Chapter 2: You're going to leave me, whether you like it or not.

18.4K 290 26
                                    

C H A P T E R - T W O

Alexis' POV

Kinabukasan ay lumipat kami sa condo. Not that big pero at least may matitirhan ako -- kaming dalwa ng 'maid at tutor' ko (as she puts it that way) habang nandito kami.

"Rule no.1: Wala kang dadalhing babae sa condo mo hanggat hindi ka pa nakakatapos ng pag-aaral." 

Napatayo ako dahil sa sinabi nya. "What?!" 

"Do you want me to repeat what I said?" Sarkastiko nyang tanong sakin.

I pressed my lips at umupo ulit. For pete's sake! Babae lang ang nagpapaligaya sakin tapos ipagdadamot pa?

"Rule no.2: No sex allowed." 

"Well, let's see." I gave her a seductive smile and she glares at me. "Akala ko ba maid at tutor lang kita? Pero bakit nangingialam ka sa personal life ko?" I gave her a playful smirk at tinitigan ko ang kabuoan nya. "Okay lang. Mapagtiyatiyagaan naman kita-- aray!" Napasigaw ako dahil sinuntok nya ako sa mukha. Shit. Dumugo yung ilong ko. 

"Subukan mong bastusin ako, hindi lang ilong mo ang mababasag!" Matigas nyang sabi at naglakad sya papunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala dala syang cotton balls and she handed it to me.

"Oh, ilagay mo sa ilong mo." 

"Tss." Reklamo ko sabay kuha sa cotton balls.

Itinuon nyang muli ang attensyon sa rules and regulations na ipinadala ni Daddy. Pati nga ang allowance ko ay siya rin ang hahawak. Ngayon lang ako nakatagpo ng maid na siya ang may hawak sa lahat! Pati ang pera ko, siya din ang may hawak! Good! Very good! Maybe she's not a maid, maybe she's my temporary mother. Haha. 

"Is there any problem?" 

"Ha?" 

"Bakit ka tumatawa?" 

"Did I?" 

"You did." 

"Oh sorry. I thought you're my mom." 

Tinaasan lamang nya ako ng kilay at pinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Rule no.3: Dapat kang mag-aral ng mabuti." 

I nodded and gave her a wink. Napailing siya at binasa ang kasunod na rule. 

"Rule no.4: Hindi ka pwedeng mang-agaw ng girlfriend ng iba." 

"SERIOUSLY?" 

"Seriously." Kalmadong sagot niya.

Napahawak ako sa noo ko. Yeah right! Hindi ko pwedeng sisihin ang babaeng nasa harapan ko ngayon dahil pinadala lamang siya ng mabait kong ama. Ano pa nga ba ang pwede kong gawin? Pero as if naman na susundin ko ang lahat ng rules na yan. This is my life, at walang makakapigil sa lahat ng pwede kong gawin. Not even my Dad.

"Rule no.5: You will going to respect Ms.Aria Celestine Gomez." 

Napatingin ako sa kanya. "Tingnan natin kung marerespeto ko pa ba ang babaeng tulad mo." Matalim ko siyang tinitigan at ganun din siya sakin.

"Tingnan din natin kung makakakain ka sa loob ng ilang araw kung hindi mo ako rerespetuhin." Napataas ang isang kilay nya.

"Hindi ako natatakot sayo, Ms.Aria Celestine Gomez." I shot her back.

"Let's see, Mr.Alexis Del Castillo." Pagkatapos nyang sabihin yun ay ngumiti siya sakin.

Isang ngiti na ngayon ko lang nakita. Isang ngiti na para bang sinasabi nya na hinahamon kita. Gusto nya ng laro? Pwes, bibigyan ko siya ng pinakamagandang laro na hindi pa nya nasusubukan sa buong buhay nya. 

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Where stories live. Discover now