Chapter 12 - Kutob

2K 138 16
                                    

"GOOD MORNING, class!"

Sabay-sabay na sumagot ang mga batang estudyante. "Good morning, Teacher Shane!"

"So, kumusta naman ang weekend n'yo? Anong ginawa n'yo?" tanong ni Shane.

"Teacher!" Nagtaas ng kamay ang isang batang lalaki.

"Yes, Terrence."

"I went to the mall with my mom and dad to watch a movie. After that, we ate dinner before going home."

"That's good. Did you enjoy the movie?"

"Yes, teacher." Matamis ang pagkakangiti ni Terrence.

"How about you, Janna? What did you do last weekend?" nakangiting tanong ni Shane.

"I just stayed home, teacher," matipid na sagot ng bata.

Nagtaas ng kamay si Gab. "Teacher!"

"Yes, Gabriel. Do you want to say something?"

"Last weekend, we went to the house of my Lola Minda. We visited her since I have not seen her for a long time already and I am missing her so much'" sinserong sabi ni Gab.

"Oh, that's so sweet of you," pagpuri ng guro sa bata.

"Then I asked Lola Minda if I can have a picture of my mommy so that I can always look at the picture whenever I want to see mommy," pagpapatuloy ni Gab.

Tahimik na nakikinig ang mga kaklase ni Gab. Si Shane naman ay sabik ring marinig ang kuwento ng estudyante niya.

Saglit na huminto sa pagsasalita si Gab upang kunin ang isang bagay sa loob ng bag nito. "Here, Teacher Shane. Look at this. This is the picture of my mommy. Her name is Shiela," buong pagyayabang na sabi ng bata. Lumapit pa ito sa kinaroroonan ni  upang ibigay ang litrato.

Inabot ng guro ang litrato at tiningnan ang imaheng naroroon. Maganda ang mommy ni Gab at mukhang mabait. Bigla ay nakaramdam ng lungkot si Shane para sa bata. Napakaagang nawala ang mommy nito at hindi man lang naranasang matikman ang pag-aalaga ng isang ina.

"My mommy was beautiful, 'di po ba Teacher Shane?" Mas lalong naging cute si Gab sa paningin ng guro.

"Oo, your mommy was so beautiful. Wherever she is, I know that she is very proud of you because you grew up to become a very loving and sweet child." Totoo sa loob ni Shane ang mga sinabi niya. Isa si Gab sa mga batang kilala niya na very vocal sa pagpapakita ng emosyon sa mga taong mahalaga rito. Nakakalungkot lang na si Gab ay maagang nawalan ng ina. At siya naman ay matagal nang naghihintay na magkaroon ng anak.

Nakakaloko ang tadhana kung minsan. Parang nananadya. Hindi mo alam kung sinusubukan ka lang ba o iniinis lang talaga. 'Yung iba na gustong-gustong magkaanak, hindi nagkakaroon. Samantalang 'yung iba, ang bilis makarami ng anak. Parang namumulot lang ng anak sa kalye.

"Good morning! Can I come in?" Isang tinig na galing sa may pintuan ng classroom ang kanilang narinig.

Nagulat pa si Shane nang makita kung sino ang nagsalita. "Hon? What brought you here?"

"May meeting ako malapit lang dito. Katatapos lang, so naisipan kong dumaan na rito. Miss na kita, eh." Lalong gumuwapo si Marlon sa pagkakangiti nito sa asawa.

Maagap na binati ng mga bata ang bisitang dumating. "Good morning, Sir Marlon!"

"Good morning, kids!"

Pumasok si Marlon at ibinigay ang dala-dala nitong paper bag sa asawa. "Eto, ibinili na kita ng lunch mo. Dito na sana ako kakain kaso may meeting pa ako sa office kaya hinatid ko na lang sa'yo ito."

"Thank you. Sana hindi ka na nag-abala. May mabibili namang lunch sa canteen."

