Chapter 21: The Famous Girlfriend Stealer is kissing you passionately.

8.5K 187 18
                                    

C H A P T E R - T W E N T Y O N E

Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Sinubukan ko siyang itulak pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa batok ko. Mapangahas niya akong hinahalikan ngayon. Mainit ang labi niya at para akong nalalasing dahil sa ginagawa niya.

Craig's watching! Sigaw ng utak ko kaya naman ay bigla kong naitulak ng sobrang lakas si Alexis.

Habol ang hiningang tinitigan niya ako at para bang may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.

Napalunok ako at napailing habang nakatingin sa kanya.

Nilapitan ko siya at sinampal ng pagkalakas-lakas pagkatapos ay nagwalk-out ako.

Mabilis akong naglakad at nang hindi pa ako nakuntento ay tumakbo na ako. Takbo lang ako ng takbo dahil feeling ko sasabog na ang puso ko kapag di ko to nilabas. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang nasa isang marathon ako.

Hindi naman para sa kanya ang halik na yun e. Para kay Craig yun, pero bakit bigla na lang siyang sumulpot at hinila ako? Ayan tuloy! Siya ang nahalikan ko! Bwiset! Aghh!

Habang tumatakbo ako ay biglang may kotseng humarang sa tinatakbuhan kong daan dahilan upang mapahinto ako.

"Let's go!" He said in an authorized tone at nilapitan ako. Marahas niyang hinawakan ang braso ko at marahas ko itong nabawi.

"Get off me!" Sigaw ko sa kanya. Galit ako sa kanya! Galit na galit!

"Stop acting like it's your first kiss!" Sigaw niya sakin.

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. "Bakit mo ginawa yun gayong alam mo naman na hindi para sayo yun?!" Sigaw ko.

Bumuntong hininga siya at ginulo niya ang buhok niya. "Nakalimutan mo na ba kung bakit ako pinatapon ni daddy dito? Dahil isa akong sikat na mang-aagaw sa pilipinas, Aria. Ayokong may humahalik sa iyong iba. Ayokong may dumamping ibang labi diyan sa labi mo dahil nadampihan na yan ng labi ko. Dapat mong tandaan na kung ano ang nahawakan ko ay gusto ko na sa akin lang yun. At sisiguraduhin ko na wala ng ibang makakaangkin pa non. At dahil naangkin ko na ang labi mo, ibig sabihin lang non ay di ka na pwedeng mahalikan ng iba."

Speechless ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ulit ang braso ko at kinaladkad ako papasok sa front seat ng sasakyan niya.

Pagkapasok niya sa loob ay napatingin ako sa kanya. Gusto kong itanong kung bakit niya ako pinaupo dito sa front seat pero di pa man ako nakakapagsalita ay inunahan na niya ako.

"Simula ngayon. Ikaw na ang nagmamay-ari ng upuang yan." Tapos pinaharurot na niya ang sasakyan.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Di ko alam kung normal lang ba ito o baka naman may sakit na ako sa puso. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay bigla na lamang itong bumibilis. Parang may kabayong nagkakarera sa loob ng puso ko.

Habang nasa byahe kami ay ramdam na ramdam ko ang maiinit na titig niya sakin. Nanginginig ang tuhod ko at kinakagat ko ang ibaba ng labi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Bakit niya ba to ginagawa? Bakit niya ba ako pinapahirapan?

Kani-kanina lang ay sigurado akong mahal ko parin si Craig. Pero nong mahalikan ko na si Alexis ay bigla na lamang nagkaroon ng lomot ang utak ko.

Oh shet na pinakamalagkit na lomot! Virus yata tong itinanim niya sa utak ko e.

--

Nang makarating na kami sa condo ay mabilis akong pumasok sa kwarto at nagbihis. I locked the door at hindi ko siya pinansin. Hindi rin ako kumain at diretso akong humiga at nagtago sa ilalim ng kumot.

