1' 23"

84 9 7
                                    


Maagang nagising kinabukasan si Eury. Kagabi ay napag-usapan na rin nila na sa kwarto ng kaniyang Kuya matutulog ang bisita nila habang si Van ay sa sofa na lang muna dahil hindi ito pumayag na matulog sa master's bedroom na dating kwarto ng kanilang mga magulang. Ayaw rin naman ng kaniyang Kuya na patuluyin si Stacey sa kwartong iyon kaya dun na lamang ito sa kwarto ng binata.

Nauna nang natulog si Eury kagabi dahil na rin sa sinabi ng kaniyang Kuya na kailangan niya raw magpahinga. Kaya ngayong umaga ay maaga rin siyang nagising.

Kinukusot niya pa ang mata habang pababa ng hagdan nang mapadako ang paningin niya sa kaniyang Kuya na natutulog pa rin sa sofa. Nilapitan niya ito dahil balikat lamang nito ang nakita niya.

Nawala ang natitirang antok sa katawan niya nang makita ang kanilang bisita na nakakulong sa mga bisig ng kaniyang kapatid.

Hindi alam ni Eury kung ano ang gagawin. Gigisingin niya ba ang kapatid o si Stacey? Hahayaan niya lang ba ang dalawa na magkayakap? Tila rin napako na ang mga paa niya sa kinatatayuan niya.

Nagitla siya nang gumalaw ang kaniyang Kuya pero nagawa niyang hindi mag-ingay kaya hindi nagising ang dalawa.

Mas ikinagulat niya nga lang nang humigpit ang yakap ng kaniyang Kuya kay Stacey.

Naguguluhan siya sa nakikita. Siguro nga talaga ay may relasyon na ang dalawa. Hindi naman siguro sila mapupunta sa ganitong ayos kung walang kung ano sa kanila.

Aalis na sana siya at hahayaan na lang ang dalawang natutulog nang matigilan siya. Muling gumalaw ang Kuya niya para lalong higpitan ang yakap kay Stacey ngunit rinig na rinig niya nang magsalita ito.

"Eury..."

Huh? Tulog pa rin ang kaniyang kapatid nang sabihin iyon. Ang unang naisip ng dalaga ay baka nananaginip ang kaniyang Kuya at sa panaginip na iyon ay akala nito, siya ang yakap-yakap nito.

Hindi niya maitangging natuwa siya sa naisip na iyon. Kaya lang ay kita naman niya na si Stacey ang nandoon. Napagdesisyunan niyang umalis na sa tapat ng dalawa. Kung anu-ano na kasi ang naiisip niya. Puro pa hindi maganda.

Dahil maaga pa naman, naisip niyang babalik na lang muna siya sa pagtulog.

Bago ipikit ang mga mata ay chineck niya muna ang kaniyang cellphone. May isang text doon si Drew na bumabati lang ng good morning. Hindi na siya nakapagreply pa dahil nakatulog na siya.

Alas nuwebe na nang muling magising si Eury.

Agad siyang nakaamoy ng nasusunog. Madali siyang bumaba at sinundan ang amoy. Tumambad sa kaniya si Stacey na may hawak na spatula at pawisan ang mukha.

"Stacey! Anong nangyari?" Tinignan niya ang stove at kumalma nang nasigurong walang apoy.

Hindi sumagot si Stacey. Imbis, inirapan pa siya nito. Napadako ang tingin niya sa kanilang mesa at doon ay may isang plato na mukhang uling ang laman.

Ah, I see.

Hindi niya tinawanan ang kanilang bisita kahit pa gustong-gusto niya. Hindi pala kasi marunong magprito si Stacey pero sumubok pa rin ito.

"At least you didn't burn the house down." She tried to smile at her to tell her that it was okay that she did a mistake. Kaya naman ni Eury na gumawa ng panibagong almusal.

Stacey rolled her eyes at her then dropped the spatula at the pan. "At least you didn't burn the house down," she mimicked Eury. Nayayabangan ang kanilang bisita sa kaniya.

"It was a compliment," paglilinaw ni Eury.

"Whatever."

Eury looked down as an apology to the older girl. Naisip niyang mabuti pang mag-set up na lamang siya ng lamesa.

2 Minutes, 23 SecondsWhere stories live. Discover now