Chapter 25 - New Home

1.7K 138 31
                                    

MASINSINAN ANG pag-uusap nina Rob at Atty. Cervando.

"Ano na ang susunod nating hakbang, atorni? Wala na sa akin si Gab. Paano natin mababawi amg anak ko?" Ayaw mang ipakita ni Rob ang nararamdamang tensyon ay halata naman sa kanyang tinig.

"We will be filing a motion for reconsideration. We have slim chances but we'll still try just the same. We will exert all possible legal remedies available," paniniguro ng abogada.

"Salamat, atorni. Nalulungkot lang talaga ako sa naging desisyon ng korte. Although inaasahan ko na iyon, hindi pa rin pala ako handa kapag nangyari na."
***
"Iuwi mo na po ako, Sir Marlon. I don't want to stay here. Ibalik mo na ako sa Daddy Rob ko," umiiyak na sabi ni Gab. "Hinihintay na ako ni Daddy Pau. Teacher Shane, iuwi mo na po ako." Mula pa kanina pagdating nila sa bahay ni Marlon ay hindi pa ito humihinto sa pag-iyak. Naghalo na ang pawis at luha ng bata at sobrang nakakaawa na ang itsura nito. Sinubukan na rin itong pakalmahin ni Shane pero wala itong ibang bukambibig kundi ang pagnanais na makabalik na sa kanyang Daddy Rob at Daddy Pau.

"Ano na ang gagawin natin? Mukhang walang balak huminto sa pag-iyak si Gab," kinausap ni Shane ang asawa.

"We can't give him back to them. Korte na ang nagdesisyon na ako ang may full custody sa bata kaya dapat lang na dito siya tumira. Paano niya ako matatanggap bilang ama niya kung hindi siya titira rito?"

"Then we need to at least do something that will make him agree to stay here," giit ni Shane.

"Do you have any suggestion?"

"Why don't we get his yaya to stay here as well?" suhestiyon niya. Kilala niya si Imelda at alam niya kung gaano rin ka-close si Gab dito.

"Tama ka. Tutal, ikukuha ko rin naman siya ng yaya. Mas mabuti nga siguro na iyong dati niyang yaya ang kunin natin. Salamat, hon." Hinalikan ni Marlon sa noo ang kabiyak.

"Ako na ang tatawag kay Rob," saad ni Shane.

"That would be better."

Kinontak ni Shane si Rob sa celfone nito.

"Hello..."

"Rob, si Shane ito..."

"Yes, I have your number."

"Tumawag ako to ask for the contact number of Imelda, Gab's nanny. We are planning to get her para siya na rin ang mag-alaga kay Gab. We don't want to add insult to the injury pero iyon kasi ang nakikita naming paraan para ma-comfort si Gab. He has been crying kanina pa. Ayaw niyang huminto. Naaawa na ako sa bata," mahabang paliwanag niya kay Rob.

"Kakausapin ko si Imelda. Tatawagan kita pagkatapos naming mag-usap," pangako ni Rob.

"Salamat, Rob. Let us not take this case as a personal battle. Sana kahit napunta kay Marlon si Gab, ay maging maayos pa rin ang samahan natin. Kakausapin ko si Marlon para pupuwede ninyong dalawin si Gab sa bahay anytime. Kukumbinsihin ko siya na huwag ilayo sa inyo ang bata. I think that is fair enough para na rin sa ikabubuti ni Gab."

"Ikaw ang bahala. But the court battle is not yet over," sagot ni Rob.

"Yes, aware naman kami roon. But for now, habang nasa amin si Gab sana let's work together para hindi maging mahirap sa bata ang bago niyang sitwasyon at environment sa ngayon."

Bumuntong-hininga si Rob. "Sige, Shane... Tingnan natin."
***
NANG MAKAUWI ay hinanap ni Rob si Imelda.

"Bakit, boss?"

