Chapter 10 - Masayang Sandali

2.3K 124 8
                                    

"SERYOSO ka?"

"Oo, hon. I want a baby in our home. Gusto kong may inaalagaan tayong bata sa bahay," sigurado sa desisyon niya si Shane.

"Kung mag-aampon tayo, you want a baby or a toddler?" tanong ni Marlon.

"Kahit ano. Basta gusto ko, may anak na tayo. It doesn't matter to me if it would be an infant or a toddler. Though mas okay sana for me kung baby pa talaga para ma-experience natin how is it like to be first time parents. 'Yung magtitimpla ng gatas sa gabi, magpapalit ng diapers, at iba pa."

"We're both working, we will be needing a nanny to do that."

"But we can still try doing it anytime, kahit may nanny to take care of the baby."

"Saan naman tayo kukuha ng baby na aampunin?"

"Sa mga orphanage. Marami roon, 'di ba?"

"Mahabang proseso."

"Kahit na. At the end of the day, we will still have a baby na puwede nating iuwi sa bahay at ituring na tunay nating anak. I really love to have a child, hon. Sana pumayag ka."

"Let's see. Hanap tayo."

"Talaga?" Hindi maipaliwanag ang saya sa mukha ni Shane. "Payag kang mag-ampon tayo?"

"Well, if that would make you happy. Bakit ko naman hahadlangan ang kaligayahan ng babaing mahal ko?" Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Marlon sa asawa.

"Oh, I love you, hon! I really do. Thank you." Biglang niyakap ni Shane si Marlon.

"Opps, teka baka mabangga tayo."

Kumawala si Shane sa asawa. "I'm really happy, hon. Salamat talaga."

"DADDY Pau!"

"O, bakit 'di ka pa natutulog?"

"Wala pa si Daddy Rob, eh. Hindi pa ako naggu-goodnight kiss sa kanya."

Napangiti si Pau. "Ang sweet naman ng baby ko. Eh, sa akin? Wala ba akong goodnight kiss?" sabi ni Pau na inilapit pa ang pisngi niya sa mukha ni Gab.

"Siyempre, meron!" At biglang hinalikan ng bata sa pisngi si Pau. "Goodnight, Daddy Pau."

"Goodnight, baby. Matulog ka na, ha? Huwag mo nang hintayin si Daddy Rob kasi nasa school pa siya. Mamaya pa siya uuwi and it's already late. You need to sleep na kasi may pasok ka pa bukas."

Tumango si Gab. "Yes, Daddy Pau."

"O, siya. Go back to your room now and sleep."

Agad na sumunod ang paslit. Naiwan sa silid si Pau. Katatapos lang niyang maligo at hindi pa gaanong natutuyo ang kanyang buhok. Kinuha niya sa mesitang katabi ng kama ang librong hindi pa niya tapos basahin at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Nakakailang pahina pa lang siya ng nababasa nang dumating si Rob.

"O, kumusta ang klase?"

"Ayos lang. Mahirap pero kaya naman."

"Konting panahon na lang magiging abogado ka na. Kakain ka na ba?"

"Hindi na. Kumain na ako sa school. Maliligo na lang ako para makatulog na tayo."

"Sige..."

Hinubad lang ni Rob ang suot, kinuha ang puting tuwalya sa aparador at pumasok na sa banyo. Bumalik naman si Paulo sa pagbabasa.

Ilang sandali lang na nagtagal si Rob sa loob ng banyo. Nang lumabas ito ay nakatapis lang ng puting tuwalya. Hindi nakawala na paningin ni Pau ang kaaya-ayang kakisigan ni Rob. Sa tingin niya ay mas lalo pang gumanda ang katawan nito. Mas maganda kaysa noong una silang nagkakilala.

Napansin ni Rob ang 'di maalis na tingin sa kanya ni Pau. "Bakit ganyan ka kung makatingin?" pagpuna niya rito.

"Ha?"

"O, wala ka pa sa sarili mo. Sabi ko, bakit kung makatingin ka eh parang gusto mo akong kainin nang buhay?"

Pilyo ang ngiting pinakawalan ni Pau. "Wala naman. Napansin ko lang na gumanda pang lalo ang katawan mo. Mas naging delicioso!" sabay halakhak.

"Baliw! Ikaw talaga. Pinagtritripan mo na naman ako," sabi nito habang nagbibihis.

"Hindi, ah. Trip ba 'yung napansin kong mas nag-improve ang body built mo? Samantalang ako, ganito pa rin."

"At least na-maintain mo naman ang katawan mo. In four years, hindi ka tumaba. Wala ka pa ring tiyan kahit malakas kang kumain at hindi ka nag-gy-gym."

"Well, it's in the genes. Buti na lang talaga hindi ako tabain. Kung nagkataon, baka ipinagpalit mo na ako sa iba."

"HIndi mangyayari 'yun. We've been through a lot. Ngayon pa ba tayo magkakasira? Parang ang tanga ko lang kung gagawin ko 'yun." Nakabihis na si Rob. Blue shorts at puting sando. Ang presko-presko nitong tingnan kaya lalo nang namungay ang mga mata ni Pau habang nakatitig dito.

"O, baka kung inaano mo na ako niyan, ha?"

"Anong inaano?"

"Baka pinagnanasaan mo na naman ako," natatawang sagot ni Rob.

"Tse! Feeling guwapo."

"Guwapo naman talaga, ah!"

"Oo na."

"Bakit? Totoo namang guwapo ako." Mas lalo pang gumuwapo si Rob nang ngumiti ito nang ubod tamis kay Pau.

"Yabang mo. Hindi ka na talaga naghintay na manggaling sa akin ang papuri. Binuhat mo na agad ang sarili mong upuan."

"I'm just telling the truth. What's wrong with that?" argumento ni Rob.

Nagkibit-balikat si Pau. Ano pa bang isasagot niya eh tama naman si Rob? Guwapo naman talaga ito, walang duda ro'n.

"See?" panunudyo ni Rob. "You chose to remain silent. Does it mean nag-a-agree ka na sa 'kin?" Sumampa sa kama si Rob at humiga sa tabi ni Pau.

"Sige na, panalo ka na."

Nginitian ni Rob si Pau. Matamis. "Matulog na tayo."

"Nagbabasa pa ako. Mauna ka na," sagot niya.

"Itabi mo na 'yang libro. It's already late. We need to sleep, may work pa tayo bukas."

"Mauna ka na nga, sandali na lang 'to."

Biglang inagaw ni Rob kay Pau ang libro. "I'm not giving this to you. We're gonna sleep."

Pau rolled his eyes. "Okay, let's sleep then."

"Are you mad?"

"Of course not," mabilis na sagot ni Pau. "Just submissive."

"Why?"

"Anong why?"

"Why are you submissive?"

"Inaantok na ako. Matulog na tayo. Kaloka ka."

Muling ngumiti ng matamis si Rob. At bago pa nakakilos si Pau ay nahalikan na siya nito sa labi. Akala ni Pau ay tipikal na goodnight kiss lang 'yun pero nagtagal ang labi ni Rob sa mga labi niya. May halong pananabik ang halik ni Rob. Tinutupok nito ang katinuan ni Pau hanggang tuluyan na itong madarang. Buong layang gumanti si Pau sa kapusukan ni Rob.

Malalim na ang gabi. Sa labas ay makikitang dahan-dahang natatakpan ng itim na ulap ang buwan. Sa silid nina Rob at Pau ay patay na rin ang ilaw. Pero sa madilim na silid na iyon ay hindi pa rin humuhupa ang init ng kanilang mga katawan.

Two Daddies and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon