Chapter 14 - Biyaya

1.7K 112 4
                                    

"HON, BUNTIS ako!"

At saka lang parang natauhan si Marlon. "Totoo? Tell me you're not kidding me." Parang batang pinangakuan ng isang magandang regalo ang lalaki.

"I am not kidding you." Masayang nakangiti si Shane na tila aliw na aliw sa itsura ng kanyang asawa. "Kanina sa school, nakaramdam ako ng hilo. Pumunta ako sa school clinic. Kaso nurse lang ang naroon kanina kaya I decided na dumaan sa OB ko after work. At ayun nga, confirmed na buntis ako. Six weeks na."

Nakarehistro ang labis na tuwa sa mukha ni Marlon. At last! Ibinigay din ng langit ang matagal na nilang ipinagdarasal.

Hindi napigilan ni Marlon ang kanyang sarili kaya bigla niyang niyakap nang mahigpit si Shane pagkatapos ay binuhat pa niya ito.

"Ayy! Teka, teka! Ibaba mo ako, hon!" tumitiling sabi ni Shane.

"No! Bubuhatin kita hanggang sa loob ng bahay. Baka matapilok ka pa diyan, mabungi pa si baby." Dahan-dahan nang naglakad si Marlon papasok sa loob ng bahay. Buong pag-iingat niyang buhat ang asawa hanggang sa makarating sila sa salas.

"Ibaba mo na ako, hon. Okay na ako rito," pagpupimilit ni Shane sa asawa.

"Sure?" Gustong makasiguro ni Marlon.

"Oo naman. Hindi naman ako mapapahamak dito. Nag-iingat naman ako siyempre," buong pagmamalaking sabi ni Shane.

Ibinaba na ni Marlon ang asawa. Iba ang kasiyahan niya ngayon. Ang tagal nilang naghintay na magbunga ang pagsasama nilang mag-asawa. Ginawa na nila ang lahat. Halos mawalan na sila ng pag-asa. Akala nila, hindi na talaga sila magkakaroon ng anak.

"Thank you, hon," maemosyonal na sabi ni Marlon habang nakatitig kay Shane. "I love you so much!" Hinagkan niya ang asawa sa labi.

Nakangiti si Shane pagkatapos ng halik na iyon. Buong lambing niyang sinabi kay Marlon, "Magiging tatay ka na..." At pagkatapos ay niyakap ni Shane ang asawa.

Natigilan si Marlon. Anong sabi ni Shane? Magiging tatay na siya?

No!

Matagal na siyang naging tatay. Si Gab! Si Gab ay anak niya at kailangang makuha niya ito sa lalong madaling panahon!

"Hon? Bakit?" Napansin ni Shane ang pagkatigalgal ni Marlon.

"Ha? Wala, sobrang masaya lang ako," pagsisinungaling nito kay Shane. "Hindi lang ako makapaniwala na magiging tatay na ako."

Hinawakan ni Marlon ang kamay ng asawa at inakay niya ito papunta sa sofa. "Halika, dito ka. Dito ka lang. Maupo ka lang dito habang nagluluto ako ng hapunan natin. I want to cook for you. I'll cook for you today. You'll be a queen for tonight."

Natatawang tiningnan ni Shane si Marlon. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Ako na lang ang magluluto ng dinner."

"Nope! You stay there. Relax. Manood ka ng tv para 'di ka mainip. Basta doon muna ako sa kusina." Kinuha pa niya ang remote control at binuksan ang telebisyon.

Nakangiting tumango si Shane. "Sige, ikaw ang bahala, hon."
***
"Daddy!"

Sinalubong ni Rob ang tumatakbong si Gab. Kararating lang niya galing sa school kaya ngayon lang siya nakauwi. Si Pau ay nasulyapan niyang papalapit na rin sa kanya.

"O, bakit gising ka pa? Late na, ah." tanong ni Rob sa paslit.

"I am still watching Spongebob. Daddy Pau allowed me to watch kasi Saturday naman po bukas, walang pasok sa school."

"Ah, ganoon ba?" Hinaplos niya ang buhok ng anak.

