Chapter 8 - Petition for Adoption

2.5K 148 14
                                    

"NAKU, Hon! Mabuti at bumalik ka. Eto 'yung wallet mo, nakalimutan mo." Sinalubong na ni Shane ang asawa. Ibinalik niya ang litrato sa loob ng wallet at iniabot ito kay Marlon.

"Oo nga, eh. Buti nakapa ko 'yung bulsa ko. Napansin ko agad na wala 'yung wallet. Nandiyan pa naman ang mga card ko, pati driver's license ko kaya no choice kundi bumalik dito."

"O, siya sige na. Umalis ka na at baka ma-late ka pa sa meeting mo."

"Sige... tatawagan na lang kita mamaya." Hinalikan ni Marlon sa labi si Shane. Mabilis lang. "Ako na lang ang magbubukas ng gate. Magpahinga ka na lang diyan," pahabol nito, tapos ay lumabas na ito ng silid.

Hindi naman nakapagpahinga si Shane. Hindi na kasi nawala sa isip niya ang litrato ni Marlon noong bata pa ito at ang pagiging look alike ni Gab dito. Kahit anong pilit niyang iwaglit sa isip niya, hindi niya magawa. Ang tanging konsolasyon na lang niya ay ang buo niyang pagtitiwala kay Marlon na kahit minsan ay hindi siya niloko nito.

"GOOD morning, Sir Rob!" bati ng janitor na si Tacio pagdaan ni Rob sa pasilyo kung saan ito nagma-mop ng sahig.

"Magandang umaga rin po, Mang Tacio," masiglang bati rin ni Rob kasabay ang matamis na ngiti. Diretsong naglakad si Rob patungong opisina. Pagpasok ay agad niyang binuksan ang kanyang kabinet kung saan niya itinatago ang mga importanteng dokumento ng kanilang tanggapan. Dito rin inilalagay ni Rob ang iba pang mga mahahalagang papeles.

Sa bandang ilalim ng kabinet ay kinuha ni Rob ang isang brown envelope at inilabas doon ang mga dokumentong may kaugnayan kay Gab. Narito ang birth certificate ng bata at pati na rin ang liham ni Shiela kay Rob na nagsasabing inihahabilin nito si Gab kay Rob.

Napabuntong-hininga si Rob. Kailangan na niyang kumilos para maging legal ang pagiging ama niya kay Gab. Gagawin niya ito dahil mahal na mahal na rin niya ang bata katulad ng kung gaano ito kamahal ni Pau.

Tinawagan ni Rob si Paulo.

"O, kumusta? Okay na ba 'yung mga dokumento?" agad na tanong ni Paulo.

"Oo, nandito na. Mamayang after lunch break na lang ako magfa-file ng petition for adoption."

"Rob..."

"Hmm... bakit?"

"Salamat, ha?"

"For what?"

"For doing this. For making sure that no one can take away Gab from us."

"Hindi mo naman kailangang magpasalamat. Plano ko nang gawin ito kahit 'di mo pa sabihin sa akin. Sa lahat ng pinagdaanan natin kasama si Gab, hindi ako makapapayag na may kukuha sa atin sa kanya. Magkamatayan na..."

KARARATING lang nina Gab at Imelda galing school nang may mag-doorbell sa gate.

"Gab, ilagay mo muna sa room 'yung bag mo. Titingnan ko lang kung sino ang dumating."

"Okay, yaya." At tumatakbong umakyat ng hagdan si Gab papuntang ikalawang palapag ng bahay.

"O, huwag kang tumakbo baka mahulog ka sa hagdan."

Muling tumunog ang doorbell.

"Sandali lang. Andiyan na." Nilakihan ni Imelda ang mga hakbang para mabilis na marating niya ang gate.

Nanlaki ang mga mata ni Imelda nang buksan niya ang gate at tumambad sa kanya ang hindi inaasahang bisita.

"Sir Marlon? Napadalaw po kayo?"

"Ah, nandyan ba si Gab?"

"Paano n'yo po nalaman na dito nakatira si Gab?"

