Chapter 7: Learn how to hide your feelings, Aria

10.5K 210 2
                                    

C H A P T E R - S E V E N

I'm sorry Aria. You're dad is in a comatose state right now.

"Jesus." I whispered. Oh God! Anong gagawin ko? 

Bigla akong napaupo sa sahig dahil sa nabasa ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Dali-dali kong denial ang number ni sir Alex at pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot na niya ito.

"S-sir. Kamusta na po si dad?" Nauutal kong tanong kay sir Alex. Halos hindi na ako makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

"I am so sorry Aria. Ginawa ko naman ang lahat para maging stable ang lagay niya pero the doctor said na lumalala na daw ang tumor na nasa brain niya at hindi magtatagal ay magiging cancer na ito."

Biglang bumuhos ang luha sa mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko.

"I promised to do anything Aria. Mabubuhay ang daddy mo. Don't worry. Just promised me that you'll take good care of Alexis. Yan lang ang hinihiling ko sayo."

I bit my lower lip with what he said.

"I promised." I don't know if how long but I will. "I promised to take good care of your son, Mr.Del Castillo. Just please..." Hindi ko na kayang ituloy ang sasabihin ko dahil bumuhos na ang emosyong kanina ko pa pinipigilan.

"Yes, Aria. I will. Just have faith in him. He'll going to help your dad."

I nod. Alam kong hindi niya pababayaan ang daddy ko. God will going to help him no matter what.

Pagkatapos kong makipag-usap sa ama ni Alexis ay inayos ko na ang sarili ko at ipinagpatuloy ko ang paglinis sa kalat na ginawa ni Alexis.

Hindi ako magpapaapekto sa lahat ng problemang ibinigay niya sa amin. Alam ko namang hindi niya ako bibigyan ng problemang hindi ko kaya eh. I know he did this for a reason. Kahit masakit. Kailangan ko itong tanggapin.

Pagkatapos kong linisin ang lahat ng kalat ay pumasok ako sa kwarto ni Alexis upang magpahinga. Nasabi ko naman sa inyo na iisa lang ang room namin diba? Kahit galit siya sakin, wala akong pakialam basta may matulugan lang. 

Nakita kong nakasandal siya sa headrest ng kama at nakapikit habang may nakasuksok na earphone sa taenga niya. Buhay prinsipe nga naman. Lahat nasa kanya na. Magandang ugali na lang ang kulang.

Lumapit ako sa kama at dahan dahan akong humiga sa tabi niya. Malaki naman kasi ang bed at kahit gaano pa ako kalikot kung matulog ay hindi ko parin siya magagambala dahil sa sobrang laki ng kama.

Nasa left side siya at nasa right side naman ako. Dahan dahan kong nilagyan ng unan ang pagitan naming dalawa.

Feeling ko hindi niya napansin ang paghiga ko sa tabi niya dahil hindi man lamang siya gumalaw at hindi nagbago ang posisyon niya. Nakapikit parin siya. Paano kaya siya nakakatulog habang nakasandal sa headrest ng kama? Ang sakit kaya sa ulo niyan.

"Ang gwapo mo sana, kaso ang pangit ng ugali mo." Mahina kong sabi sa sarili ko habang nakatitig ako sa perpekto niyang mukha bago ako tumaikod sa kanya.

Kinuha ko ang ipod na nakalagay sa bulsa ko at isinuksok ko naman ang earphone sa taenga ko. I press the play button at pumailanlang sa taenga ko ang pinakamagandang boses na narinig ko sa buong buhay ko. The voice of Shane Harper. I just love his voice so much lalo na nang kantahin niya ang hold you up.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakahawak sa ipod ko. Hanggang sa naramdaman ko ang luhang lumalabas sa mga mata ko.

Hindi ko kayang mawala si daddy samin. Siya lang ang nag-iisang taong nagpapalakas ng loob ko aside kay mommy. Siya yung taong nandiyan para suportahan ako. Hindi pa ako ready na harapin ang buhay na wala siya. Titiisin ko ang lahat ng sakit at pangungulila magamot lang siya. Kakayanin kong makisama sa isang taong hindi ko kilala maisalba ko lang ang buhay ni daddy.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