"Kumain ka na, nakahanda na 'yung food. Halika na. Mamaya mo na iakyat ang mga gamit mo," sabi ni Pau. "Umuwi nga pala si Imelda kasi a-attend daw siya ng PTA meeting bukas. Pinayagan ko na kasi wala naman tayong pasok bukas." Bumaling ito kay Gab. "Gab, umakyat ka na sa room mo. Matulog ka na if you're done watching Spongebob."

"Opo, Daddy Pau." Lumapit sa kanila ang bata at nag-goodnight kiss. "Goodnight, Daddy Pau. Goodnight, Daddy Rob." Pagkatapos ay nagtatakbo na ito papaakyat sa kanyang silid.

"O, dahan-dahan lang, huwag tumakbo!" paalala ni Pau kay Gab.

Nagsimula nang kumain si Rob. Gutom na talaga siya. Hindi na siya nakapag-snack kanina dahil naging abala siya sa pagbabasa ng lessons nila. Malapit na ang final exams kaya pinipilit na nilang tapusin ang natitirang topics sa libro. Sakto nga na natawag siya sa recitation. Nakasagot naman siya nang maayos kaya okay na okay na rin ang class standing niya.

"Tumawag na ba ulit si Marlon sa'yo?" tanong ni Pau na halata sa mukha ang pag-aalala.

Umiling si Rob. "Hindi pa. Kailangan nating maghintay."

"Paano kung pilitin niyang makuha sa atin si Gab?"

"Lalaban tayo. Hindi niya basta-basta makukuha si Gab nang basta ganoon lang."

"Alam kaya ni teacher Shane na may anak sa pagkabinata si Marlon?" bigla ay naitanong ni Pau.

"Hindi ko alam. Siguro alam niya, asawa niya 'yun, eh."

"Tingin mo ba ipagtatapat kaagad ni Marlon kay Shane ang totoo?" Parang may kung anong ideyang nabubuo sa utak ni Pau. "Para kasing si Shane 'yung tipo ng tao na sobrang magtiwala, kaya kapag niloko, sobrang galit din ang mararamdan niya para doon sa taong nanloko sa kanya."

"Ano ang pinupunto mo?" tanong ni Rob.

"Blackmail!" bulalas ni Pau. "Kung ipipilit ni Marlon ang gusto niya na kunin sa atin si Gab, ibubulgar ko kay Shane ang kalokohan niya."

"Paano kung alam naman pala ni Shane ang tungkol dito? Sa tingin mo ba, maglalakas -loob si Marlon na dalhin sa korte ang usaping ito kung hindi pa nalalaman ng asawa niya? Baka pagtawanan lang tayo ng gagong 'yun."

"Wala namang mawawala kung susubukan natin. Paano kung tama pala ang hinala ko na wala pang kaalam-alam si Shane sa kalokohan ni Marlon? Eh, 'di pabor sa atin ang sitwasyon."

"Pau, wala namang guarantee na hindi matatanggap ni Shane si Gab."

"Oo, naroon na ako. Madali naman talagang matanggap si Gab. Pero 'yung panloloko ni Marlon kay Shane, iyon ang hindi katanggap-tanggap at maaari nilang pag-awayan at pag-umpisahan ng hiwalayan."

"Jesus! Gagawin mo 'yan? Masisira ang pagsasama nila." Parang hindi sang-ayon si Rob sa naiisip na gawin ni Pau.

"At ano ba ang tawag sa ginagawa ni Marlon sa atin? Hindi ba sinisira din niya ang pamilya natin? Ang tagal niyang wala sa eksena. Lumaki si Gab na hindi siya kilala. Tapos ngayon darating siya para kunin ito? Ngipin sa ngipin, Rob. Kung kaya niyang mangagat, kaya ko rin!"

Napabuntong-hininga na lang si Rob. Sanay na siya kay Paulo. Kapag may naisip itong gawin, gagawin talaga nito. Walang sino mang makapipigil dito. Kahit siya pa.

"Hintayin na lang muna natin kung ano ang sunod niyang gagawin. Huwag tayong magpadalus-dalos. Hindi tayo pupuwedeng magkamali ng hakbang dahil maaaring mawala sa atin si Gab sa isang iglap lang."

Isang irap lang ang isinagot ni Pau sa sinabi ni Rob. Sa isip nito, alam na niya ang tamang gagawin para hindi sila maging sunud-sunuran sa mga gusto ni Marlon.

Two Daddies and Me (Completed)Where stories live. Discover now