"Ah, itinanong ko kay Shane. Gusto ko lang sana kasing makausap ang parents ni Gab."

"Wala po rito si Boss Rob at Boss Paulo. Nasa trabaho sila."

"Ah, ganoon ba?" Tila nalungkot si Marlon pero pagkuwa'y ngumiti at muling nagtanong kay Imelda. "Eh, si Gab, nasaan?"

"Yaya, antagal mo naman!"

"Gab!" Bigla ang kabang naramdaman ni Marlon pagkakita sa 'di nakikilalang anak.

"Sir Marlon? Are you with Teacher Shane?" nagtatakang tanong ng paslit na ngayon ay naglalakad papalapit sa dalawa.

"No, she's still in school. I just dropped by to see you." Malapad ang pagkakangiti ni Marlon. Ewan niya, pero 'di talaga niya maipaliwanag ang sayang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita niya ang batang ito na ang itsura'y tila kalahati ng kanyang pagkatao.

"Yaya, why don't you let him in. It's hot outside." Parang matandang tao kung magsalita si Gab.

"Oo nga pala. Sir, pumasok po muna kayo." Binigyan ni Imelda ng daan si Marlon para makapasok. Pagkatapos ay isinara niya ang gate at nauna nang naglakad kasunod sina Gab at Marlon.

"Maupo muna kayo. Maghahanda lang ako ng maiinom."

Naupo si Marlon habang ang tingin ay nakasunod kay Imelda na dumiretso sa kusina.

"Sir Marlon..."

"Ha?" Tila nagulat pa si Marlon sa pagtawag sa kanya ni Gab.

Amused na amused ang paslit sa itsura ni Marlon. "My dads are not here. Do you want to talk to them?"

"No. Not really. I just want to see you."

"Bakit po?" nagtatakang tanong ni Gab.

"Wala naman. Natutuwa lang kasi ako sa'yo. Siguro kung nagka-baby agad kami ni Teacher Shane baka kasinglaki mo na rin."

"Ahh, wala pa kayong baby ni Teacher Shane?"

Tumango si Marlon.

Noon dumating si Imelda dala ang isang tray na may pitsel na puno ng juice at dalawang baso.

"Uminom po muna kayo," paanyaya ni Imelda sa asawa ng guro ni Gab.

Nagsalin ng juice sa baso si Marlon. Ibinigay nito ang isang baso ng juice kay Gab.

"Asan ang mommy ni Gab?" biglang tanong ni Marlon kay Imelda.

"Mommy is dead." Si Gab ang sumagot sa tanong ni Marlon.

"Psst..." pagsaway ni Imelda kay Gab. "Masamang sumasali ang bata sa usapan ng matatanda. Doon ka na muna sa room mo. Mag-uusap lang kami ni Sir Marlon."

Tahimik na sumunod si Gab. Bitbit ang baso ng juice na pumanhik ito ng hagdan patungo sa silid nito sa ikalawang palapag ng bahay.

"Patay na pala ang mommy ni Gab," pasimpleng pagkuha ni Marlon ng kumpirmasyon.

Tumango si Imelda. "Matagal na rin. 'Di ko na nga siya naabutan."

"Anong ikinamatay ng mommy ni Gab?"

"Hindi ko rin masyadong alam ang kuwento, eh. Hindi naman ako nagtatanong sa mga boss ko."

"Sabagay..." pagsang-ayon ni Marlon sa sinabi ni Imelda. "Mahal na mahal siguro si Gab ng daddy niya."

"Ah, oo naman. Sobrang mahal si Gab nina Boss Rob at Boss Pau."

"Nag-asawa na pala ulit ang daddy ni Gab."

"Ha? Hindi!" mabilis na sagot ng yaya.

Nagtatakang napakunot-noo si Marlon. "Anong ibig mong sabihin na hindi?"

Bago pa nakasagot si Imelda ay nagulat na silang dalawa sa malakas na sigaw ni Gab.

"Yaya!!!"

Two Daddies and Me (Completed)Where stories live. Discover now