Hindi na nakasagot agad si Marlon dahil napako ang tingin nito kay Gab. "Hello, young man!"

"Hello, sir!" alistong sagot ng bata. "I brought a picture of my mommy so Teacher Shane can see her."

Napatingin si Marlon kay Shane. At noon lang niya napansin ang hawak nitong litrato. Muli itong bumaling kay Gab at nagtanong, "Can I also see the picture of your mom?"

Walang pag-aalinlangang tumango ang bata. "Of course!" Nakangiti pa ito habang nagsasalita.

Iniabot ni Shane kay Marlon ang litrato.

Hindi inaasahan ni Marlon ang makikita niya sa larawan. Hindi na niya kailangang mag-isip. Hindi niya kailangang magdalawang-isip. Ang babae sa larawan ang ay babaeng naka-one night stand niya isang linggo bago sila ikasal ni Shane.

"Bakit, hon?" Napansin ni Shane na tila natigilan si Marlon.

"S-she's beautiful...," tanging naisagot ni Marlon.

Tumango si Shane. "I agree. Sayang, nawala siya kaagad."

"O, paano? Mauuna na ako. May meeting pa ako sa office." Isinoli ni Marlon kay Gab ang litrato tapos ay bumaling sa mga estudyante ng asawa. "Goodbye, kids!"

"Goodbye, Sir Marlon!" Masayang tugon ng mga bata.

"I'll go ahead, Gab," baling ni Marlon sa paslit.

Tumango lang ang bata kasabay ang isang matamis na ngiti. Gustong yakapin ni Marlon si Gab pero pinigilan nito ang sarili.

Inihatid ni Shane ang asawa sa labas ng classroom at bago ito tuluyang umalis ay ginawaran nito si Shane ng halik sa labi.

"You take care, hon," bilin ni Shane.

"I will!" Lumakad na si Marlon papunta sa nakaparada nitong kotse.

Habang nagmamaneho pabalik ng opisina ay malalim ang iniisip ni Marlon. Mas lalong tumitindi ang hinala niya ngayon na si Gab ay anak niya. Una, kamukhang-kamukha niya ito noong bata pa siya. Ikalawa, anak ito ng babaeng nakatalik niya noon. Malaki ang tsansang nabuntis niya ang babae sa minsan nilang pagtatalik. Ngayon lang siya kinutuban nang ganito katindi kaya alam niya sa sariling may pinanggagalingan ang kanyang nararamdaman.

Kailangan niyang makumpirma ang matagal na niyang hinala. Kailangan niyang makausap sina Paulo at Rob upang maging maliwanag ang lahat. Hindi na siya makakapaghintay pa. Kailangang malaman niya kung anak nga ba niya talaga si Gab. Kung kinakailangang mag-request siya na ipa-DNA ang bata, gagawin niya upang lumabas lang ang katotohanan!

Kinuha ni Marlon ang kanyang cellphone at tinawagan ang isang numerong matagal nang naka-save sa kanyang phone book. Numero iyon ni Rob na palihim niyang kinuha sa cellphone ni Shane. Naka-save kasi sa telepono ng asawa niya lahat ng contact numbers ng mga magulang ng mga estudyante nito. Pati numero ni Paulo ay kinuha din niya. Alam niyang isang araw ay kakailanganin niya ang mga numerong ito.

Nag-ring ang cellphone ni Rob at ilang saglit lang ay may sumagot sa tawag ni Marlon.

"Good morning! Who's this?"

"Rob, this is Marlon. I would like to ask for an appointment with you. I would like to talk to you about Gab." Seryoso ang boses ni Marlon nang sumagot at punong-puno ng awtoridad.

Hindi na kailangang tanungin pa ni Rob kung sinong Marlon itong tumatawag. Sa sagot pa lang nito, alam na niyang ito si Marlon na asawa ng guro ni Gab. Si Marlon na tunay na ama ng batang itinuturing niyang totoong anak.

Two Daddies and Me (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora