The Final Chapter (2)

3.2K 170 54
                                    

SA WAKAS ay nagkamalay na si Marlon. Nakita niya ang kanyang mga magulang na naroon din sa loob ng silid.

"Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" ang nag-aalalang tanong ng mama niya. Mula kanina pagdating nila ng ospital ay hindi nawala ang takot sa kanyang dibdib dahil hindi pa rin nagkakamalay ang kanyang anak. Sa pagmulat ng mga mata ni Marlon ngayon, kahit paano ay nabawasan na ang kanyang kaba.

"Nasaan si Gab... Kumusta ang anak ko?" Kahit nahihirapan ay pinilit niyang magsalita.

"He is still under observation. Don't worry too much son, everything will be okay," kalmadong sagot ng kanyang ama. He tried to sound that there is nothing to be worried about.

"Si Shane?" muling tanong ni Marlon. "Nagpunta na ba rito si Shane?"

"Nasa kabilang room si Shane. Nanganak na siya. Babae ang anak ninyo," pagbabalita ng kanyang ina.

"Ha?" gulat na reaksyon ni Marlon. "Nanganak na siya? Hindi pa siya due this week."

"Dala siguro ng stress, ayun napaanak nang wala sa oras ang asawa mo. Under observation din ang baby n'yo dahil premature."

Nanlumo si Marlon. Hindi mag-sink in sa utak niya ang mga nangyari."

"Huwag ka munang mag-isip, anak. Hayaan mong ang mga doktor ang kumilos para mapabuti ang kalagayan ng mga anak mo. Okay naman si Shane. Baka mamaya lang, pupuntahan ka niya rito." Ang ina niya ay hindi nagkulang sa pagpapaalala sa kanya.

Sinubukang kumilos ni Marlon pero nakaramdam siya ng sakit.

"Huwag ka munang magkikikos. Sariwa pa ang sugat ng pagkakaopera sa'yo. At maraming tinamong bugbog ang buong katawan mo. Kinailangan ka pa ngang salinan ng dugo dahil sa dami ng dugong nawala sa katawan mo. Mabuti na lang at magkatipo kayo ng dugo ni Rob," paliwanag ng kanyang ina.

"Rob?" nagtatakang tanong ni Marlon.

"Si Rob. Iyong daddy ng anak mo."

"Bakit siya?"

"Eh, sino ba dapat? Walang stock ng dugo itong ospital. Si Rob, nandito siya kanina. Kaya hindi siya nagdalawang-isip na magbigay sa'yo ng dugo."

Hindi nakapagsalita si Marlon.

"Magpasalamat ka sa kanya, anak. Parang siya na rin ang nagdugtong ng buhay mo."

"Good morning!" bati sa kanila ng doktor na pumasok sa loob ng kuwarto. "Gising na pala ang pasyente ko." Lumapit ito kay Marlon at muling nagtanong, "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Medyo nananakit lang ang katawan ko, doc. Itong opera ko, medyo kumikirot. Pero tolerable naman."

"Normal lang 'yan. Lipas na kasi ang epekto ng anaesthesia. Iyong pananakit ng katawan mo ay epekto ng pagkakabundol sa'yo ng jeep. But you'll be okay in a few days," paniniguro ng doktor. "May pupuntang nurse dito mamaya to check your vital signs at para ibigay rin 'yung reseta ng additional medicines na kailangan mong inumin. Pahinga ka na lang muna para sa mabilis mong paggaling. Don't stress yourself too much," payo ng doktor.
***
"DADDY... DADDY..."

Halos sabay na napamulat ng mga mata sina Pau at Rob. Silang dalawa ang nagbabantay kay Gab at nakaidlip na sila sa paghihintay na magising ang bata.

"Gab... are you okay?" Agad na lumapit si Pau sa paslit. Si Rob naman ay napasunod na rin.

"How are you feeling?" Nasa tono ni Rob ang pag-aalala.

"My head is aching," reklamo ni Gab.

"Lalabas ako, tatawagin ko ang doktor." Agad na lumabas ng silid si Pau. Nang bumalik ito ay kasunod na ang doktor na nagmo-monitor sa kondisyon ni Gab.

Two Daddies and Me (Completed)Where stories live. Discover now