niya ito kasama, pakiramdam niya ay palayo siya nang palayo sa dalaga. Nawawalan siya ng pag-asa paminsan-minsan ngunit pinipilit niya pa ring gumising bawat araw. Nagbabakasakali pa rin siyang magbabago ang lahat. Baka magbago pa si Stacey.

He has to live for when that day comes.

Nakaramdam siya ng paghapdi ng mga mata. Pinigil niya ang mga luhang nagbabadyang tumakas mula sa mata niya dahil baka mahalata siya ni Stacey. Isinara niya na lang muli ang cellphone at itinago iyon sa side table.

Kaya lang hindi iyon pinapakialaman ni Stacey ay dahil na rin sa matinding pakikiusap niya noon. Iniisip niya na lang na mayroon pang natitirang kabutihan sa puso ng babaeng tinuring niyang kaibigan at kapatid.

Maya-maya pa ay nakaramdam na lang siya ng mga mumunting halik sa kaniyang likod paakyat sa kaniyang batok at balikat. Hindi niya na lang rin iyon pinansin at hinayaan na lang ang dalaga sa kahit anong balak nitong gawin. Imbis, ipinikit niya ang kaniyang mga mata at umasang mapapanaginipin niya si Eury.

Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, wala pa ring nagbabago. Katabi niya pa rin sa kama si Stacey na ngayon ay natutulog. Lumapit siya sa bintana at hinawi ang kurtina. Sunlight shone directly on his skin, causing him to peer at his own body.

Tinungo niya ang salamin sa banyo ng kwarto ni Stacey at doon ipinagpatuloy ang pagmamasid sa sarili. There were dark circles around his eyes. It wasn't appalling for him to see, or maybe he just got used to seeing himself that way. He obviously lost weight. Every time he would breathe, a stridor came. It wasn't all new to him. What was revolting was the swelling of his neck.

He tried to take it all in, the image of the unfamiliar man in the mirror.

"Bakit ka umalis?" Tanong ng dalagang nakatayo sa may pintuan ng banyo. Tinignan niya na lamang ito mula sa salamin. He's tired of answering back.

Sawa na siya sa kakasagot sa paulit-ulit nitong tanong araw-araw. Hindi ba nito nakikita na unti-unti na siyang namamatay sa piling nito? Araw-araw ay torture para sa kaniya dahil kinakain siya ng konsensya niya. Iniwan niya ang kapatid niya para sa kaibigan. Wala man lang siyang ibang naisip na paraan para mabago ang lahat noon. Kahit kailan talaga ay wala na siyang tamang ginawa lalo na kung tungkol sa kapatid niya, hindi, babaeng mahal na mahal niya.

Akala niya ay tama ang mga desisyon niya. But why does it feel like everything is wrong? All he ever put up with was suffering since he left Eury and made the biggest choice of his life. Bakit nga ba ngayon niya lang naisip na mali ang lahat ng ito? He should have known better. He should have known what Stacey could and could not do.

He wasted everything.

At ngayon, all he could do is waste his meaningless life.

"Sta—," he coughed first then called her again in his hoarse voice, "Stacey, please..."

What was he even pleading for? Stacey, please free me from your madness. Stacey, please let me be happy. Stacey, please let me go. He didn't dare. Wala rin namang point kung magmamakaawa pa siya ngayon. It's too late for that.

Hindi na niya nadugtungan pa ang sinasabi nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng ulo. Ininda niya na lang iyon at pinilit na magmukhang ayos lang siya. He stood straight, tried to focus on the tiles on the floor, and silently walked back to bed. He chose to ignore her. Enough is enough.

Nang makahiga sa malambot na kama, saka niya lang naramdaman ang pananakit ng katawan. His breaths were short and ragged. His mind tells him to rest but his body craves for more... More cigarettes. He needs it. Inabot niya ang isang stick at madaling sinindihan iyon. Kada hithit niya, pakiramdam niya ay kumakalma ang utak niya. What more if he did drugs? Pero noon pa ay itinatak na niya sa isipan niyang tama nang pang-aabuso sa katawan ang yosi at alak at ayaw na niyang dagdagan pa ng magpapakomplika ng bagay-bagay.

Ngunit nangangalahati pa lang siya, kusa nang umaayaw ang katawan niya sa sigarilyo. Kahit naman itigil niya ang isang stick na iyon, puno naman ng usok ang kwarto ni Stacey. Parang wala ring pinagbago. Sinubukan niya na lang huminga ng malalim saka inilapag sa ash tray ang sigarilyo.

Umupo siya sa kama at muling nakaramdam ng pagsakit ng ulo. Kung andito lang sana si Eury, may magmamasahe sana ng ulo niya. Kaso ay wala na. Iniwan niya si Eury.

There he realized that he didn't really need cigarettes nor alcohol. Ang tanging kailangan niya lamang ay si Eury at wala nang iba. Hinding-hindi iyon mapapantayan ni Stacey at ng yosi o alak. Si Eury lang. Si Eury lang ang makapagbibigay-kulay sa buhay niyang kakulay na ng abo at usok na pumapalibot sa kaniya.

He needs Eury right now. He badly needs her. He can't take it anymore.

His thoughts were broken by ceaseless coughs.

It was as if he was already going to spit his stomach out but no, it was the color of rust that showed on his hand. He coughed up blood again.

2 Minutes, 23 SecondsWhere stories live. Discover now