"Papakiusapan sana kita kung puwedeng ikaw na rin ang mag-alaga kay Gab doon sa bahay ni Marlon."

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Pau.

"Tumawag sa akin si Shane. Hindi raw tumitigil sa kaiiyak si Gab kaya napagdesisyunan nilang si Imelda ang kuning yaya."

"Hindi talaga hihinto sa pag-iyak iyon. Siyempre, hindi naman sanay sa kanila iyong bata. Bigla-bigla iba na ang bahay niya. Iba ang mga kasama niya. Kahit sinong bata mabibigla kapag ganoon," argumento ni Pau.

"Kaya nga ginagawan nila ng paraan na mabigyan si Gab ng kasama na kilala at kasundo na niya," deklara ni Rob. "Ano, Imelda payag ka ba?"

"Okay lang sa akin, boss. Kailangan ko rin naman talaga ng trabaho, eh. Mabuti na rin na si Gab pa rin ang aalagaan ko," sabi ng yaya. "Pero mami-miss ko kayong dalawa."

"Puwede ka namang dumalaw rito anytime," sambit ni Pau. "Alam mo namang pamilya na ang turing namin sa'yo."

"Tatawagan ko muna si Shane para sabihing pumayag ka na." Dinukot ni Rob ang celfone sa bulsa at kinontak ang asawa ni Marlon. Ilang beses din niyang narinig na nag-ring ang telepono bago may sumagot.

"Rob?"

"Yes, si Rob 'to. Nakausap ko na si Imelda at pumayag na siyang alagaan si Gab."

"Salamat, Rob. Ipapasundo ko siya kay Marlon ngayon. Okay lang ba?"

"Sige, okay lang naman."

Sumenyas si Pau kay Rob na gusto niyang kausapin si Shane.

"Kakausapin ka raw ni Paulo," abiso ni Rob sa kausap. "Ibibigay ko sa kanya ang telepono."

"Go ahead..."

Ipinasa niya kay Pau ang celfone.

"Hello, Shane... Kumusta na si Gab? Umiiyak pa ba siya?"

"Nakatulog na siya kaiiyak. Sobrang naaawa ako sa kanya. Sana paggising niya hindi na siya iiyak muli, which I doubt. Kabisado ko ang ugali ng mga bata."

"Ipasundo mo na lang kaagad si Imelda rito para paggising ni Gab ay nandyan na siya. Kabisado ni Imelda ang lahat ng gusto at ayaw ni Gab. At magkasundong-magkasundo sila," gumaralgal ang tinig ni Pau. "Shane, huwag n'yong pababayaan si Gab, ha? Mahal na mahal namin siya. Alam kong alam mo iyon." Muli ay napaiyak na naman siya. Madali talaga siyang maging emosyonal kapag tungkol kay Gab ang usapan.

"Maaasahan mo, Pau. Ituturing ko siyang tunay na anak. Ibibigay ko sa kanya ang pagmamahal na katulad ng ibinigay ninyo." Naramdaman naman ni Pau ang sinseridad sa boses ng kausap.

"Salamat Shane. Ibabalik ko na kay Rob ang telepono."

"Hello, Shane... Hihintayin na lang namin si Marlon rito para sunduin si Imelda."

"Salamat, Rob..." Pinuntahan ni Shane ang asawa na nasa kabilang silid. "Nakausap ko na si Rob. Puwede mo nang sunduin ang yaya ngayon. Pumunta ka na habang tulog pa si Gab. Baka mag-iiyak na naman iyon paggising."

"Oo, magpapalit lang ako ng t-shirt," sagot ni Marlon na nagmamadaling nagtungo sa kanilang silid para magpalit ng damit.

Pinagmasdan ni Shane ang natutulog na paslit. Tila ito isang munting anghel na nakapikit. Isang munting anghel na sa isang iglap ay nagbago ang kapalaran at napalitan ang kinikilala nitong mga magulang.

Two Daddies and Me (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