Iniisip ko ang mainit na labi niyang nakadampi sa labi ko kanina. Sobrang mapangahas ang paghalik niya sakin kanina at feeling ko gusto niyang ipakita kay Craig na pagmamay-ari niya ako.

Napahawak ako sa labi ko at pumikit. Oh shit! Clear na clear pa sa utak ko kung paano niya ako hinalikan kanina.

"Hayyyyy!" Malakas na buntong hininga ko at bumangon ako.

Kinuha ko ang planner na nasa bag ko at nakita ko na schedule na pala ni Alexis na matulog dito sa kwarto ngayong gabi. Nag-expire na pala ang 1 week na schedule ko. Ay di pala. 2 weeks. 2weeks niya pala akong pinatulog sa kwarto at 2 weeks din siyang natulog sa couch simula nong gabing may nangloob sa amin.

Naisip ko na kailangan kong maging fair sa rules dito sa bahay. Kaya naman ay lumabas ako ng kwarto at hinanap ko si Alexis kahit na labag sa loob ko na kausapin siya ngayon.

Nakita ko siyang nakahiga sa couch na nakasuot ng itim na shades at nakauniform parin siya.

Napataas ang kilay ko habang tinitingnan ko siya. Anong drama ng taong to? Dahan-dahan ko siyang nilapitan.

"Hoy." Tawag ko sa kanya pero hindi man lamang niya ako pinansin.

"Hoy, Alexis!" Sigaw ko sa kanya pero hindi parin niya ako pinansin. Tulog na ba siya?

Yinugyog ko ang balikat niya. "Alexis." Pero di parin siya nagising. Kaya kinarer ko na talaga ang pagyugyog sa kanya. "Ale--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang bumangon at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang shades niya at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kong pulang-pula ang mga mata niya.

"Anong nangyari sayo?"

"Nagtatanong ka kung anong nangyari sakin? Really, Aria? Paano ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Bakit ang manhid mo?" He said with pain in his eyes. At bago pa man ako makareact ay bigla niya akong hinalikan.

Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang init ng labi niya. Hindi ako makagalaw at para akong naging istatwa. Ayan na naman ang puso ko. Ayan na naman ang mga kabayo. Nagsisimula na naman ang karera nila.

"Damn it, Aria! Open your mouth!"

"Ha?"

Inosente kong tinanong siya ng 'Ha?' dahil hindi ko siya maintindihan. Pero nang nabuksan ko nga ang bibig ko para magsalita ng 'Ha?' ay agad na naman niya itong inatake.

This is it. I hate to say this to you, Aria Celestine Gomez but The Famous Girlfriend Stealer is kissing you passionately.

Itinulak ko siya pero di siya natinag. Naramdaman ko na lang na mas lumalim ang mga halik niya.

Oh my God. So this is how kissing is? French kissing?

Mas lalong lumalim ang halik niya. Sa sobrang lalim ay feeling ko nalalasing na ako. Para bang may pinaghuhugutan siya sa halik niya.

Hanggang sa maramdaman kong ako na ang nakahiga sa couch at nakahawak ang isang kamay niya sa pisngi ko at ang isa naman ay nasa lower back ko. Habang ang isang hita niya ay nasa pagitan ng dalawang hita ko.

Waiiiiit a minute!

"Alexis." I said in between our kisses pero feeling ko parang nang-aakit yata ang boses ko. My ghed! Di pwede to!

Parang now or never ang panghahalik niya sakin, kaya nang bumaba halik niya sa leeg ko ay itinulak ko na siya.

Dali-dali akong tumayo at inayos ang damit ko. Hindi ko siya hinarap at magwowalk-out na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Pwede bang humingi ng favor sayo?"

Napatingin ako sa kanya at hindi ako nagsalita. Speechless parin kasi ako dahil sa nangyari.

"Pwede bang agawin kita galing kay Craig?"

Oh shet! Nalaglag ang puso ko sa sahig! Pakipunit.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Where stories live. Discover now